Clementine
Predominantly white, maroon at blue ang suot ng mga tao sa loob ng MOA Arena. Kapansin-pansin na dinayo ng sangka-UP-han ang Pasay para suportahan ang kupunan naming nagbabadyang mapasok ulit sa Final Four ngayong season. Sa wakas naman.
Pati ‘yung mga pinsan ni Sai, naka-university shirt din: Si Kuya Vlad and family kasama si Kuya Erik, naka-ADMU shirts. Kami ni Ate Carsie, siyempre Maroons. Buti nga nasabihan ko si Alice kagabi na mag-UP shirt din eh para damang-dama ang team spirit. Nagulat nga ako dahil bitbit din niya si Vincent at parehas sila ng design ng damit. Nahiya nga ako sa kanya dahil kinailangan pa niyang bumili ng sarili niyang ticket. Hindi ko naman kasi alam na sasamahan niya si Alice edi sana nasabihan ko si Cyann na kumuha ng isa pang ticket.
Anyway, sobrang ganda ng game. Pang-finals ang performance ng Ateneo at UP. Alam mo yung halos hindi ka makahinga sa sobrang excitement? O kaya ‘yung pakiramdam mo, kasama kang naglalaro kaya nakikipagmurahan ka rin sa alumnus ng kalaban? Ganun ang naramdaman ko. Ang higpit nga ng hawak ko sa kamay ni Alice sa tuwing tinitira ‘yung bola tapos halos magyakapan pa kami sa tuwing pumapasok pati ‘yung mga alanganing shot ng Maroons. Napapailing na nga lang si Vincent eh.
Halos nakatayo rin lahat at tuwing timeout lang yata kami nakakaupo para makapag-recharge ng boses at energy sa pagsigaw. At dahil tuwang-tuwa ako kay Alice na hindi mapakali sa upuan dahil first time nga niyang manood na sobrang lapit sa mga players at dahil marami ring artistang nanonood, hindi ko sila agad napakilala sa mga pinsan ni Sai na abala ring nakikipag-usap sa mga kakilala nila.
Overall, masaya ‘yung game. Siguradong topic ‘yung laban sa mga usapin sa school dahil palitan talaga ng lamang. Feeling ko nga, kung nasupalpal ni Nico Salva ‘yung lay-up ni Mike Silungan, matatalo ang UP eh. Buti nalang talaga naawa ‘yung bola at pumasok sa net sa pagtatapos nung game clock.
Kahit hindi si Cyann ang Player of the Game, natutuwa kaming lahat dahil siya naman ‘yung Maaasahan Player of the Game. Sa kanya kasi galing karamihan ng magagandang pasa tsaka maganda ‘yung pagdadala niya ng bola as shooting guard. Nahirapan siguro siyang dumiskarte kasi si Kiefer Ravena ang bantay niya.
Pero…
Anakngtinapangtupa.
Hindi ko alam kung matutuwa ba talaga ako dahil nanalo ang UP laban sa ADMU.
Sa kalagitnaan ng pagcha-chant ng mga Isko at Iska sa loob ng MOA Arena nung matapos ang laban at ini-interview na lang ‘yung mga players, ako naman, nababagabag. Sumasabay sa pagdagundong ng drums ang pagtibok ng puso ko. Habang halos mapunit ang litid ni Alice sa leeg kaka-chant ng U-nibersidad ng Pilipinas, wala sa loob akong sumasabay sa pagpalakpak.
Ano’ng gagawin ko? Lalabas ba talaga ako kasama si Cyann?
Bakit ba kasi ako pumayag sa lesheng pustahan na ‘yon? Dapat simula pa lang, umayaw na ako eh. Para tuloy akong naghukay ng sarili kong libingan.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
Ficción General"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...