Chapter 12: Binding Contract

1.4K 58 0
                                    


"ANO!?" Sabay napasigaw ang kambal at agad pumagitna saamin ni Nereida.

"Alam mo ba ang pinagsasabi mo?!" tanong ni Aurora at tumango naman si Nereida. She looks like she lost everything and she did.

"Binding contract means magiging under ka sakanya for like hanggang mawala si lady Morana." Taas noong dagdag ni Astral.

"Wala na akong master atsaka gusto ko siyang pagsilibihan." Mahinang sabi niya at tinuro ako. "You act like my master-"

"And she's a different person." Inis na sabat ni Aurora. "Sino kaba para agawin ang my lady namin?!"

"Ok." Mahinang sagot ko at nagtinginan naman silang lahat sakin. Like parang gulat na gulat sa sagot ko. Well except Llios, wala naman siyang pake palagi.

Binding contract ay para sa mga hybrid na naghahanap ng mga may pagilinkguran, depende na iyan sa hybrid kung gusto ba nilang ma contract o hindi.

The twins didnt offer a binding contract at naiintindihan ko sila, it's their choice at wala akong Karapatan na ijudge sila.

"Sure kaba na hindi ka magsisisi?" tanong ko naman sakanya at umiling naman si Nereida.

"You... masyado kang mabait. You seem to be worth protecting for." Napayuko siya at lumuhod sa harapan ko. "I pledge my life to you Lady Mora."

Bigla namang lumiwanag ang sa likod ng leeg niya. Akin naman ay may tuldok sa bandang wrist. The reason I accepted is because... ayaw kong makakita ng taong mag-isa.

I've seen death of a love one at sobrang sakit non so leaving Nereida would've broke her more kaya tinanggap ko siya. The sun finally rises.

What a day to start a new adventure.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Of course nireveal lahat nang nangyari ni Nereida sa mga tao, lalo na yung nangyari sa prinsesa. She was deeply sorry and the people didn't seem mad sa ginawa ni Nereida.

'Ginawa mo ang makakaya mo Nereida.'

'Such a kind Hybrid, thank you for taking care of our princess.'

'Maraming salamat din sa pag-alaga saamin kahit wala na ang prinsesa.'

Syempre umiyak ulit si Nereida habang kino-comfort siya ng mga tao. I'm glad it went well... apparently ang Pamilyang Weiss na namumuno sa Verdantide Island are masakitin talaga.

Si Princess Laura ang natitirang Weiss pero pumanaw din kinalaunan. Nereida also told us na simula nung bata pa siya...

She was brought by the Weiss, nakita nila si Nereida sa tabi ng dagat na walang malay kaya nila tinulungan siya. She offered to be their servant for years.

"Hindi kaya siya ang curse kung bakit naging masakitin ang pamilyang iyon?" tanong ni Aurora. "Tsk... Lady Mora, what if-"

"Aurora wag ka naman ganyan sa kapwa hybrid mo. She seems genuine enough at mukhang hindi niya talaga sinasadya ang nangyari." Mahinhin na sabat ko.

"Don't worry, andito naman ako. Kaya naman natin protektahan si my lady, big sis." Astral shrugged. Ah! Naalala ko na kung bakit hindi kami tinablan ni Llios.

It was because of Astral, naalala niyo ba ang sinabi ko? He's the defense and buff, "Hmp! Buti nalang talaga at malakas kami my lady." Nakangusong sabi ni Aurora like she finally agreed.

Tinawanan ko nalang silang dalawa and patted their heads, "Oh the Princess might arrive anytime soon." Napatingin kaming lahat kay Nereida.

Nagtaka naman kami sa sinabi niya and pinaliwanag niya naman ito. "I have committed a crime at gusto kong panagutan ito. They will come here and take me..."

"Huh!? Pano na ang mga tao dito!?" gulat na tanong ni Aurora sabay lapit kay Nereida and started shaking her.

"b-babalik naman siguro ako. I might be just punished-"

"Pano kung dea-th!?" inis na sabat ng puting kitsune. Nilapitan ko naman si Nereida and patted her head too, mukhang nagustuhan niya naman ito.

"Master, pasensya kana." She apologized and inilingan ko naman siya. I mean she did commit such heinous act.

"No, it's ok. I'm glad na you're taking responsibility. Gagawin namin ang lahat upang hindi humantong sa kamat-ayan ang parusa mo." Sagot ko naman sakanya.

Nasa labas parin kami kasama ang katawan ni Princess Laura, people are gathering upang mag-pay ng respects and prayers.

Nagdaan ang ilang minutes ay dumating nga si Prinsesa Hellena, alongside her is Prince Hellion. Mukha namang walang tulog ang prinsesa.

"Good work on solving this island's mystery, Lady Morana." Bati ni Princess Hellena sakin, nagbow naman kaming lahat.

"Ibabalik namin ang katawan ni Princess Laura sa Heathorn empire, where her family was buried." Dagdag niya naman. "As for you Nereida..."

Napabuntong hininga naman siya sabay iling. "You will be punished for a week." Seems fair, sana hindi mahirap.

I stole a glance sa side ni Prince Hellion na katabi ni Princess Hellena dahil kanina pa siya tahimik at walang imik.

Nagulat naman ako dahil nakatingin din siya sakin. He squinted his eyes pero hindi parin umiwas ng tingin. I saw his jaw tightened.

Umiwas nalang ako ng tingin. Napansin ko naman na wala si Llios sa tabi namin. Saan na naman kaya siya nagpunta? He keeps disappearing na hindi namin napapansin.

Busy pa si Princess sa mga tao dito sa Verdantide, probably asking for opinions at information tungkol sa nangyari, proseso na ito ng emperyo.

"May kasalanan kaba kay Prince Hellion? Bakit nakatitig yan sayo?" Astral whispered, I just shrugged. Lumapit na si Princess Hellena saamin na para bang pagod na siya.

"Lady Mora, maraming salamat talaga. Matagal na problema na ito dito pero hindi ako maka tyempo na ayusin dahil sa daming gawain sa emperyo." Sabi ni Hellena habang minamasahe ang noo niya.

"Hellion insisted on going here para isolve ang mystery. Inaprobahan ko naman pero nagulat ako dahil umuwi agad siya kagabi." Dagdag niya pa.

"Ah Princess, paano na ang mamumuno dito? Wala si Nereida and the people here can't do anything without guidance." Sabi ni Astral.

"Ah right, that." Pagod na sabi ni Aurora. "Not only walang ruler dito, may upcoming event na mangyayari sa emperyo. D-amn it."

Hindi na kami sumagot dahil alam namin si Hellena lang ang gumagalaw sa loob ng emperyo, Kaden might be the heir but he's really... tamad.

"How about Lady Morana? She can be our princess!" nagulat naman ako dahil isa sa mga tao sa Verdantide Kingdom ang nagsalita. It was an old lady.

"Oo nga! She seems reliable and a noble too!" sabi nung katabi niya. "Tas ang bait pa!" sabi ng isa na nasa malayo.

"Maasahan nga si Lady Mora at mukhang sang-ayon naman ang mga tao rito." Nereida also commented, ako naman ay hindi makainterfere. "We would love Lady Morana as our princess."

"Then that settles it, Lady Morana will be the Princess of Verdantide Kingdom." Princess Hellena announced. 

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon