Chapter 24: The winner

1K 55 2
                                    


Sabay silang napatigil. Good job Aurora pero bakit yun ang sinabi niya. I stared at her for a few seconds tapos nagshrug lang siya ng balikat.

"Gusto mong tumigil sila diba? They stopped na." ewan ko ba kung sarcastic ba yon or ano, BUT THAT DOESN'T MAKE ME FEEL ANY BETTER!

ANONG KISS!? KISS!? ARE THEY CRAZY!? Pwede namang sumali siya don para pigilan sila pero hindi! Instead she announced ng isang nakakahiyang challenge.

"Oh?" na-amuse na tanong ni Llios. "Ano ba yan little princess, andami ko namang karibal. Nawala ka lang saglit sa paningin ko, may dalawa kana agad?"

Napa-make face naman ako sa sinabi ni Llios, gusto niya bang masap-ak? Anong dalawa?!

"Wowww ang ganda naman ng reward~ hey sister! Let's do thiiiiss." Sigaw naman ni Astral sa kapatid niya sabay kaway kaway tapos tumalon talon pa.

Aurora just nodded, ano na ba ang nangyayari?! Hellion will probably disagree right? Na itigil ang nonsense na challenge na ito?

I mean lahat kaya ay takot kay Hellion! I'm sure he's on my side. Agad kong tiningnan si Hellion sabay bigay ng tingin... the 'please-stop-the-challenge-look' sabay wink wink.

Naiintindihan niya naman siguro ako diba? "Sige, magsimula na tayo. Time's running out." Naunang tumakbo si Hellion, napanganga nalang ako.

"HEY! THAT'S CHEATING!" sigaw ni Astral sabay takbo, no actually he was jumping. Sobrang taas ng talon niya at sobrang layo pa.

"Aurora! Dalhin mo ang mga nakuha namin. We'll be stealing some too." Llios the disappeared. Ako naman ay nakatayo lang dito, hindi makapaniwala sa narinig at nangyari.

"Princess let's go! kailangan natin silang sundin." Sigaw ni Aurora sabay transform into a giant fox na may 9 tails. "Sakay na."

Namangha naman ako sa appearance niya dahil sobrang ganda talaga as in! she looks so majestic, ano kaya ang appearance ni Astral pag nag transform siya.

This is the first time I've seen them with their real form. "Ang ganda mo Aurora, you look magical and majestic." Kumento ko, hinawakan ko ang fur niya at sobrang lambot!

Sumakay na ako kasi parang nagmamadali na si Aurora. "Nereida! Clayv! Help me carry the monsters." Utos niya sa dalawa.

Sumakay na ako and yeah, she's fast all right. Habang tumatakbo si Aurora in her fox form, napansin namin na maraming monsters ang nakahandusay.

Like a lot, pati mga ogre at golems andito. Nakatambak sila na parang papel, even gargoyles, large slimes and cyclops giants are here.

Ang bilis nilang makap-atay! Pinakain ko sa snapdragon ko ang mga monsters, kanina pa siya nakasunod sakin at minsan nagtatago. Pero, I think busog na siya...

Sa dami ba namang na-deds na monsters sa paligid, lahat ng iyon ay kinain ng snapdragon ko to store up monsters.

"Hindi na namin ito madala!" sigaw ni Nereida. Napaisip naman ako at nagdagdag pa ng tatlong snapdragon para ibigay kina Nereida at Clayv.

"Help them carry those monsters!" Utos ko sa bagong pinatubo kong mga snapdragon, agad silang sumunod at lumapit kina Nereida. "Gamitin mo sila Nereida!"

Tumango naman si Nereida, she then threw a large pile of monsters sa bibig ng snapdragon ko. Hays, mabilis mapuno ang tyan nila so I might create more later.

Napatingin ako sa taas kung saan may holographic screen upang ipakita ang mga points ng bawat kingdom. Yung tulad sa bleachers kanina kung san nanonood ang mga tao.

Each k-ll of a monster gives points kahit slime pa yan. They can detect your k-lls, pero di ko naman alam kung pano nila nalaman.

That's why much better kung may nacollect kayong monsters upang ipakita ang napat-ay niyo if they think na nagche-cheat kayo.

Apparently nangunguna padin ang Ember Solstice Kingdom with 5029 points. Followed by Hearthorn Empire- huh?

'2ND PLACE, VERDANTIDE KINGDOM (12,182 POINTS)' ang bilis! Ang bilis ng pag-increase ng scores- 12, 182 to 13,927 points! Nagpatuloy lang ito sa pag increase halos walang tigil.

Hours have passed and I think malapit na matapos ang event. We almost got first place pero mukhang nauubusan na ng monsters yung tatlo.

'1st PLACE, SOLSCTICE EMBER KINGDOM (20,992 POINTS)

2ND PLACE, VERDANTIDE KINGDOM (19,928 POINTS)'

Hindi kasi gumalaw ang score. Nauubusan na nga.

Mukhang napalalim na din kami sa forest because of how thick the trees are getting. Hindi na namin makita yung tatlo na nag-uunahan.

"Ano ba yan, bat ang bilis nakahabol ng Verdantide Kingdom?"

"Andon kasi si Prince Hellion, remember?"

"Hays ang lalim na natin dito sa forest."

Hmm, someone from the Solstice ember Kingdom, I think mga anim ata sila? Siguro nagha-hunt sila in groups. "wag na natin silang pansinin, tara na-"

"AAAAAAAAAAHHH! THREE-HEADED SNAKE!" sabay kaming naging alerto ni Aurora when we heard screams. Tumakbo si Aurora patungo don sa sumigaw and-

It's a large snake with three heads, tapos iba iba pa ang kulay. The right one has a red head tapos yung left ay white, yung nasa gitna naman ay kulay green.

This monster is an undiscovered one, kaya delikado sila dahil hindi namin alam ang kayang ibuga nito.

Aatake sana yung ahas na may pulang ulo but good thing Aurora released a beam from her mouth. Nakailag nga lang ang ahas na yon.

"Princess Morana!" sigaw nung isa nila. Habang busy kami sa pagiging alerto, we didn't notice we were surrounded. I was caught off guard when one of them spits... "Poison!" sigaw ko.

Hindi nagawang umilag ni Aurora dahil yung dalawa umaaligid na saamin, which means we are surrounded. Mukhang sugatan yung kasama nila, kaya di sila makaalis.

Buti nalang at maraming puno sa paligid which means may vines, I used vines as shield saamin. I'm so thankful the vines here are so durable and thick.

Nagpatubo ako ng mga ugat galing sa ilalim at tinamaan yung ahas para tumigil na siya sa kakadura niya ng lason. It was kind of a bad idea dahil nagalit yung dalawang ahas-

"Better stay put, kami na ang bahala dito." Sabi ni Aurora sakanila at mukhang natakot naman sila kaya tumango nalang as a response. "Asan ba kasi si Astral!"

Napakabilis ng tibok ng puso ko at nagkaroon ako ng matinding adrenaline rush. I released a massive amount of roots, vines and branches to hold all three of the heads.

Itinaas ko ang kamay ko then clenched my fist- kaso napakahirap nilang durugin! My force is not enough so I shouted to Aurora. "GAMITAN MO NG BEAM!"

Syempre agad sumunod si Aurora, her beam takes a second so may time akong igather ang tatlo in one place and- *INSERT MALAKAS NA PAGSABOG SOUND BOOM BOOM*

'VERDANTIDE KINGDOM HAVE TAKEN THE FIRST PLACE WITH 29,928 POINTS'

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon