Clementine
Pagkatapos ko siyang halikan nang dalawampung segundo, hindi na talaga ako nilubayan ni Cyann. Ultimo pagpunta ko sa banyo sumasama siya at hinihintay ako sa hallway. Kulang na lang samahan niya rin ako sa loob ng banyo. Buti nga pangmaramihan yung ladies' room kundi sigurado akong hindi mag-aatubiling pasukin ni Sai 'yon para siguraduhing hindi ako mawawala sa paningin niya.
"Lem," masiglang bati sa'kin ni Ate Carlene bago ako bineso-beso sa magkabilang pisngi. "So, how are you and my li'l cousin?"
Matipid akong ngumiti pero hindi nakawala sa mapanuri niyang tingin ang pagbuntong hininga ko. "Ayos lang naman po, Ate."
Agad siyang kumapit sa braso ko at hinintay na makaalis ang ilan pang mga babaeng nasa Ladies' Room bago ako binulungan. "What's wrong?"
"H-Ha? Wala naman po," naguguluhan kong tanong.
Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Lem, hindi kita paaalisin dito hangga't hindi ka nagsasabi. May ginawa na naman ba si Sai-Sai?"
Umiling ako. Paano ko ba sasabihin na medyo nasosobrahan ng pinsan niya ang pagiging showy ng feelings niya para sa'kin? Wala naman kasi akong basehan para malaman kung ganito ba talaga ang honeymoon stage ng bagong magkasintahan. Pakiramdam ko kasi hindi si Cyann ang problema.
Kundi ako.
"Lem?" ulit niya. "Do you want me to talk to him?"
"Naku, Ate. Ayos lang po talaga. Nao-overwhelm lang po siguro ako sa atensiyon niya sa'kin. Ano...hindi kasi ako sanay..." nahihiyang pag-amin ko. Parang mas gugustuhin ko pang bumalik kami sa dating asaran.
Malambing ang ngiti ni Ate Carsie. "OA ba?" tanong niya at naiilang akong tumango. "He's just like you. Overwhelmed. Siguro dahil ikaw ang unang babaeng sineryoso niya. You haven't given up your cherry to him, have you?"
Ilang beses akong umiling. Mygahd...iniisip ko pa lang yun, 'di na kinakaya ng kalooban ko.
"Why did I even ask that?" natatawang sabi niya. "Ilang buwan kayong magkasama sa iisang bubong nang walang nangyayari. Looking at you, my cousin's probably in for a veeerryy long wait. But that's okay. And I want you to keep it up. Make him realize that you're not easy-to-get na tulad ng iba niyang mga naging karelasyon. He'll love you more for it."
Hindi naman sa iniisip kong magpapasupil ako agad sa pinsan niya pero nabagabag ako sa mga sinabi ni Ate. At dahil wala akong maikumento sa mga nasabi niya, nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"As far as we know, ikaw pa lang ang babaeng matagal niyang sinuyo kaya hindi ko rin siya masisi kung nagiging overprotective siya sa'yo. And based on my observations, bordering on clingy na siya," nakangiti niyang pagpapaliwanag. "All I know is... Now that you're officially his girlfriend, more likely...he will make a move-"
Bumara ang laway sa lalamunan ko kasabay ng pamimilog ng mga mata ko.
"Hindi sa tinatakot kita, Lem," pag-aamo niya sa'kin dahil siguro nakita niya kung paano ako nagulantang sa sinabi niya. "All I'm saying is that every girl he dated led to his bed then a breakup a few days after. Take note: DATED. I'm not sure if it would be the same for you as his girlfriend. Kilala ko ang baby cousin ko. It's just a matter of time kung kailan siya magpapahaging-"
"Ate Carsie, ano pong gagawin ko?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Dapat ba talagang ngayon ko ito marinig? Unang araw pa lang naming maging official ah. Parang gusto ko na tuloy makipagbreak.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...