Chapter 33: (GAC Day 3) Clash of the Kingdoms

953 51 2
                                    


Agad natapos ang pamamasyal namin dahil mabilis napagod si ama. Pero malapit na gumabi so andito kami ngayon sa center town ng Hearthorn Empire upang mag-antay.

May fireworks daw kasi so nauna kami dito naupo, "Greetings!" sabay kaming napalingon ni ama at nakita si Llios? Whole day ko siyang hindi nakita ah?

"San ka galing? I haven't seen you all day." Tanong ko sakanya, he smiled naman tapos di ako sinagot. Is he up to something. "Ay oo nga pala, ama this is my..."

"Friend, nice to meet you sir. I am Llios." Hindi ko kasi alam kung ano ang sunod, I'm having second thoughts. Weird, akala ko kay Hellion lang ako magkakagusto.

Am I catching feelings for this one too? I zoned out for a few seconds pero buti nalang at madaldal si Llios so my father was entertained.

Ako naman ay hindi alam kung ano ang iisipin. Wow I'm greedy, gusto ko si Hellion pero gusto ko din si Llios? Pwede ba yun? Well, it's not like I can have them both.

"Nakakatuwa ang mga bagong kaibigan mo dear, you've grown and I'm glad you're happy." My father said with a smile, it's been a while.

Kahit palaging nakangiti ang ama ko, his eyes say otherwise. Pero ngayon, I finally got to see him genuinely smiling in front of me. And all it takes if is me na masaya din.

"Lord Florian! Look may dala kaming masarap na pagkain dito." Finally dumating na rin ang kambal, kasama sina Nereida at Clayv.

May dala silang mga pagkain, syempre nagpakilala din sina Nereida and Clayv kay ama. We were so busy laughing and enjoying everything dito.

Napatingala ako at napatitig sa mga tala, ang ganda dito. Everyone's happy and I found peace too! Sana magpatuloy pa ito.

Habang maingay at masaya kaming kumakain, my grandmother kasama si Madame Maisie finally arrived. Marami silang dalang mga gamit galing sakanilang pasyal.

"Buti nalang nakita namin kayo sa dami ng tao dito. I've brought some foods here too!" bati ni Madame Maisie saamin.

"Grandma, nag enjoy ka ba?" nakangiting tanong ko kay grandma sabay mano sakanya. she laughed and tumango.

"I never felt so young, apo. Nag enjoy ba kayo ng ama mo? Meron akong dala dito na mga seeds, baka magustuhan niyo." Of course nagpatuloy parin ang kasiyahan sa side namin.

We were busy talking and laughing, napansin ko nakatitig si grandma Leilani sa malayo. "Grandma? You ok?" tanong ko.

"Your mother will be so proud of you, Mora." I smiled and kissed her in the cheeks. "Ang layo na ng narating mo, we are just a burden of your success."

"Ano ka ba grandmother, kayo ang rason kung bakit ako ganito. Lumalaban ako para sainyo." Sagot ko sakanya, pag si ina na ang topic ni grandmother. Alam kong malungkot siya ngayon.

Tinawanan lang ako ni grandma, kahit miss na miss ko na si mother. Masaya ako dahil andito sina ama at grandma para sakin, palagi nilang iniisip na burden sila.

Dahil ako lang ang may arcana, but they're my strength and everything. Kinakaya ko ang lahat para sakanila and now I finally helped them.

"Don na kayo tumira sa Verdantide Kingdom. Maraming spaces pa doon and I'm sure mage-enjoy kayo dahil maraming bulaklak and halaman. I know you like gardens." I chirped sabay paliwanag ng mga bagay na magustuhan nina Grandma.

"Yes let's do that, the place we're staying ay delikado." My grandmother whispered while nodding pagakatapos marinig ang mga kwento ko. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, delikado?

'Since when is the inner ward dangerous?' Tanong ko sa isip ko, baka delikado dahil puno ng criticism doon, well hindi sila makakahanap ng peace of mind doon.

The night was long and every one of us were enjoying. Except kay Llios na parang nababahala sa gilid, his expression seems anxious. Kasama niya si... si Lion ba yan? Bakit nasa kanya si Lion?

Siguro hinayaan ni Hellion na mamasyal si Lion, who knows. Parang close na rin kasi sina Hellion and Llios eh, parang nakaraan lang halos gusto nilang magbardagulan.

Hinayaan ko nalang muna si Llios, hindi rin naman ako Makalapit sakanya dahil tawag ng tawag si madame Maisie. "I can't connect with him anymore." Rinig kong bulong ni Llios.

Sino kaya ang kinakausap niya?

(KINABUKASAN)

Maaga kaming nagising lahat na kasama ko sa team, apparently today it only needs 6 players for every kingdom at sakto naman ang Verdantide Kingdom para don.

We all slept sa royalty ward tapos sina ama naman ay nasa noble ward since gabi na para pauwiin sila sabi ni Madame Maisie. Mas nauna pa nagising si Aurora at Astral para magluto.

"Morning princess." Bati ni Astral na may dalang tray, tulog pa sina Nereida at Clayv pero hindi ko nakita kung nasaan si Llios.

"Ang tahimik pala sa ward niyo princess no?" tanong ni Aurora. Nagtaka ako sa sinabi ni Aurora dahil ang alam ko, every morning may mga servants sa labas lalo na sa harap ng kwarto ni Kaden.

"Weird, wala akong taong nakita talaga sa labas. Tapos ang eerie ng atmosphere lalo na sa may bandang garden. Why is it fogging?" sang-ayon ni Astral.

"Mukhang uulan ah, hays ang panget makipaglaban pag umuulan. My tail gets so heavy and my ears tickles." Reklamo ni Aurora, samantalang ako ay napatulala...

"Lalabas muna ako saglit, gisingin niyo sina Nereida at Clayv upang maghanda na." utos ko sa kambal. Something's off... paglabas ko ay tama nga si Aurora.

Sobrang creepy ng paligid tas walang katao tao. Habang nage-explore ako dahil plano ko sanang hanapin si Llios, pero bumungad ang mukha ni Kaden malapit sa may garden.

Nakatitig lang siya sa kawalan until he noticed me. "Princess Mora." Bati niya sakin habang nakangiti. "Why are you out so early? Mamaya pa ang laban ah."

"Good morning, Prince Kaden." Bati ko pabalik pero... something's wrong. "Ikaw? Ba't nasa labas ka?" this time ako namana ng nagtanong.

"Oh nothing, nagre-ready lang din ako. You know magiging kalaban tayo mamaya, sana walang hard feelings, ok?" his tone ticks me off, pero hinayaan ko nalang muna.

Hindi mawala sa pakiramdam ko na may mali talaga. "Mauuna na ako, may hinahanap kasi ako." Let's just go-

"Sure, be careful." Hindi na ako lumingon, nagpatuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa nakarating ako sa garden. Dito ako nateleport kasama si Hellion... everything died?

Wait, the plants were alive a few days back. How come naging ganito ang nangyari? May nakita naman akong silhouette pero dahil nga sa makapal na fogs, hindi ko siya namukhaan.

Maybe I should go-"Eek-" nagulat naman ako because something sharp went to my direction. Muntik na talaga akong matamaan but someone stopped it using his bare hands... "Hellion." I whispered.

Dumudugo yung mga kamay niya! Mabilis ko itong hinawakan and I can't seem to fathom why he's holding it so tight? "Bitiwan mo ang kutsilyo!"

"Mora, I love you." Napatigil naman ako sa binulong niya. What? Pero hindi siya nakatingin sakin, nakatingin siya doon sa direksyon kung saan binato ang kutsilyo.

"Sorry." He whispered and kissed me in my lips I was more surprised when he pushed me away pagatapos, malakas yung pagtulak niya sakin and I hit the ground real hard.

Ang sakit ng tuhod ko- MAY SAKIT BA TO SA UTAK!? HAHALIKAN TAPOS- "We will be teleported in 5 seconds, avoid me in the battlefield at all cost."

"Please, I don't want to hurt you." 

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon