"A-anong pinagsasabi mo prince Hellion?" mahinang sabi ko sakanya, he was staring at me intensely pagkatapos niyang tingnan yung hotdog stall.
Ako naman ay iniwasan ko nalang siya ng tingin. "What a vulgar thing to say to a princess." I whispered dahil grabehang titig na yan ah.
"I don't know, maybe you've seen one na princess. I mean, nakatingin ka kasi ng maigi sa stall na iyon. Not to mention you watched it like a pervert." Napa-make face tuloy ako sa sinabi niya-
I wasn't thinking of anything?! I mean... siguro? Naalala ko tuloy yung nangyari kaninang umaga. "Am I right? Kaninang umaga ba?" napatigil ako, is he a mind reader?
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" pagche-change topic ko, I looked around at hinanap kung may kasama ba siya. Is he alone?
"Nothing, I just saw you walked by until you stared at the food stall." Gusto ko na talagang irapan siya, kaso prinsipe eh. Para siyang si Llios maka-tease ha.
Sakanya lang is walang ka emosyon, "So how big? Someone told me what happened kanina." Hindi nalang ako nagsalita, kaya pala pabalik balik sa topic na yon.
Mga ilang minutes din kami nakatayo lang dito at nakatitig don sa hotdog stall. Tapos wala pang plano umalis si Hellion like he's really waiting for my answer.
I sighed and sinagot nalang siya, syempre hindi ko siya tiningnan no. Mas lalong awkward ang atmosphere. "S-sabi nina Aurora malaki daw."
Mga seconds din bago nagsalita si Hellion, he should really think about his next words kasi mas lalo akong naiilang dito.
"We have the same size." Maikling sabi niya, huh? Hindi ako nakapagreact dahil ang tagal nagsink in ng sinabi niya. Same size? Same?
I loudly gasped and covered my mouth. "Nakita mo yung ano niya?" It came out wrong pero for real? Nakita niya talaga yung ano ni Llios? "That's... something."
So... uhm, pano kaya niya nakita ang ano ni Llios no? maybe they went in the same bathroom once? Or habang naga-ano si Llios, Hellion barged in and saw his whole thing?
Did they also compared it face to face? How can he say that same size sila then if hindi nila ito kinompara diba? Anong gamit nila sa pagmeasure?
Andaming imagination na pumunta sa utak ko I didn't notice Hellion was already staring at me.
Hellion's stare was so intense parang magme-melt na ako dito. "Stop thinking nonsense." He murmured and flicked my forehead. Araaayy.
"Gusto mo ba ng blue lotus cookie?" agad kumislap ang mga mata ko when Hellion offered me my favorite flavor. "Samahan na rin kita papunta sa ama mo."
Nagtaka naman ako kung bakit alam niya yon, maybe he has eyes and ears everywhere. I mean nalaman niya nga na may nangyari samin ni Llios kanina.
Habang namamasyal kami, Hellion keeps stopping at stalls tapos andami pang binili. Binibigay niya rin sakin pagkatapos... ok I cant finish this all.
'Isn't that Prince Hellion?'
'Bakit kaya hindi yung fiancé ang kasama niya.'
'It was said na inagaw daw ni Princess Mora si Prince Hellion.'
'Oo nga, inaway niya pa nga ang saintess kahapon sa meeting.'
'Ang tapang ng side chick, kawawa naman ang saintess natin.'
Habang hinihintay ko si Hellion na busy sa pamimili ng kung ano ano. Whispered behind me started getting loud, ambilis talaga ng chismis pero mali naman.
Atsaka konti lang kami kahapon sa meeting room. How come may ganitong rumors padin? Sino na naman ang nagse-spread ng ganoong rumors?
"You, ok?" Hellion asked, kakarating niya lang galing sa isang tea shop. May dala na siyang isang paper bag sabay bigay sakin. "Don't mind the rumors."
Tinanguan ko nalang siya, "Nga pala, may sinabi na ba si Princess Hellena tungkol don sa labyrinth? Kung bakit nakasama ka don? How about the rose?"
"Hmmm, wala pang results tungkol sa akin pero yung rosas. Sabi ni Hellena, meron nga itong something. For now hindi pa ito mapaliwanag but-
"Prince Hellion!" sabay kaming napalingon sa tumawag kay Hellion, it was one of the royalty guards. Hingal na hingal ito na para bang kanina pa ito naghahanap kay Hellion.
Something probably happened. "Please return to the palace as soon as possible. Something happened to the rose." Kitang kita ko ang pagbago ng expression ni Hellion.
Tumango na si Hellion at pinaalis yung guard. Napansin ko naman na nakatingin siya sa itaas na para bang may hinahanap- so I also looked up.
Wala naman akong nakita, hinawakan ni Hellion ang balikat ko. "Please be careful, ok? He better watch you carefully." Bulong niya sa tenga ko sabay nakaw ng halik sa noo-
"Huh?" pagkatapos niyang gawin yon, he disappeared na parang bula. I didn't see shadows pero I do see some light. Nagteleport ba siya gamit ang light arcana niya?
I touched my forehead, una he flicked my forehead tapos ngayon he kissed it. Namula naman ako, mukhang busy na busy siya so I should hurry up and go to ama na.
Super good mood ako today dahil sa nangyari. I finally arrived at my father's stall na puno parin ng bulaklak, "Father!" bati ko sakanya.
Lumiwanag naman ang mukha ni ama when he saw me sabay niyakap ako. "My dear flower." Bati niya pabalik. Napansin ko naman na wala si Grandmother.
"Ama asaan si grandmorther?" tanong ko sakanya. father removed his apron and gloved, nagready nadin siya upang mamasyal na kami.
"Namasyal siya kasama nina Madame Maisie and other Verdantide townsfolk. Gusto daw nilang maglibot at mamili." Sagot niya, tumango nalang ako.
Madame Maisie loves festival, palagi siyang nagku-kuwento tungkol sa festivals and all so she deserves this. Sinarado na ni ama ang flower shop namin.
Habang naglalakad kami sa isang kalye, a shortcut patungo sa festival. Malayo kasi yung stall ni ama sa mismong festival stalls, konti lang din ang namimili sa side na ito kaya wala masyadong kita.
As we continue walking someone threw garbage sa direksyon namin. Buti nalang at gumamit ako agad ng arcana ko and it was hit instead- what the!?
"BUMALIK KAYO SA PINANGGALINGAN NIYO!" sigaw nung bumato, he's throwing rotten vegetables! sinamaan ko naman siya ng tingin. "BOOOOO!"
Mas lalo akong nagulat dahil may ibang sumali tapos ang dami pa nila!? My father got hit in the head with a can at nabukol ito. Gusto ko sanang gumanti kaso-
"Dear its fine, tara na. let's enjoy our day." Sabi ni papa habang nakangiti parin, para bang hindi natapunan ng mabigat na can.
"Let me heal you, ama." I said and touched his injured forehead. "Bakit nila ginawa yon?" nakakapagtaka, lalo na yung sinabi nung lalaking yon.
Go back to where we belong? Saan? Mukhang noble pa naman yon, tsk. Buti nalang at mabait si ama.
~~~SOMEONE'S POV~~~
"Are you sure hindi ko gagamitin ngayon? Diba mas maganda ngayon? They're getting suspicious on me na." she whispered while holding the rose.
"Let them be, nasa iyo parin ang huling halakhak. We have the rose, its all the thing we need." Another one answered.
BINABASA MO ANG
The Blind Princess is A Villainess
Fantasy"All this kindness and where did it get me? It turned me blind." -Morana Viole Fleur ______________________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (July 5, 2024) -Queen A.M