Chapter 29: Erratum

916 50 1
                                    


'Congratulations Verdantide Kingdom for defending the rose!'

Huh? This means si Hellion ay nasa Verdantide Kingdom parin? Akala ko Hearthorn Empire... oo nga pala- si Kaden at Eris ang nasa Hearthorn Empire as a team at hindi si Hellion.

So ano ang nangyayari? Sino ang hindi kasali sa kanilang dalawa? I'm sure na kay Hellion or Llios ang problema...

Mas lalong lumakas ang hiyawan sa paligid namin. Napatitig ako kay Hellion na nakatalikod saamin, hays... mukhang naibigay ko ang rose sakanya kanina.

"Pasensya kana Llios, kasalanan ko kung bakit nasa kanya ang rosas." Nginitian niya naman ako and pero ako ay napayuko nalang.

It was my fault dahil binigay ko kay Hellion yung rose, atsaka pinaghirapan din yun namin ni Llios. He even fought with the other teams... for 2 hours.

He touched my chin at inangat ang ulo ko. "What's there to be sad about? At least meron parin tayong points. Atsaka nasa ranked 1 parin tayo since we have the most points."

Dahil kami ang nagdefend meron kaming 15k additional points, yung binigay ni Hellion is 20k points patungo sa Hearthorn empire.

'CONGRATULATIONS HELLION SIENNE D'VILLE FROM THE... ERROR ERROR ERROR'

Nagulat naman ang lahat lalo na sa huling sinabi nung hologram sa itaas. Ang mga nahimatay kanina tulad nina Marina at iba pa were already cured.

Even Hellena na muntik na bumagsak kanina pagkatapos niyang isheild ang katawan niya. Kaden is still unconscious though, gusto ko sanang itanong sakanya ang nangyari kanina.

'CONGRATULATIONS HELLION SIENNE D'VILLE FROM... ERROR ERROR ERROR'

Lahat ay nakatingala sa itaas, wondering what happened. First time itong nangyari sa system, it never got an error before. "Anong nangyari? Oww ang sakit ng katawan ko."

"Princess! Pasensya kana! May nangyari sa holographic system lalo na ang screen. Kanina pa ito hindi nagpapakita ng kahit ano." Rinig naming sabi ng isang royal guard.

"Ano?" inis na tanong ni Hellena.

'CONGRATULATIONS HELLION... ERROR ERROR ERROR'

'CONGRATULATIONS...ERROR ERROR ERROR'

'ERROR ERROR ERROR'

'SOME UNKNOWN ERRORS HAVE OCCURRED; THEREFORE, TODAY'S POINTS ARE INVALID.'

"What!?" sigaw ng mga tao. Pero mas rinig ko yung boses ni Eris, she sounds mad. Hawak hawak niya ang kulay asul na rosas and she was squinting her eyes in anger.

"Hmm... good dahil wala ding live screen showing na nangyari sa labyrinth." Nakatayong sabi ni Hellena while rubbing her forehead. "Ughh, hindi ko masyadong maalala ang nangyari."

Bulong niya pero rinig naman namin. "We will resume pagkatapos naming pag-usapan kung ano ang nangyari ngayon. We might postpone our day 3 event tomorrow."

Anunsyo ni Hellena sa lahat. Everyone was disappointed pero at the same time ok din, siguro dahil hindi nila nakita ang buong pangyayari.

"Kayo na kasali sa laro, let's have a meeting now. Sumunod kayo."Tawag ni Princess Hellena samin, agad naman kaming sumunod at nagsi-uwian na ang ibang mga tao.

Hindi na sumama yung tatlong random na kasama nina Princess Hellena, Prince Zyair at Princess Marina. Si Llios naman ay sumama nalang dahil ayaw niya akong iwan.

We saw Nereida sa crowd so nagsinal ako sakanya na ok lang kami. I guess concerned siya sa mga nangyayari ngayon kasi nga hindi nila nakita yung ganap sa loob ng labyrinth.

Habang naglalakad kami patungo sa meeting hall, Hellion was right beside Princess Hellena. Hindi ko siya nakitang tumingin sa gawi namin, also hindi ko din nakita ang mukha niya since we teleported.

Nang nakarating kaming lahat kahit may wala pa kaming ayos dahil nga galing kami sa labyrinth. Hellena started the meeting. "Ok report me what happened."

"Kasi hindi ko maalala ang nangyari sa loob ng Labyrinth. I just remembered hmm..." Hellena started. "No wala akong maalala talaga."

"Ok naman nung nateleport kami." Sagot naman ni Prince Zyair. "Me and my ally was fine at nakasama pa nga namin si Princess Marina."

"Yeah, kami pa nga ang unang kumuha ng rosas." Princess Marina supported. Nagtaka naman ako dahil nung nakita ko siya ay iba na ang kasama niya. "We also made a decoy rose."

Mukhang legit naman ang statement ni Marina tungkol sa rosas. "Oh and then we arrived!" sabat naman ni Kaden. "We even fought for the rose."

"Oo, hindi ko na maalala ang nangyari pagkatapos. Nakaramdam nalang ako ng sakit sa katawan at ulo." Prince Zyair remarked.

Nagtanguan naman sina Kaden, Zyair, at Napatingin naman silang lahat saamin.

"Kung gusto niyo ng statement galing samin, let's start with Princess Mora falling from the sky." Naka-cross arms na sabi ni Llios sa tabi ko.

Nakaupo kasi lahat except sakanya dahil siya lang hindi royalty na kabilang dito except kay Eris. Na ngayon ay nakatingin sa rosas at nakatitig lang dito.

Hindi ko magawang tingnan si Hellion, iniiwasan ko nga yung pagtingin sakanya. maybe because I can't accept the fact, he gave the rose to Eris.

"Sky?" tanong ni Hellena.

"Yeah, sky. Buti nalang at andon ako, we arrived in the center of the labyrinth na may peke na rosas naka display. Which adds up to the princess of Serenique kingdom's statement." Patuloy ni Llios.

"Syempre hinanap namin yung rosas at nakita iyon namin kay Princess Marina. Kasama niya sina Prince Kaden and Saintess Eris. Silang tatlo lang ang nakita namin."

Napataas naman ang kilay ni Hellena. "Hindi na magkasama sina Princess Marina at Prince Zyair?"

Umiling naman si Llios. "We were supposed to sneak and run pero Prince Kaden attacked. St@bbing princess Morana ang threw her off a cliff."

"I did?" nagtatakang tanong ni Kaden, mukhang hindi niya nga maalala ang nangyari sakanila.

"Iyan ay isang seryosong akusasyon." Agad nagreact si Princess Marina sa statement ni Llios, but Llios scoffed. "Pwede kang maparusahan sa pinagsasabi mo."

Tinuro ni Llios silang tatlo ni Kaden. "Accusation? Andon kayong tatlo, dahil nga hindi niyo maalala. Let me show you what happened."

Llios snapped his finger at lumabas ang isang holographic screen. "I have my ways pero hanggang dyan lang ang nahagilap ko."

Pinakita niya yung pangyayari inside, as they were staring at the screen. Ako ay nakatitig kay Eris, she was biting her nails... 

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon