Chapter 27: Casualty

1K 46 2
                                    


"Oh my god! Llios!" malakas na sigaw ko, I was so glad to see him dito. Actually expected ko na isa siya sa pipiliin at iteteleport but I didn't expect the other one to be me.

"Got her." Bulong niya na para bang meron siyang ibang kausap. Uhh... hindi ko nalang yon binigyang pansin, baka trip niya lang kausapin ang hangin.

Kumapit na ako kay Llios ng mahigpit dahil akala ko made-deds na talaga ako. (Edi mage-end din ang story haysss, wait lang Mora it's not your time yet. -Queen A.M)

It was so weird dahil ako lang yung nasa ere? Wala naman akong nakikitang ibang nahuhulog except sakin. Not to mention ako pa yung nateleport.

Akala ko kasi either si Nereida or Aurora. By pair kasi ang event nato and what I mean by that is depende kung sino ang iteteleport ng labyrinth na maging suitable for you know... pairing.

It's kinda like a couple event pero hindi talaga totally couple. Basta confused din ako, since it needs a woman and man na arcane users.

Dahil yung rose in the end ay ibibigay mo sa taong gusto mo. Actually, nakakatuwa nga minsan dahil pwede mo ibigay ang rosas to another kingdom which gives them points.

Example taga Solstice Ember ka tapos nadefend mo yung rose, then you decide to give it to the person you like which is taga Serenique. Yung points ay automatic sa Serenique mapupunta.

You still have points pero yung rosas mismo is like 20k points which is automatic win din. Minsan ang nonsense din eh. Imagine kung kayo ng pair mo-

Pinaghirapan na idefend ang rosas tapos nagpasya siyang ibigay ito sa kabilang team. I sighed nalang habang iniisip ko yon.

"What, lil princess? You think I'd let you fall like that?" nakangiting sabi niya, wait... lumilipad ba siya? shadow... wings? "Tara, don tayo agad sa goal."

Nanlaki naman ang mga mata ko, yes kitang kita namin ang labyrinth which means kitang kita din yung gitna. Meron itong matataas na walls and may traps din.

Akala ko nung una is that yung labyrinth ay magcoconsist ng mga bushes or any plants pero mukhang hindi. Though may mga vines sa gilid and small trees, hindi ito enough para gamitin ko.

My arcana here is limited at delikado kung may mae-encounter kang mga teams from other kingdoms. Ok lang naman na magkasakitan dahil hindi naman maiiwasan yon.

But the intent to k-ll is definitely a big no. "Hindi ba magco-consider ito as cheating?" tanong ko sakanya. He just shrugged at napaisip.

"Not entirely against the rules dahil ang goal lang naman ay kunin ang rosas tapos idefend mo lang." sagot niya naman, so I agreed nalang.

"Oo nga pala, pano mo nalaman na nasa ere ako?" ramdam ko ang pagtigil niya like he didn't want to answer my question.

"Someone informed me." Casual na sagot niya. Tapos ako binigyan ko na siya ng why-look? Hindi niya ba iexplain sakin kung sino? What's with men and their lack of explanation?

Mabilis ang lipad ni Llios patungo sa gitna ng labyrinth and when we arrived, syempre wala pang katao-tao. The rose was there in a glass.

Kailangan parin namin maging alerto, habang nakatitig ako doon sa rosas. I noticed something wrong. Agad kong pinigilan si Llios at inilingan siya.

"You sure?" tumango ako sa tanong niya, I'd never get a rose wrong. Mali ang pattern niya and yung rosas talaga sa labyrinth is unique. It has no duplicates.

Ang labyrinth na event only happens 3 times non during Grand Arcana Competition in the past few years. Ngayon ang ikaapat na beses na napili ito, so the rose sa labyrinth ay unique.

Once you pluck it out, matagal ulit ito bago tumubo. So meron itong unique pattern and pigmentation. White sa gitna and blue sa labas, ito ang puso ng labyrinth.

Isa din ito sa mga rare na roses na hindi mo agad makita kahit saan dahil sa labyrinth lang ito nage-exist. That's why the giving this flower sa gusto mo is a huge deal.

The reason why I think its fake is because may konting purple ang nakita ko sa gitna.Not to mention, masyadong watery ang effects?

Hindi ko maramdaman na totoong bulaklak siya. it's made out of something different. heap tricks like that won't work on me lalo na't mahilig ako sa halaman and flowers.

"Kung gagalawin natin ito, may chance na ma-alerto ang naglagay ng rose." Pabulong na sabi ko habang inoobserbahan yung rosas.

"Hmm, you're right. Usually, meron traps during pagpasok dito pero mukhang na disabled na sa nauna." Sang-ayon naman ni Llios. "Tara hanapin natin."

Naglakad na kami papasok sa labyrinth, habang naglalakad kami... Llios seems to be staring at me kaya tinanong ko na siya. kulang nalang kasi matutunaw na ako sa intense na titig niya.

"Ano? Kanina ka pa nakatitig?" tanong ko sakanya while touching the walls, nacu-curious din kasi ako sa walls ng labyrinth. Ang ganda kasi tingnan sa itaas.

"How's the kiss with him?" halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa tanong ni Llios. "Little princess, hindi ba sobrang unfair nito?"

"P-pano mo nalaman yan?" awkward na tanong ko. "Hindi kami nagkiss ni Hellio-" agad kong tinakpan ang bibig ko because he glared at me and I think I'm digging my own grave.

"I didn't mention any name." gusto ko nalang magtago sa ilalim ng lupa at maging uod. "Hinalikan mo nga?"

Syempre todo iling ako dahil his pressure is the same as Hellion's! hindi ko ma explain ng mabuti, it feels the same as him.

Ibang Llios ang nararamdaman ko today ha, nakakatakot na nakakapanibago. "Why are you shaking your head? Kinagat mo nga yung labi niya eh."

Napakagat ako ng labi sabay takip ng mukha ko, pinaalala pa talaga sakin yon nangyari kagabi!? "Ipinakita pa niya ito sa lahat? Does he have any shame at all?"

Sabi na eh! Maraming nakapansin don sa sugat ni Hellion. Madali lang naman iyon iheal but he didn't because he was showing off! "Haha." Eek- ayaw ko nang magtalk.

"Kung maipanalo ko ang event ngayon, will you give me a kiss too?" ano ba yan, what's with people and kisses, kung gusto nila maghalikan silang dalawa ni Hellion!

"No-" nakarinig naman kami ng ingay sa gilid at sabay kaming napalingon ni Llios. Syempre sumilip kami doon, nakita namin sina Eris? Why is she here?

And Kaden? Sila ba ang pair sa Heartstone Empire? Kinakausap niya si Kaden and her eyes are glowing again. Kasama niya rin si Marina... at nasa kanila ang rosas!

Nagtinginan naman kami ni Llios sabay nagtanguan. We can get the rose, by sneaking and running away. Napansin ko naman na malapit sila sa cliff.

Why does the labyrinth have a cliff? Pero hindi na muna namin iyon pinansin, buti nalang at may vines sa paligid dito-

Nagsignal na ako kay Llios and he immediately teleported kay Marina. Sabay hawak sa shadows ni Marina, buti nalang at malapit din doon si Eris.

Kaya pati si Eris ay hindi makagalaw, gumamit ako ng vines para makuha yung rose but what I didn't expect is- Kaden. "AGHHH!"

"MORANA!" sigaw ni Llios. Napatitig ako kay Kaden because he stabbed right by my stomach with a large sword na nasummon niya gamit ang arcana niya.

Binuhat niya ako while the large sword is still in my stomach and... threw me right by the cliff. Hindi ako makasigaw or makagalaw... I am falling.

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon