Clementine
Sa wakas malapit nang matapos ang thesis. Kumpleto na ang reference materials, pati ang results ng implementation, statistic representation pati conclusion meron na rin. Kailangan lang ayusin ang pagkakasulat ng lahat. At bilang kinarir ko na ang pag-document ng bawat meeting ng group namin, ako na ang nagpresentang ayusin ang pagkakasulat for final review ng thesis adviser namin.
May ilang nakatapos na ng thesis nila at naka-schedule na for defense. Actually, kung hindi lang takot ‘yung mga group mates ko na mauna kaming mag-defense, mabilis ko na sanang natapos ‘yun. Sinadya talaga nilang bagalan ang pangangalap ng materials para hindi raw kami ang first blood. Mas maganda raw kung bandang gitna kami magpe-present para may basis na kami.
Tulad ng dati, pinauna ko munang umalis ng classroom ‘yung mga kaklase ko nung ma-dismiss kami. Sandali akong napapikit sa muling pagkirot ng puson ko. May isang linggo ko na rin sigurong iniinda itong sakit na ‘to; ‘yung sobrang hirap at hapdi kapag umiihi.
Nung nagsimula ito, akala ko binabalisawsaw lang ako—‘yung hirap umihi pagkatapos ng matagal na pag-upo sa mainit na surface. Pabalik-balik ako sa banyo pero patak lang ang lumalabas. Nagulat na lang ako kasi dalawang araw na ang nakakalipas, hindi pa rin ako nakakaihi ng matino. Madalas, may kasama na ring konting dugo.
Tapos, palala nang palala ‘yung sakit. Dati kikirot lang siya sa tuwing magbabanyo ako. Pero ngayon, bawat galaw ko, sumasakit na ‘yung lower right ng puson ko. Pati nga ‘yung lower right ng likod ko, kumikirot na rin. Medyo mainit na rin ang pakiramdam ko.
Alam ko UTI ito. Ganun naman ang sintomas diba? Kaya panay na rin ang inom ko ng tubig para maagapan. Alam ko namang kulang talaga ako sa fluid intake eh. Sinabihan na rin kasi ako ni Madame Christine kasi halos hindi daw ako tumatayo sa upuan ko kapag focused na focused sa paggawa ng report. Pati sa CMAN, hangga’t hindi ako nauuhaw, hindi rin ako iinom ng tubig.
Sana nga UTI lang ito.
Tatayo na sana ako pero napansin kong nakatingin lang sa’kin si Cyann. “Ikaw, kailangan mong paghandaan ‘yung thesis defense. Ikaw ang magpe-present. Nasa background lang kami ha,” pagpapaalala ko sa kanya.
Tumango naman siya pero hindi niya inalis ‘yung tingin niya sa’kin. “Are you sick?”
Pinilit kong balewalain ‘yung pagkirot ng puson ko. “Hindi,” pagsisinungaling ko. Hindi na niya kailangang malaman ang kundisyon ko. Kaya ko na ‘to. Tubig o kaya buko juice lang ang katapat nito.
Halatang hindi siya naniniwala sa’kin at sasalatin sana ‘yung noo ko pero hinawi ko na ‘yung kamay niya bago pa dumapo sa balat ko. “Ayos lang ako,” pagpupumilit ko.
“You don’t look like it,” kumento naman niya. “’Wag ka nang pumasok sa CMAN. Take a rest. You’re overworking your body. Tapos nag-volunteer ka pa to write the rest of the thesis—”
“Madali na lang ‘yun. Kabisado ko naman ‘yung notes ko,” paninigurado ko pa bago ako tumayo. Kinagat ko pa ang dila ko para hindi mahalatang muntik akong mapakislot. “Pa’no? Uwi na ako. May practice ka ngayon diba?”
Tumayo na rin siya habang matamang nakatingin pa rin sa’kin. Feeling siguro niya sasabihin ko sa kanya ‘yung iniinda kong sakit. As if namang sasabihin ko sa kanya. Ayoko sa lahat ‘yung may nag-aalala sa’kin. Nung tinaasan ko siya ng kilay, nagbuntong-hininga na lang siya. Sinulyapan niya ‘yung relo niya bago ako ulit tinignan. “It’s still early. Mamaya pang 5pm ang shift mo sa CMAN diba? You should take a nap muna.”
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
Художественная проза"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...