31. Falling

2.3K 78 32
                                    

Clementine

Ang natatandaan ko sa sinabi ni Sir Nilo, pupunta kami sa Mt. Banahaw para bisitahin ang mga Rizalista—grupo sila ng mga naniniwalang si Jose Rizal ang tunay na anak ng Diyos. Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan ‘yun dahil may kinalaman nga naman sa subject.

Pero ang hindi ko magets, bakit kailangan pa naming pumasok sa kung anu-anong kweba na sa sobrang kipot, patagilid kaming maglalakad. At hindi rin pwedeng magsindi ng kandila dahil ikamamatay naming lahat—mass death by suffocation ‘pag nagkataon.

Mas malamang, metaphorical ang kahalagahan ng mga pinaggagagawa namin. ‘Yung tipong… face your fears because it’s what hinders you to achieve greatness. Sige na nga, may natutunan na rin ako bukod sa mga pananaw ng mga kasapi ng mga Rizalista.

‘Yun nga lang, dahil kahapon kami nagsimulang maglibot sa Banahaw at dahil gubat na nga, walang mapagbilihan ng baterya. Kaya unti-unti ring namatay ang aking butihing flashlight. Ang masaklap pa, ako lang sa grupo namin ang may dala.

“Here.” Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong nasa likod ko lang si Cyann.

“Bakit ba nandito ka na naman?” pabalang kong tanong sa kanya. “By group ang arrangement, diba? Hindi kita groupmate,” pagdidiin ko. Baka kasi hindi niya alam. Hindi naman kasi nakikinig ‘to sa klase.

Tsaka nakakairita na kasi. Kaninang umaga paggising ko, nagulat na lang ako dahil siya na ang katabi ko sa rest station kung saan kami lahat nagpalipas ng gabi. Nakipagpalit pala siya sa isang groupmate kong babae. Bukod sa naging tampulan na kami ng tukso, napagalitan tuloy kami ni Sir Nilo.

“Tss. Relax. I was told that your flashlight just ran out of battery,” depensa naman niya saka inabot sa’kin ‘yung flashlight na binili pa niya ‘nung Biyernes ng hapon para sa field trip na ito. “Kunin mo na. My team has three more,” dagdag pa niya.

Ang swerte talaga niya sa grupo niya samantalang minalas ako. Bakit ganun? Napaka-unfair. ‘Pag talaga nalaman ko kung sino sa mga kagrupo ko ang nagpapauto sa kanya, itutulak ko sa bangin. Chos! Siyempre, biro lang. Pero ‘wag talaga siyang papahuli sa’kin dahil baka anong magawa ko. Nagmumukha kasi akong mahina na parang lagi na lang umaasa kay Sai kahit kaya ko naman.

Pagkatapos naming magsususuot sa kung saan-saang siwang sa pagitan ng malalaking tipak ng bato na tatagos sa loob ng bundok, at pumasok sa butas kung saan nakadapa kaming gumapang para lang makarating sa kabilang dako, kailangan naman naming umakyat sa tuktok ng bundok kung saan natatanaw ang isang krus.

Hindi naman kalakihan ‘yung bundok. ‘Yung pinakamaliit kasing burol ang tinahak namin. Kinailangan din naming bumuhat ng bato habang paakyat kami. Kumbaga sa Alay Lakad… Alay-Akyat ang ginawa namin. Sinisimbulo ng batong buhat namin ang mga paghihirap at sakripisyo gayundin ang mga kasalanang nagawa tapos, maayos naming isasalansan ang mga iyon sa paanan ng krus pagsapit namin sa tuktok.

Sa totoo lang, ayaw kong sumama sa field trip na ito. Kasi nga aakyat ng bundok. Hindi ako takot sa heights. Jusme, kung takot ako sa matataas na lugar, edi sana hindi ako pumayag na manuluyan sa condo dahil nasa ika-dalawampu’t-dalawang palapag nga ‘yun. Medyo kinakabahan lang ako sa mga lugar na walang harang tulad nito. Bakit?

‘Yung idea na mahuhulog ako ang pinaka-kinatatakutan ko. Lalo na kung ang lalim ng babagsakan ko’t siguradong magkakandalasog-lasog ang katawan kung magkamali ako ng tantiya sa paghakbang.

Paano kung may sumalo?

Isa pang kaso ‘yan. Kaya ayoko ring mahulog dahil aasa akong merong sasalo. Ayoko sa lahat ‘yung umaasa. Hindi ko alam kung dahil ito sa pride o dahil sa Nanay ko. Lumaki kasi akong kami lang ni Mama ang magkaramay sa lahat ng bagay. At simula nung nawala siya’t kinupkop ako ni Papa na hindi naman ako madaluhan dahil nga bawal, natuto na akong umasa sa sarili kong kakayanan. Mas umigting pa ‘yung paniniwala ko dahil ipinamukha sa’kin na marami akong naabala nung kinuha ako ni Papa.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon