Nang matapos ang lutuin at gawain naming lahat ng mga katulong ay sinunod naman naming ayusin ang hapag kainan. Tumulong naman ako kina ate Raya at Mikay sa pag-aayos ng mga plato, samantalang sila Manang Fe naman ang sa pagkain.
"Hayy naku ito na naman tayo. Bigla na naman akong natakot" Nakasimangot na ani ni ate Mikay para magtaka ako. Bakit kaya?
"Oo nga, ayaw ko na kayang masigawan ulit ni Sir Theo" Sagot ni ate Raya, tahimik naman akong nakikinig sa usapan nilang dalawa habang naglalagay ng mga tinidor at kutsara.
"Hoyy ano ba!" Nagulat pa kaming dalawa ni ate Raya dahil sa pagtaas ng boses ni ate Mikay. Pati ang iba naming mga kasamahan ay napatingin na rin sa gawi namin. Tinaasan tuloy kami ng kilay ni Regine, isa sa mga katulong dito.
"Ang ingay mo, mamaya pagalitan na naman tayo ni Manang Fe" sermon sa kanya ni ate Raya na sinang-ayunan ko naman. Napayuko tuloy ito at umiwas ng tingin sa iba pa naming kasamahan.
"Eh ikaw kasi, diba bawal tawagin si Sir Mattheo sa pangalang Theo kung ayaw mong mapatalsik dito" mahinang bulong nito sa aming dalawa. Magkakalapit na kaming tatlo sa isa't isa.
"Bakit naman po bawal ate?" Nagtatakang tanong ko.
"Iyon din ang hindi namin alam, basta ang sabi sa amin ng mga kapatid niya huwag na huwag raw namin siyang tawagin sa pangalang iyon kung ayaw naming mapaalis dito" Mahabang lintaya ni ate Mikay habang nagpupunas ng kamay.
Bakit naman kaya? At sino si Mattheo? Baka isa sa mga anak nila Don at Donya.
Nagkuwentuhan pa kaming tatlo ng kung ano ano ng tinawag na kami ni Manang.
"Dalian ninyo, nasa labas na sila Don at Donya. Kung ano-anong chismis na naman iyang inaatupag ninyo." Galit na sermon sa amin ni Regine, kasambahay rin dito si Regine pero kung maka-utos parang may ari ng pamamahay na ito. Sabagay isang taon mahigit na rin itong nagtatrabaho dito.
Nasa sala na sila Manang Fe at kami nalang tatlo ang naiwan kaya sumunod nalang rin kami kay Regine.
Pagkarating namin sa sala, nakapila na ang lahat ng katulong. Mahigit bente kaming katulong dito sa mansyon, hindi pa kasama ang mga hardinero, driver at mga security guard. Sobrang laki kasi talaga ng Mansyon na ito, marmol din ang mga gamit, mukhang mamahalin ang lahat ng gamit.
"Syn, halika dito" hila sa akin ni ate Raya. Luminya naman ako sa pila nila.
"Iyuko mo ang ulo mo, baka pagalitan tayo pag nakitang hindi ka nakayuko" Kahit aligaga sa gagawin ay ginawa ko nalang. Napapikit pa ako dahil nagsimulang mangatog ang tuhod ko sa kaba.
"Welcome home Don at Donya Consolacion" Sabay sabay na bati ng lahat kaya nakigaya nalang rin ako sa kanila.
"Salamat Manang Fe" sabay na sagot ng Don at Donya.
Napatingin naman ako kay ate Mikay na nakangiti sa akin kahit nakayuko. Nginitian ko rin ito pabalik kahit masakit na ang ulo ko kakayuko.
"Welcome home Sir Dawn, Sir Brent, Sir M-Mattheo at Senorita Mayumi" Masiglang bati naming lahat, mag nautal pa sa pagbanggit ng Mattheo halatang kinakabahan.
"Oww, thank you po manang Fe" Mahihimigan sa boses ang lambing doon.
Narinig ko na lamang ang mga tunog ng sapatos na paalis sa sala. Napa-aangat naman ako ng ulo kahit hindi pa sinasabi. Pero dalawang pares ng asul na mata ang sumalubong sa akin. Madilim itong nakatingin sa akin, para ako nitong kakainin ano mang oras. Takot ang unang bumalot sa akin kaya ako na mismo ang umiwas at dali daling yumuko.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...