Clementine
Anong pakiramdam ng maging pasyente? Nakakabagot. Tatlong araw na akong nakapiit dito sa condo kahit magaling naman na ako. Pinabantayan pa talaga ako ni Cyann sa katiwala nilang si Manang Ofelia para hindi raw ako makatakas. Bawal din akong maglinis ng bahay o magluto. Pahirapan pa nga ang pagtapos ko sa group thesis. Feeling ko kung hindi ko pa groupmate si Sai, bawal din akong humarap sa computer. Naaawa na nga lang si Manang Ofelia sa’kin kaya hinahayaan na lang niya akong magbasa kapag wala na akong ibang magawa.
At dahil wala akong ibang mapagkaabalahan dahil ayoko namang magdamag humarap sa laptop at hindi naman ako mahilig manood ng TV, pinatos ko na rin ang ‘Fifty Shades’ na binigay ni Sai sa’kin nung kaarawan ko. Kung ‘di ko lang gawain na tapusin ang librong naumpisahan ko na, hindi ko na itutuloy ‘yun nung nabasa ko na ang kontrata na binigay ni Christian Grey kay Anastasia Steele. May gulay! Naloka ako sa hard limits!
Putting that aside, hindi ko alam kung pinagbawal din ba ni Sai ang mga bisita maliban lang sa pamilya niya. Kasi naman kung hindi pa nag-text si Milo at hindi pa ako nagtanong kay Manang Ofelia, hindi ko pa malalamang dumalaw pala siya kahapon. Si Manang naman, hindi man lang ako ginising para sana nakausap ko yung tao. Ayaw daw niya akong gisingin kaya pinaalis nalang daw niya si Milo. Enebenemenyen.
At purgang-purga na rin pala ako sa prutas. Araw-araw kasing may nagpapadala ng fruit basket sa unit. Pagkauwi pa lang namin galing sa Medical City, bumili na agad si Sai ng prutas at cranberry juice kahit sinabi kong ayos na ako sa buko juice. Kinabukasan, may na-deliver na bagong fruit basket galing kila Tita Jo. May pinadala din sila Kuya Vlad at Ate Max pagkatapos nun. Kahapon, galing naman kila Ate Carlene. Pakiramdam ko nga, kung masasaksak ako, fruit juice na ang lalabas at hindi na dugo eh.
Siyempre, nagra-rant na ako. Hindi lang talaga ako sanay na ako ang pinagsisilbihan. Sa mansiyon kasi ng tatay ko, kahit may sakit, kailangan kong pagsilbihan ang pamilya niya kahit awkward para sa aming dalawa. Hindi ko rin kasi siya pwedeng tawaging ‘Papa’ sa harap ng pamilya niya. Dapat ‘Sir’ lang. Kaya hindi rin kami nakapag-usap nang matino dahil lagi namang nakabantay sa kanya ‘yung asawa niya. Palihim pa niyang pinapabigay sa mayordoma ‘yung mga supplements para sa’kin para daw hindi ako laging magkasakit. Isa ‘yun sa mga ginawa niya para iparamdam sa’kin na kahit papa’no, inaalala din niya ang kapakanan ko. O baka bawal lang magkasakit dahil marami ngang gawaing-bahay?
Naaalala ko pa kapag ‘yung mga anak naman niya ang magkakasakit, special request na ako ang mag-alaga. ‘Yung mas batang si Natasha, tahimik lang kahit alam kong hindi siya natutuwa sa pag-aalaga ko sa kanya dahil nga anak ako sa labas. Pero ‘yung panganay—si Ate Nathalie— may eksena munang magaganap – tatapalin ‘yung sopas na buhat ko o kaya babasagin ‘yung kung anumang dala ko para sa kanya, bago tumawag ng bagong katulong dahil naiirita daw sa’kin. Parang tanga lang diba? Sino bang nag-request na ako ang mag-asikaso sa kanila? Ano yon? Ipapamukha niya sa’kin na hindi ko sila ka-level? Kung sila ang kailangan kong tapatan, ‘wag nalang.
“’Nak,” narinig ko ‘yung boses ni Manang Ofelia kasabay ng paglabas niya galing sa kwarto ng alaga niyang si Sai. “Meron ba kayong sinalihang radio show ni Sai-Sai?”
Radio show? Bakit naman kami sasali sa radio show? “Wala po. Ewan ko po si Cyann. Baka po interview?”
Mukhang nagtaka naman si Nanay. “Baka nga. Kung sabagay, hindi ko pa narinig ‘yung boses mo. Pero ilang beses nabanggit ‘yung pangalan mo eh.”
Muntik na akong mapabalikwas sa sinabi niya. Bakit naman mababanggit ang pangalan ko sa interview ni Sai? Ano na namang kaguluhan ang idudulot nito? Mapayapa na nga ang buhay ko, mayayanig na naman dahil binanggit na naman niya ang pangalan ko? Ang sakit talaga niya sa bangs! Babangasan ko na talaga yon!
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
Aktuelle Literatur"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...