36. Almost There

2.1K 71 34
                                    

Clementine

Dahil depress-depress­-an mode si Cyann, hinayaan ko muna siyang mag-emote. Alam ko namang malaking tulong ‘yung paglalabas niya ng hinanakit paminsan-minsan. Mahirap din kasi ‘yung nagtatago nga ng sama ng loob, walang peace of mind.

Malaki rin ang naitulong nung dumalaw sila Tita Jo at Tito Albert sa unit. ‘Di pa pala nasabi ni Cyann ‘yung final grades namin kaya ako ‘yung tinanong ni Tita. Sobrang saya nila nung nalaman nilang nakaya ng anak nilang makapasok sa CS kaya sumugod sila sa condo. Parang may piyesta tuloy kami sa dami ng pagkaing pina-deliver nila galing sa Kenny Rogers.

“O diba? Sabi ko naman kaya mo eh,” puri ni Tito Albert at tinapik sa likod ang anak. “Wala ka lang kasing tiwala sa sarili mo.”

Bakas sa mukha ni Cyann ang tuwa dahil napasaya niya ‘yung tatay niyang lagi na lang yata niyang nadi-disappoint bago ang kaganapang ito. “It’s not all me. She helped a lot,” baling niya sa’kin kasabay ng matamis na ngiti na kulang na lang ay magliwanag ang buong katauhan niya. Tingin ko, more than the fact na nakapasok siya sa Dean’s List, mas malaking achievement para sa kanya ang approval ng ama.

Inabot ni Tita Jo ang kamay ko’t pinisil ‘yon. “I’m really glad both of you crossed paths. It may not be the best way to meet, but it must be fate. I’m glad that you’re here to support our son.”

“Ah, hindi naman po Tita. Kailangan lang po niya ng matinding motivation,” ganti ko naman kahit pa parang nagbubuhatan na kami ng bangko ng anak nila.

“Dapat ganyan din next sem ha,” hamon ni Tito Albert. Matipid na ngiti at nag-aalangang tango ang parehas na naiganti namin ng anak niya. Oo nga pala, kailangang parehas na sem maging DL si Sai. Nangangalahati pa lang kami. Sana kayanin namin pareho ang susunod na limang buwan.

Pinunasan ni Tita ang mga labi gamit ang tissue. “By the way, Carlene told me that you’re all going to the island in December. Matutuloy ba kayo?”

“Yep. It’ll be on the 30th of November to December 2,” sagot ni Sai kasunod ng pag-inom ng iced tea.

Tumango-tango si Tita. “Be sure to reserve a room for Jenni and her husband, ‘okay? Carsie already knows about it.”

Kumunot naman ang noo ni Cyann. “Jenni who?”

Sobrang nagulantang siya nang sabihin nila Tito na ‘yung nag-iisang anak ng mga Castillo na isa sa mga family friends nila ay ikinasal na at ngayo’y may supling na rin. Kaedad lang pala namin ‘yung babae kaya pala ganun kung maka-react si Sai. Napaisip tuloy ako kung madalang mangyari ‘yon sa mga mayayaman—‘yung bata pa lang, ikinakasal na. Parang talamak na kasi ngayon ‘yung mga nagkalat na mga teenagers na may pamilya na.

Kung sa bagay, karamihan nga pala sa mga mayayaman may mga business na pinagkakaabalahan. Bata pa lang 'yung mga anak, sinasanay na sila kung paano ang pasikot-sikot ng negosyo kaya sa tamang edad sila nagkakaroon ng pamilya. Tingin ko, requirement para sa kanila na maging successful muna sa buhay bago mag-settle down. 

Kumpara sa mga tulad kong mahihirap. Karamihan sa mga kilala ko sa amin, dahil sobrang hirap nga ng buhay, iniisip nilang lahat na pinakamadaling paraan para umangat ang buhay ay ang maagang pagpapakasal para may karamay sa pagtatrabaho. Hindi nila nauunawaan na hindi sagot iyon upang harapin ang mga problema. Bagkus, nakakadagdag pa sa mga alalahanin.

Kaya natutuwa rin ako kay Mama dahil hindi niya sinabi sa'king makipagrelasyon agad at lumagay sa tahimik habang bata pa. Tingin ko nga, dinibdib ko 'yon dahil hindi pa nga ako nagkakaroon ng nobyo.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon