Chapter 35: I'd Do Whatever it Takes

894 51 1
                                    


"You! Who are you at bakit mo sinisira ang mga plano ko!?" rinig kong sigaw ni... Eris? Eris is here? So... andito kaming lahat dito. All the royalties?

Lahat sila kontrolado- but then again hindi ko alam kung controlled ba sina Zyair at Marina. "They don't favor you anymore." Nagtaka naman ako sa mga sinasabi nina Llios at Eris.

"Favor?! They still favor me, bakit ako ang pinadala nila dito if not then diba?" nakangising sabi ni Eris, then she tapped Hellion's back- "Tapusin mo yan."

Nagsummon si Hellion ng shadow na weapon at nagsimulang atakehin si Llios, pati si Hellion kontrolado. Naghanap naman ako ng paraan kung paano pigilan si Eris.

I need to get to her, siya ang kumukontrol sa lahat. Hindi ko alam kung papaano niya nagawa ito. She's a saintess and healer, unless may something sakanya that defies this world.

Napaisip naman ako, meron nga siguro. Does she have a voice manipulation? Or hypnotizing? Pero usually pag ganon na skill ay may side effects.

Like hypnotizing will hurt your eyes at yung voice manipulation can make you lose your voice pag ginagamit mo ito. Buti nalang talaga at nagbabasa ako ng libro ni Madame Maisie.

Andami niyang alam kahit wala siyang arcana, pero ano ba ang purpose ni Eris at bakit niya ginagawa ang mga to? Does she have a goal?

Hindi ko siya masyadong nakikita so I don't know pero one thing na napansin ko ay masyadong siyang umaaligid kay Hellion.

I gritted my teeth, Llios was just avoiding Hellion's attacks. Hindi siya umaatake at pinipilit niya rin makapunta kay Eris.

I summoned vines from underneath and trying my best na hindi mapansin iyon nina Hellion or si Eris. Nakatayo lang kasi siya sa gilid holding a flower... wait ang flower? Ang rosas.

Yun nga! Kailangan naming kunin yon! But why is she just standing there? Whatever, much better para maitake ko siya ng malapitan.

Busy siya sa panonood so I went all out upang makuha siya. Nagpatubo ako ng vines at ugat upang hindi siya makawala- but I didn't expect is naglabas siya ng scythe.

And jumped so high sabay slash ng mga vines at ugat na pinatubo ko. Ang dali nitong na slice like it was nothing.

"Oh dear andito na pala ang spotlight stealer." Nakangiting sabi niya. "I was waiting for you." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang ganda ng acting ko no? all this acting d-mb really works."

Kanina niya pa ako napapansin, "Acting d-mb? Akala ko du-mb ka talaga. I mean you kinda look like one." Sagot ko nalang sakanya sabay ready ulit ng arcana ko.

"Haysss hindi mo ako naiintindihan and you never will. Kailangan kong gawin to para sa kabutihan ng lahat." Naka-shrug na sabi ni Eris, mas lalong sumama ang tingin ko.

"Kabutihan ng lahat? Kinokontrol mo sila na parang manika! How is that doing any good?" I exclaimed in anger, pinapahamak niya ang lahat dito- what is her true goal anyway!?

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumakbo na siya patungo sakin and attacked me. I made a whip gamit sa vine na gawa ko upang pigilan ang scythe niya.

Kailangan ko lang iwasan yung blade mismo para hindi mapunit ang whip ko. "Kasi hindi na sila nakikinig saakin, they should've believed me the moment I arrived! Para ito sa kabutihan ng mga tao but NO!"

Ang lakas niya! Akala ko talaga mahina si Eris but she's stronger than she looks.

"Hindi mo alam kung gaano ako nagsumikap upang makuha ang loob nila and save this empire. I should've given up pero I'm a kind person. So I have to do this." She cried out in a desperate voice.

Hindi ko masyadong mapigilan ang scythe niya at mukhang mapupunit na naman ang whip ko. I had to summon my snapdragon upang makaalis don.

"BAKIT MO BA ITO GINAGAWA! SAVE THE EMPIRE?! WHY ARE YOU AIMING ON US THEN?!" I shouted at her dahil lumayo na ako ng konti sakanya.

"Ikaw ang magiging rason kung bakit may kalamidad sa emperyo." Walang emosyon na sabi niya, I gave her a confused look. Anong pinagsasabi niya?!

"What?" nagtatakang tanong ko. Tinuro niya naman ako with full confidence and hatred, wala akong ginagawa ah? Bakit ako nalang parati ang sinisisi sa mga ganito?

"Wala akong ginawa, I know for sure na wala akong ginawang masama sa emperyong ito. All my life I have been pushed around." I voiced out...

"Ngunit hindi ito nagbigay sa akin any thoughts or malice na manakit ng mga tao." Dagdag ko dahil wala naman talaga. I just want my family to live peacefully.

"No wonder they fall for your charm, you're acting all kind pero alam ko kung ano ang gagawin mo sa hinaharap." Her eyes darkened while staring at me.

Hinaharap? What future? "Princess! Run! Nakuha ko ang rosas!" sabay kaming napalingon kay Llios na hawak hawak na ang asul na rose.

Agad naman akong sumunod sa sinabi niya at lumayo na kay Eris. Eris gaped at us coldly. "You easily defeated Hellion." She scoffed. "Hindi, he's holding back."

"Pero ok lang, malapit na maging kumpleto ang proseso." Pagkatapos niyang sabihin yon ay nagsulputan sina Hellena, Zyair, Marina at Kaden.

Nanlaki naman ang mata ko dahil dala dala na nila ang kambal, even Nereida and Clayv na binigyan ko ng lotus candy. "Akala mo matatalo mo sila?"

"Haha! That's funny, someone like you can never defeat me. Dahil ako ang pinili nila para pigilan ka, I'm the chosen one..." baliw na ata tong babaeng to. Kung ano ano na ang sinasabi.

"Let them go! Nasa akin ang rosas, once na mawala ito. Hindi mo na makokontrol ang mga tao dito. Alam mo ang gagawin nila once malaman nila ang ginawa mo." Llios proposed.

"Kontrolado? that's so funny, hindi niya kami kinokontrol. Kusa kaming sumama kay Saintess Eris dahil she showed us what will happen in the future pag nagpatuloy pa ito." Marina interfered.

"Kinokontrol lang naman niya sina Princess Hellena, Prince Kaden at Prince Hellion dahil masyado nilang iniisip ang pinagsamahan niyo." This time si Zyair na ang nagsalita, sabay kuha kay Aurora.

Tas sinakal sa leeg. Agad akong napaluhod... why- "Bakit!? Ano ba ang ginawa ko sainyo? Wala akong ginawang masama." I howled in confusion.

Tinapon nila sa direksyon namin sina Nereida, ang kambal at si Clayv. Buti nalang at nasalo ko sila gamit ang mga vines ko. They were unconscious at bumalik na sa dati si Nereida at Clayv.

"Not yet." Sabay sabi nila. Not yet!? Anong not yet!? "You can take the rose. Tapos na ang process." Biglang lumiwanag ang arena ground.

"Take them away, we will have the whole kingdom to know." Dagdag ni Eris, dahil hawak hawak ko sina Nereida sa vines ko. Hindi na ako nakailag or makatakas-

Llios was also chained by Hellion. Mukhang kakabalik niya lang, wala ding oras makapagreact si Llios sa nangyari... we're surrounded, kung gagalaw kami ngayon. They might k-ll us for real.

We cant risk that lalo na't walang malay ang mga kasama ko. I clenched my jaw in anger, wala akong maggawa and for some reason. Unti-unting nawala ang energy ko...

It's like something is draining my energy. Paano nagwork ang plano niya? Bakit hindi na niya kailangan yung rosas? Why is everything going her way?

Sana gumalaw kami ng maaga, I saw the signs kahapon pero hinayaan ko yon because I wanted to enjoy for just a moment. Akala ko matatalo namin sila pero... I got too confident.

"Maraming salamat Maisie, your advice really helped." Gusto ko sanang magreact pero something hit my head. So I passed out.

The Blind Princess is A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon