Chapter 14: Despite being a Princess

1.4K 58 2
                                    

"Llios?" nagtatakang tanong ni Princess Hellena, "Tas si Nereida? Pero may punishment pa siya."

"Mase-stay muna dito ang kambal para alagaan ang town at mga tao. As for Nereida, her punishment won't start right away, right?"

Napaisip naman si Hellena sabay tango nalang, "Wag kang mag-alala, mostly ang punishment sa ganito ay pagtulong lang sa mga raids."

Tinanguan ko nalang siya, marami kasi sa mga tao ngayon ay takot sa raid. Ok lang siguro pag alam mong meron royalties na kasama pero...

When regular arcana users do raid, mas may maraming casualties at aksidente. "Hellion, let's go. Princess Morana, tawagin mo na ang mga kasamahan mo."

I glanced at Hellion naman na as always, walang emosyon at all. Though I did notice his eyes na parang nagt-twitch. Tas may narinig akong pag grind din ng ngipin.

Pero faint lang naman, baka imagination ko ulit yon. Una kong tinawag si Nereida dahil siya yung andito pero asaan si Llios?

"Bakit naman sila ang napili mo my lady- este my princess? Diba dapat kami?" nakangusong tanong ni Aurora, kakaexplain ko lang kasi sakanila ang nangyari.

"Oo nga princess, it should've been us. Wag mong sabihin na pinagpalit mo na kami?" Astral acted like his sister this time kaya napakamot nalang ako ng ulo.

"Kailangan ng prinsesa ang tulong niya dito sa village." Pumagitna naman si Nereida sa usapan. Mukhang hindi naman convinced ang kambal doon kaya nagpatuloy siya sa pagpaliwanag.

"Pag kayo kasing dalawa ang pumunta doon, the village will be left behind. I am still under punishment, sino ang maga-alaga sa isla?" -Nereida.

"Atsaka alam niyo naman kung anong klaseng nilalang si Llios. He doesn't care much." Suporta ko nalang para matapos na to.

In the end nag agree nalang ang kambal since ilang oras lang naman ako doon. "Nga pala Nereida, is Llios a member dito sa isla?"

"Oh? The person with black long hair?" tanong niya saakin, ah mukhang hindi niya nga kilala. "Nope, hindi ko din siya masyadong napapansin."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, hmmm... how is Llios so mysterious yet so impactful sa mga nangyayari.

"Though he does seem powerful." Dagdag ni Nereida habang nakahawak sa chin niya. "I mean, he managed to fish me out of the land."

Napaisip naman ako sa sinabi niya, habang inaalala ko ang mga nangyari kagabi. I did see something in his hand hanggang sa wrists niya.

Pinaantay ko na doon si Nereida at hinanap si Llios. "Llios!" tawag ko sakanya dahil hindi ko parin siya makita.

Anoba ang liit na nga ng isla tas ang konti pa ng population, hindi ko pa siya mahanap- "Wazzup little lady? Or should I say, little princess?"

Nagulat naman ako dahil nasa taas lang siya ng kahoy, nakaupo sa isang malaking sanga ng moonacre tree.

"Wala ka naman kanina ah." Nakatingalang sabi ko sakanya, he whistles sabay smirk.

"I'm literally everywhere." Ano ba ang pinagsasabi nito, di lang nakatulog eh kung ano ano na ang sinasabi. "Ah little princess, bakit ako ang napili mo? Shouldn't it be the prince?"

"Well mas komportable kasi ako pag ikaw ang kausap ko, kahit kahapon lang kita nakilala." Sagot ko. "Pero bakit nasama ang prinsipe sa usapan?"

"Let's just say gusto ka niyang makasama... doon." Llios shrugged.

"Nah, feeling mo lang yan. Ayaw kaya ng prinsipe saakin, atsaka bakit siya sasama sa akin doon? He already has a fiancé, remember?" I answered casually.

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon