Ngayon lang ulit may otter's note.. dahil... dinugo ang utak ko sa pagsulat neto -_-" malalaman niyo nalang kung bakit. Magcomment na lang kung may gustong sabihin.. HAHAHAH
Paki-play na lang pala yung link sa gilid sa bandang huli.. HAHAHA.. LELS
===
Clementine
Simula nung natalo ang UP laban sa De La Salle Green Archers, hindi pa rin umuuwi si Cyann sa condo. Inisip kong baka nahihiya lang dahil nga siya ang may kasalanan ng pagkatalo nila. Kahit na-badtrip ako nun, inintindi ko na lang dahil malamang nasaktan ang pride niya. Sabi ko na nga ba, maji-jinx ko ang Maroons ‘pag nanood ako eh.
Pero naipanalo na nila ‘yung mga games laban sa UST at NU, wala pa rin. Hindi na rin ako binigyan ng complimentary tickets ni Sai siguro dahil napag-alaman niyang may sumpa akong bitbit. Kaya kahit sa TV, hindi ko na rin pinapanood ‘yung simultaneous airing nung laban. Nagti-tiyaga na lang ako sa replay.
‘Yun nga lang, kung dati iniiwasan niya ako sa school, ngayon, parang non-existent na ako para sa kanya. Ni tawag o text, wala talaga akong nakukuha. Hindi ko talaga lubos na maisip kung ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya at ganun nalang ang pagtrato niya sa’kin na parang di talaga kami magkakilala.
Hindi naman sa gusto kong pansinin niya ako. Nakakairita lang dahil wala man lang paliwanag kung bakit naging ganun nalang bigla nang hindi ko namamalayan. Ano ba naman ang simpleng ‘uy, ayos lang ba kung hindi tayo magpansinan sa campus? A guy with a stature like mine shouldn’t be seen with a girl as lowly as you’? Mas matatanggap ko ‘yon kahit baka naingudngod ko muna sa aspalto ang pagmumukha niya kesa naman sa ganitong wala man lang pasabi. Pa’no ko malalaman kung sa’n ako lulugar? Ano namang pagsisinungaling ang sasabihin ko sa mga usisera? Tangina this langs talaga.
Edi payn! Kung ganito ang gusto niya, MAS MAGANDA! As if namang ikamamatay kong hindi niya ako pansinin. Nabuhay ako nang wala siya, makakaya kong bumalik kami sa dati—nung hindi ko pa nakakasalamuha si Cyann Mabanta. Mas maayos nga yun eh.
At dahil nga parehas kami ng schedule ng class, halos sa araw-araw na ginawa ni Papa God, wala na akong ginagawa pagdating ng alas kwatro ng hapon maliban nalang every Monday dahil nasa office ako nun. Kesa tumunganga ako sa condo, pinatos ko na rin ‘yung interview ko sa Coffee Mornings and Acoustic Nights. Tinawagan kasi ako nung isang araw, ni-refer pala ako ni Alice, ‘yung waitress-performer na nakilala ko nung anniversary nila Tita Jo. Wala namang mawawala kung tatanggapin ko ‘yun dahil part-time lang naman at mga more-or-less five hours lang ang work hours.
“I like you,” sabi ni Mr. Marthens, ‘yung ‘Kanong may-ari nung CMAN. “Just from looking at you, I know you’re a hard-worker. And I believe you’re meant for something bigger,” dagdag pa niya bago ako tinignan sa mata na parang binabasa ang kaluluwa ko. “But you’re obviously over-qualified for this kind of job.”
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Shet. Ibig sabihin, hindi ako matatanggap. Hindi naman ako hihingi ng mas mataas na sahod kahit pa tingin niyang over-qualified ako. Gusto ko lang na laging may ginagawa dahil nabobobo ako kung magmumuni-muni lang ako.
“Tell me, why do you need this position? You’re already earning from another part-time job. Are you saving for something or perhaps you’re the one supporting your family?” tanong niya.
Tumuwid lalo ang upo ko at nakipagtitigan ako sa kanya. At kahit dinudugo na ang utak ko sa mga tanong niya, sinigurado kong tuwid ang English ko. “To be honest, Sir, it’s not a need. I just believe that if an opportunity presents itself, I should always be open and just accept it. I’m not after the money. I’m after the experience and what I could learn from it. It will help me find out what I truly want in the future.”
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...