Hello! These are all the emails that Sanjo sent to Kit. It's not really a full chapter since it's more of a collection of messages, so I decided to name it Love, Sanjo. This will also serve as a special chapter, I guess? Hehe.
With that being said, just to clarify, this is not the last chapter yet. We still have Chapter 50 and the Epilogue left, but I hope you enjoy this little detour before the final chapters! :)
Trigger Warning: Suicide ideation.
──── ୨୧ ────
August 27
From: sjtravieso@gmail.com
To: arcenokitsachiel@gmail.comKit,
Narinig kita. Noong gabing tumawag ka sa akin, naririnig kita. Noong umiiyak ka habang binabanggit ang pangalan ko, naririnig kita.
Narinig kita at sinagot kita, Kit.
Gusto ko na sumuko. Gusto ko na ibigay ang buhay ko sa Kanya. Noong gabing narinig ko ang boses mo, ilang minuto lang bago 'yon, hinihiling kong kunin na Niya ako. Pero siguro, ikaw ang instrumento Niya upang ipaalam sa akin na hindi ko pa oras, na mayroong masasaktan ng sobra kung aalis ako.
I stayed for you, Kit.
Alam kong hindi mo pa ito naiintindihan. Siguro ngayon, nakakunot na ang noo mo habang nagbabasa. Kung bibigyan mo ulit ako ng pagkakataon na makausap ka ulit, sasabihin ko sa'yo lahat. Ngunit pagpasensyahan mo na kung medyo mahihirapan ako sa umpisa.
Walang mali sayo, Kit. At ayokong sisihin mo ang sarili mo sa lahat. You never lost me, because I have always been here, beside you. Even when you couldn't see me, even when it felt like I was miles away, I was always within reach.
I'm sorry, Kit. I'm sorry for leaving without saying anything, for disappearing without giving you the closure you deserved. I know I hurt you, and I regret not being there when you needed me most. Hangga't hindi ko tuluyang napapatawad ang sarili ko, hindi ko kayang hayaan na mahalin mo ako dahil kahit hindi sinasadya, alam kong masasaktan kita.
Sa totoo lang, natakot ako na magsabi sa'yo. Hindi ko alam kung paano sisimulang buksan ang sarili ko sa ibang tao. Iyong parte na 'yon ng nakaraan ko ang kailanman ay hindi ko pa nasabi sa iba. I kept blaming myself, and I couldn't bring myself to tell others because it broke me in so many ways over so many years. It was weighing on me, pulling me back to the ground every time I tried to lift myself. And every time I thought about opening up, the fear of being misunderstood or judged kept me silent. Maging sina Ysaac, hindi pa alam kung anong totoong nangyari. Ang alam lang nila, ayaw sa akin ng pamilya ko.
I was never raised in a happy family, Kit. At sigurado akong naiisip mo na rin ngayon 'yon dahil saksi ka sa tuwing umuuwi ako nang may mga sugat. Magulo ang pamilya ko, at isa 'yon sa mga rason kung bakit nagdadalawang-isip ako kung kaya ko bang ibigay sa'yo ang pamilya na gusto mo. I want to have a family with you, Kit. Gusto kong bumuo ng isang tahanan na ikaw ang kasama ko pang-habangbuhay, ngunit sa tuwing maiisip ko na masyado akong durog, natatakot ako na baka hindi ko kayang ibigay sa'yo ang buhay na pinapangarap mo.
Ngunit gagawin ko ang lahat upang maghilom ang mga sugat na mayroon ako. Para sayo at para sa atin. Hindi magiging madali, ngunit paulit-ulit kong susubukan. I know this will be a long journey, but I hope we'll be able to meet again soon. I know we will. Whether it's in our favorite songs, favorite places, favorite foods, or in the dreams we've both created, I believe we'll find each other again.

BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romanssanjo & kit bl story | completed