39. Clarity

2K 71 32
                                    

Clementine

Pagkagising ko kinabukasan, wala na si Cyann sa kwarto na siyang labis kong ikinapagtaka. Tinignan kong mabuti ang bakanteng espasyo sa kama na inilaan ko para sa kanya. Maayos ang pagkakasalansan ng mga unan. Inisip ko pa kung ganun ba kalalim ang tulog ko at hindi ko namalayan ang paggalaw niya?

Umupo ako sa malawak na kama, saka ko namataan ang malaking couch sa may bandang dingding. Tatlong unan ang nagkalat doon at isang kumot na hindi naitupi. Doon talaga siya nagpalipas ng gabi?

Habang iniisip ang pwedeng maging dahilan kung bakit hindi siya sa kama natulog, inilibot ko ang aking mga mata sa buong kwarto.

White at shades of blue ang dominanteng mga kulay. At kahit pa mas malaki pa rin ‘yung ancestral house nila sa Alabang, hindi pa rin maikakailang nakakamangha pa rin ang eleganteng pagkakadisenyo ng lugar. Fully carpeted ang kwarto na kapag tinapakan, parang naglalakad sa bulak dahil sa lambot. Parang masarap ding matulog sa lapag. Kaunti lang ang mga kagamitan: bukod sa sofa, may tig-isang mesita sa magkabilang sides ng kama at isang malaking flat screen TV na naka-install sa dingding, at dalawang  upuan malapit sa veranda.

Tingin ko, sinimplehan ang kagamitan dahil ang focal point ng buong kwarto ay ang nakasabit na chandelier sa kisame. Ang pusta ko, mamahaling diyamante ang mga palawit nun dahil kahit hindi tinatamaan ng sikat ng araw, kumikislap sila. Parang mga bituing abot-kamay lang.

Nagulat ako nang biglang may tunog-bubuyog akong narinig. Hinanap ko pa kung saan nanggagaling pero napanganga na naman ako.

Unti-unting bumubukas ‘yung makapal na kurtinang kulay asul. Agad akong lumingon kasi akala ko nasa likod ko si Sai at may hawak na remote para pagalawin ‘yun. Pero tengene… mukhang automatic ang paghawi ng kurtina dahil alas siete na pala ng umaga.  At habang naghihiwalay ang dalawang parte, unti-unti ring nari-reveal ang ganda ng umaga sa dagat at ang pagpasok ng malamig at preskong hangin.

Naalala ko na naman ‘yung kahapon ko pa pinapangambahan kaya tumuloy na ako sa banyo. Inisip ko na lang na nasa normal na banyo lang ako at hindi ‘yung dadaan pa sa walk-in closet complete with vanity mirror bago makarating sa bathroom na may shower na nga… may bath tub pa. Pero nung magpupunas na ako ng mukha, tumambad sa’kin ang face towel na may nakaburdang pangalan ni Cyann.

Agad kong ibinalik ‘yun sa sabitan at ipinunas na lang ang mukha sa damit ko bago nagmadaling lumabas sa kwarto. Kailangan ko ng kausap. Parang wala na ako sa tamang pag-iisip.

Saktong isasara na ni Vincent ang pinto sa katapat na kwarto nung lumabas ako. “Ah, good morning, Vincent,” bati ko sa kanya. “Ano… gising na ba si Alice?” tanong ko, nagbabaka-sakaling baka lang naman alam niya nang maituro sa’kin kung saang kwarto natulog ang pinsan ko.

“Tulog pa. Napuyat ata kagabi,” matipid niyang sagot. At bago pa ako makapag-follow-up question, nakaalis na siya kaya naiwan akong nakatayo sa hallway.

Medyo natagalan akong i-interpret ‘yung sinabi niya. Ang naaalala kong sabi ni Sai, pang-couple daw ang bakasyon. Tama bang isipin kong nasa loob din ng nilisan niyang kwarto si Alice? Papasok ba ako o hihintayin kong bumalik dito si Vincent? Ayoko namang bumaba para hagilapin si Cyann. Hindi pa ako handang makipagharap sa kanya.

Bahala na. Dahan-dahan kong pinihit ‘yung pinto. “A-Alice?” mahinang tawag ko pagkapasok sa kwarto pero walang sumagot. Tuluyan ko nang nilibot ang kulay dark green at cream na kwarto at naisip kong mas bagay dito si Sai dahil greenminded. Pero nang makita ko ang isa pang malawak na kama, walang kahit sinong nakahiga doon. Wala rin si Alice sa veranda. Baka nga sa ibang kwarto natulog.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon