Clementine
Wala na naman akong tulog. Tss. Asa naman akong magkakaroon pa ng masarap na tulog eh parang nakaposas lang ‘yung isang kamay ko kay Cyann. Mabuti sana kung hindi siya malikot kaso naman, kanina pa siya bumabalikwas sa pwesto na parang di mapakali. At dahil hawak pa rin nga niya ang kamay ko, pati ako nahahatak niya sa bawat paggalaw.
Sinubukan ko nang tanggalin ‘yung kamay ko kanina. Tagumpay naman. Pero bigla siyang gumising na parang wala sa sarili, tapos kinuha ulit ‘yung kamay kong mas malapit sa kanya. Kaya ngayon… nakaharap na siya sa’kin at dalawang kamay na niya ang nakakapit sa palad ko. Parang binabantayan ako at sinisigurong hindi ako aalis sa tabi niya.
Daig ko pa ang may alagang sanggol.
Napaisip tuloy ako kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Sharelle at nagkaganito si Sai. Totoo kayang nag-break na sila? Ano ba ‘yan. Na-guilty naman ako bigla. Baka naman dahil nga sa’kin kaya sila naghiwalay. Dapat talaga hindi ko nalang pinatulan ‘yun eh. Ayan tuloy, ako ang napagkakamalang Sharelle.
Pero tinawag niya ‘yung pangalan mo, diba? Sabi niya ‘Clementine, I like you.’ Hindi naman ‘Sharelle, I like you.’ Pa’no mo naman ‘yon ipapaliwanag, sige nga? Pag-uuntag ng isang parte ng utak ko.
Tumingala ako at naramdaman ko na naman ‘yung paghigpit ng kapit sa’kin ni Sai.
Projection lang siguro. ‘Yung mga ‘di niya nasabi kay Sharelle, sa’kin na lang sinabi. Dinagdagan pa ng impluwensiya ng alak kaya malamang di na niya alam ‘yung mga pinagsasasabi niya kagabi. Sa pagkakakilala ko kasi kay Sai, malamang na hindi sya ang nauunang magsabi ng nararamdaman sa sinumang karelasyon niya. Masyado siyang ma-pride para aminin ‘yun.
Ang hinuha ko, nag-demand ng ‘I-love-you’ si Sharelle kay Cyann. Pero di masabi nung isa kaya ayun, nakipaghiwalay. Siyempre naman, kung ako ang nasa katayuan ni Sharelle at sinuko ko agad ang Bataan, manghihingi talaga ako ng kapalit. Buong pagkababae ang inialay ko sa kanya, kahit man lang ‘yung simpleng ‘Mahal Kita’ ang marinig ko para man lang maibsan ang pagsisisi sa naging desisyon kong ipasupil ang aking pagkababae.
‘Yun nga lang, ‘I like you’ lang ang nasabi netong si gago.
Aba naman. Ang layo ng pinagkaiba ng ‘like’ sa ‘love’ ha. Parang ikinumpara mo ‘yung aso sa tao. Kahit ako, aalma don.
Kaya nga ang prinsipyo ko sa buhay pagdating sa usapang virginity: Patunayan muna ni lalaking mahal nya ako bago ako pumayag na may mangyari sa’min. Hindi pwede sa’kin ‘yung linya nilang: ‘gawin natin ‘to para mapatunayan mong mahal mo ako’. Baka naipatapon ko na sa impiyerno ‘yung lalaki kung ganon. Halatang libog lang ang pinapairal eh.
Malaki ang paniniwala kong kung mahal ako nung kasintahan ko, maghihintay siya. Kahit gaano pa katagal ‘yon. Kung pwede nga lang, kasal muna bago sex eh. Para makasiguro lang na wala na siyang takas pagkatapos ng honeymoon dahil legal na kabiyak ko na siya.
Kaya siguro wala pa ring nakakapagpatibok ng puso ko ngayon dahil parang masyadong mataas ang standards ko. Ay mali. Masyado palang makaluma. Tss.
Pero naman kasi, ang hirap kayang makahanap ng matinong lalaki. Lalo na ‘yung mataas ang respeto sa mga babae. Gusto ko nga sana tipong ‘no girlfriend since birth’ din na tulad ko para fair. Tapos ‘yung liligawan ako nang matagal para mas makilala namin ang isa’t-isa. Kesa naman tulad netong si Shrek na basta yata swak sa standards niya ‘yung babae, sa kama agad ang bagsak eh.
Tumagilid ulit ako at hinarap siya.
“Clementine…” narinig kong mahinang ungol ni Cyann. Pero nakapikit pa rin naman nung tinignan ko.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...