Chapter 8: Shadows and Bones

1.7K 65 2
                                    

Nagbow na ako, si Aurora naman ay inirapan lang sila. She's always been like this lalo na sa mga royalties, she always hates bowing down pero may respeto naman siya sa mga malalakas na tao.

Pero I guess hindi niya ina-apply yung respeto ngayon dahil nangingibabaw ang galit niya. "Yes. Of course, I will do my best."

Maikling sagot ni Hellion, hindi naman siya yung type na a man with a few words dahil pag nagsalita siya... he talks a lot.

Hmmm... he didn't promise pero that will do, mataas din ang respeto ko sakanila and I have to obliged because they helped us a lot.

Siguro nung sinabi ni Princess Hellena na temporary lang ay nakaramdam ako ng relief, like I said sa isa sa mga rason kung bakit engaged ako kay Hellion is because my family can benefit from them.

And mostly maprotektahan nila ang pamilya ko. If hindi kasi kami engaged, may possibility na itatransfer ang pamilya ko sa outer ward.

Not that it's a bad thing pero for some reason, may bad feeling ako pag lumipat sila don and parang... para talagang may something eh.

I fully trust my instincts. Atsaka wala na akong maasahang iba pa, I can trust Aurora and Astral. But why do I feel that hindi sila enough.

"Then it is settled. Ang kitsune twins ay-"

"Ay magse-stay kay Lady Morana, ayaw namin sa ward ng mga royalties lalo na sa mga nobles na may matut-lis ang dila." Putol ni Aurora sa sasabihin sana ni Princess Hellena.

Agad ko naman siyang pinigilan, she most can definitely nooottt get Princess Hellena mad. May similarities kasi sila in terms of strength.

Princess Hellena's arcana si super strength, same kay Aurora pero si Princess kasi ay may buff na already ang strength niya and Aurora for sure walang match kay princess.

She already knows this too. "Wala kaming pake sainyo, we only want to be with our lady." Napaawang naman ang bibig ni Princess Hellena nung sinabi iyon ni Aurora.

"Hmm, I was already expecting this pero I have an offer." Mahinang sabi ng prinsesa, ako naman ay tahimik lang sa tabi ni Aurora

Palihim na tumitingin sa prinsipe, apparently wala samin ang focus niya kundi sa saintess. Mukhang kanina pa sila nag-uusap dyan sa gilid.

"Offer mo mukha-" agad kong tinakpan ang bibig niya, baka mapano pa kami dito. Pero she keep on removing my hand kaya diko na siya napigilan sa sasabihin niya.

"Look, kung ano man ang offer mo. We don't want it. Ano ba ine-expect mo sa hybrid na katulad namin? Maging sunuran sainyo? You know why we're here."

"Kung wala si Lady Morana, wala din kami. So f-ck your offer Princess, kanina pa kami nakatanggap ng disrespect sainyo." Aurora ranted. "Tara na my lady."

Nauna nang umalis si Aurora kaya ako nagbow muna bago umalis, ngayon ko lang napansin na wala si Prince Kaden... weird.

"Lady Morana." Napahinto naman ako dahil biglang tumawag si Prince Hellion. "I guess we have to cancel our tea together."

Tea huh, just like our engagement.

Akala ko may sasabihin siya na makapagpagaan ng loob ko, mas lalo niya tuloy pina-bigat yung nararamdaman ko. "Yes of course. I understand."

Mabilis na sagot ko upang umalis na don, staying there would've suffocate me. Pero ok lang, sanay na ako as always.

Napaisip ako kung may ginawa ba siya nung sinabi ni Princess Hellena ang plano niyang pag temporary break ng engagement namin.

Pero ano naman ang sasabihin niya? He doesn't care anyways, ang priority nila ay ang mga tao. Hindi ang relasyon namin, oh at wala naman kaming relasyon in the first place.

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon