Hello! This is the final chapter of OTCH. Thank you so much for being with me from the very beginning. I've had an incredible time writing Sanjo and Kit's story. It has meant so much to me, and I'm grateful for every moment spent bringing their world to life.
But this isn't the end. We're not even halfway through the series. See you in the Epilogue! Haru and Ysaac are just waiting around the corner. :)
Play Pahintulot by Shirebound & Busking.
──── ୨୧ ────
Love Again
"You don't have to worry anymore, Kit. Hindi ka na nila guguluhin. Hinding-hindi ka na nila mahahawakan o masasaktan."
Hearing those words from Kuya Kieran felt like the reassurance I didn't even ask for, but it still made a huge difference in making me feel better.
Wala na akong ibang hiling kundi malayo sa pamilya namin. Kaya rin hindi na ako nagsampa ng kaso. Ayoko na silang makita. Ayoko nang bumalik sa kulungan na pilit kong tinakasan. I crawled my way out of that place. Hell would rise before I went back.
"Umuwi ka?" I asked while drinking the coffee that Sanjo had prepared for me.
"Oo. Hindi ko sinasabi sayo dahil hindi ka naman papayag. Sinubukan kong hindi maging bayolente sa harapan nila kahit gusto ko na silang saktan dahil sa mga ginawa nila sa 'yo, pero nakapagpigil ako. Idinaan ko sa matinong usapan..." sagot niya habang nag-iimpake na ulit ng mga damit.
"Duda ako sa 'matinong usapan' na 'yan. Hindi mo magagawa 'yan kina Papa," pagkontra ko.
He only shrugged. "Nagawa ko. Panay ang pananakot nila noon sa 'tin, sila naman ngayon ang tinakot ko."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Napasandal ako sa counter habang pinagmamasdan siya na nakaupo sa couch at itinutupi ang mga damit. He folded the last two pieces of clothing before shifting in his seat, sitting up properly and leaning back against the couch's backrest.
"Do you think Clementine would stay that long in a controlling family without a reason?" makahulugang tanong niya.
I tilted my head to the side. Now that he mentioned our cousin, he had my full attention. Nailapag ko tuloy bigla ang baso na hawak sa counter upang makinig sa sasabihin niya. Mas mainit yata ang chismis na 'to kaysa sa kapeng iniinom ko eh.
Si Clementine ang nagbigay sa akin ng mga ebidensya kung sakaling gusto kong magsampa ng kaso sa pamilya namin. I know she was going through every little secret our family had, but I think Kuya meant something other than that...
"Plano ni Clem na manatili roon hangga't kaya niya. Kilala mo ang isang 'yon, madiskarte. Gusto pa raw niyang makuha ang mana niya, pati na rin ang kompanya na balak ipahawak sa kanya ni Tito. Kumukuha rin siya ng mas marami pang ebidensya, at siya raw mismo ang magsasampa ng kaso kung may gawin sa kanya," sagot ni Kuya.
I couldn't help smiling after what I heard. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Nag-aalala kasi ako na baka kung ano ang mangyari kay Clementine ngayong siya na panigurado ang aasahan ng pamilya namin. Pero matalino naman 'yon. I know she has a plan for everything.
"Pwede naman niya akong tawagan kahit anong oras kung kailangan niya ng tulong. I'd be more than willing to help," ani ko.
Bumalik si Kuya sa pag-aayos ng mga gamit niya. "Pinapasabi niya rin na huwag ka raw masyado mag-alala sa kanya. Pupuntahan ka naman daw niya paminsan-minsan dito sa Katipunan."
![](https://img.wattpad.com/cover/369607229-288-k142306.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit bl story | completed