Chapter 13: Finally, A Princess

1.4K 62 0
                                    


Parang gusto na matapos ni Princess Hellena ang lahat dahil parang pagod na talaga siya, napapikit kasi siya sabay hikab.

"Congratulations Lady Morana Viole Fleur." Anunsyo ng Prinsesa sa lahat ng tao at nagpalakpakan naman ang lahat. Ako naman eh hindi alam kung anong mararamdaman.

May konting kasama sina Princess Hellena, mga royal guards alongside Prince Hellion. Ako naman hindi ako makatingin sa gawi ni Hellion.

Ang tahimik niya ata ah, parang kahapon lang nakikipagbardagulan pa siya kay Llios. Bumalik na ata siya sa dating bisyo niya.

Princess Hellena was having a speech tungkol sa oath ng Hearthorn Empire. Proseso kasi ito ng emperyo upang maging opisyal na royalty.

May power kasi si Princess Hellena na mag desisiyon kung sino ang magiging royalty. Pero kailangan ito ng boto ng mga tao kaya this process was an easy fix.

Mukhang masaya naman ang prinsesa na ako ang naging mamumuno sa isla dahil kanina pa siya nagrereklamo tungkol sa problema dito.

She's basically saying na ako na ang bahala sa mga whereabouts dito sa isla at kingdom. Tas kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw na niyang maghandle ng problema sa islang to.

Well naiintindihan ko naman, she's already managing 1 empire and 2 kingdoms dahil tamad ang isa at ang isa naman ay walang pake.

"Serve your people well." Bumalik ako sa katinuan dahil mukhang tapos na ang speech ni Hellena. Nginitian ko naman siya. "I declare Lady Morana Viole Fleur as the Princess of Verdantide Island!"

Nereida and the twins ay nanood alongside sa mga tao dito sa isla. As forLlios naman... ay hindi ko parin alam kung nasaan siya.

Pagkatapos ng speech ay niyakap naman ako ni Hellena, syempre nagulat ako dahil it's been years since last ko siyang nakayakap.

"Oh thank the heavens this kingdom finally has a responsible ruler." Mahinang sabi niya sakin. Napatawa naman ako...

"Ok lang ba talaga? Na maging prinsesa ako? I..." I'm weak, alam ng lahat na yung arcana ko is just small and slow heals. "Alam mo na, weak."

"Hey, hindi ako ang nagdesisyon. It's the people, mukhang may tiwala sila saiyo. Atsaka being the ruler does not mean you always have to be the strongest."

"It's how you guide your people." Nabuhayan naman ako sa sinabi ni Hellena, "Atsaka isa kang responsible na person, you can do it!"

Nagtawanan nalang kami, "I think kailangan na naming umalis. May meeting na mangyayari ang lahat ng kingdoms para sa upcoming event ng emperyo."

Tumango naman ako sa sinabi ni Hellena, she just sighed and rubbed her temples. Nai-stress na talaga ata yung beauty niya.

"Hayssss... edi sana naging reyna nalang ako kung ako lang naman ang gagalaw sa lahat diba?!" rinig kong bulong niya. "Those ba-stards."

Halata naman kung sino ang tinutukoy niya dito.

"Wouldn't it be better pag sumama si lady- ah... princess Morana?" nabigla naman ako sa biglang pagsulpot ni Hellion... or kanina pa siya dyan?

"Hmmm... oo nga! Mukhang Magandang ideya iyan. Since you're a princess now kailangan namin ng representative sa isla niyo." Sang-sayon ni Hellena sa sinabi ni Hellion.

"And wouldn't it be much better na i-introduce ka din sa ibang kingdoms?" napamura nalang ako sa isipan ko.

Ang daming nangyari sa loob ng dalawang araw at ngayon papuntahin na naman nila ako sa emperyo?! Yung desisyon nga na ipapatransfer ako dito is just a week ago!

Akala ko ba ayaw nila ng issue? Bakit nila ako pababalikin don in just a short period of time? Pero meeting lang daw naman ang mangyayari.

"Ah- uhm..." halos hindi na ako makasagot dahil sa kaba.

"Wag kang mag-alala, ang mga royalties lang ang makakaalam na bumalik ka." Mukhang napansin naman ni Princess Hellena ang expression ko.

"Kung gusto mo you can bring two people." Napatingin naman ako kay Hellion na walang expression ang mukha, napansin ko naman na nasa shoulders niya si Lion. (The shadow owl)

"It will only take a few hours dahil meron kaming kanya kanyang problema sa kingdom. Introductory meeting lang ito tungkol sa event na magaganap." -Hellena.

Tumango nalang ako, as long as I can bring two people. Binigyan ako ng mga 15 minutes ni Hellena na magdesisyon kung sino ang dadalhin ko.

I could take the twins pero... "Congratulations." Napalingon naman ako sa bumati sakin, it was Prince Hellion. "Princess Morana."

Nginitian ko naman siya, magba-bow sana ako kaso pinigilan niya ako. Nasanay kasi ako na magbow nalang parati, di naman masakit sa likod.

"Isa ka nang prinsesa, don't bow your head" He whispered and it sounds... nic- AH WALA WALA AKONG INISIP! GUNI GUNI NIYO LANG YON!

"Ah sorry nasanay lang." sagot ko nalang, naging awkward naman ang atmosphere namin kasi this is the first time na he approached me first.

Actually, kailangan ko siyang iwasan upang hindi kami makapag-create ng issue lalo na't maraming tao dito kaya lumayo ako ng konti.

Napansin niya naman ito and his eyes drooped... drooped? Baka imagination ko lang yun, wala kaya akong tulog so I'm basically lutang right now.

"Congrats din sa pagsolve ng mystery dito." He started a topic again, ako naman ay awkward na tumawa sabay iwas ng tingin.

"Ah haha! Oo, Llios helped us." Walang isip na sagot ko. Bigla naman akong nakaramdam ng lamig or was it the goosebumps? Pressure?

"Well, isn't that nice?" kahit cold yung pagkasabi niya... hot parin siya pakinggan (Marupok tayo today ate girl, kanina pa siya sa boses ni Hellion. Ganda siguro pakinggan. -Q.A.M)

I glanced at him, nakatitig siya sa owl niya na si Lion sabay palipad nito kung saan man ito papunta. Ang cute nga ni Lion since his eyes are red, tulad ng isang mata ni Hellion.

Napansin ko naman ang kulay purple na mata niya na lumiliwanag parin, kahit umaga na ay parang nag-glow parin ito... I wonder what's wrong, kahapon pa yan.

"Princess Morana, nakapag desisiyon kana ba kung sino ang dadalhin mo?" tanong ni Hellena sakin, kanina pa ako nagiisip kung sino pero...

"Yes, I'm bringing Nereida and Llios." I hope Llios around, mas komportable kasi siya kasama. 

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon