CHAPTER 17

6.5K 76 0
                                    

Pagka-alis ng kapatid ay bumalik siya sa upuan. Seryoso ang mga mukha nilang lahat lalong lalo na siya.

"Go to hell Lance, mahuhuli rin kitang g*go ka" galit na turan ni Mattheo at tahimik lamang ang mga kasama niya, pero alam niyang ganon din sila.

"Simulan mo ng ihanda ang mga tauhan natin Rafa, kung kumikilos na sila dapat tayo rin" dagdag niya pa bago kunin ang baril sa cabinet at huyopan ang dulo nito. Tumango naman si Rafa at kinuha ang cellphone sa bulsa nito, mukang alam na alam na nito ang gagawin.

"Andrie, Track all the transactions and other businesses na mayroon ang mga Gutierrez" ani niya na ngayon ay pinupunasan ang baril.

"And you Xyriel alam mo na ang gagawin mo" nakangisi naman si Xyriel na halatang excited sa gagawin.

"Ako na ang bahala kay Lance, basta ang inuutos ko ay gawin niyo" Saad niya saka sabay sabay na tumayo ang tatlo at lumabas ng opisina niya para simulan ang trabaho.

Nang siya nalang ang mag-isa sa loob, ibinaba niya ang baril at napakuyom ng kamao. Ang tinik talaga ni Lance Gutierrez ang hirap pasukuin, ilang beses niya na ring gustong hulihin ang mga Gutierrez pero malikot at magaling magtago ng mga ibedensya. Alam niyang sila ang may malaking transakyon sa paglabas pasok ng mga droga at illegal na mga baril sa Pilipinas at sa ibang bansa, alam niya ring marami na itong pinatay na mga inosente. Hindi niya pwedeng basta basta na lamang hulihin dahil kulang na kulang sila sa ibedensya. Hindi lang iyon, may kailangan siyang malaman sa Ama ni Lance. Ang pagkamatay ng lolo niya, napasabunot siya sa buhok ng maalala, he's favorite lolo. Namatay ito sa kamay ng mga kalaban noong siya'y labing walong taong gulang. Hindi niya alam kung sino ang pumatay, isa sa hinahanap niya ang bumaril sa lolo at ngayon nga ay kusang dumating at umapak sa teritoryo niya na alam niyang sangkot.

Napangisi siya ng may naisip na kalokohan.



SYNTHA POV.

"Syntha, ikaw na ang bahala na magdala sa kwarto ni Ma'am Yumi nito hah, may aayusin pa ako at nga pala huwag mo ng isipin yung nangyari kanina sa mall, mauna na ako" ani ni Manong Jun sa akin ng mailapag na namin sa sofa ang damit at mga gamit na pinamili ni Ma'am Yumi. Hindi ko na kasi siya nakita ng makapasok siya dito kanina sa loob, baka nasa silid niya. Napakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko alam kung kukunin ko ba iyong ibinigay sa akin ni ma'am Yumi. Baka kasi mamaya pag-isipan ako ng masama ng mga kasambahay dito na piniperahan ko si ma'am Yumi.

Habang abala ako sa pag-ayos ng mga bag, napansin kong may tatlong lalaki ang bumaba sa hagdan. Bago ko lang nakita ang mga mukha nila dito. Nakita nila ako kaya napaayos ako ng tayo habang nilalaro ang mg daliri. Masasabi kong iba ang taglay nilang kagwapuhan, matatangos ang ilong, perpektong hugis ng labi at mapupungay na mga mata, magaganda rin ang pangangatawan nila base sa suot nilang mga damit.

"Who are you?"napakagat ako sa labi sa malamig na tanong sa akin ng medyo matangkad na lalaki, may dala itong brown envelope.

"A-ahh, a-ako po si Syntha Cruz k-katulong po ako dito" sagot ko at yumuko sa kanila bilang paggalang pagkatapos ay inaangat rin ang ulo.

"Ohh I see! Hi, I'm Andrie but you can call me baby Drie"  saad ng isang lalaking ngumunguya at ng bubble gum, lumapit siya sa akin at inilahad ang kanang kamay. Nahihiyang kunin ko na sana ang kamay niya ng magsalita ang isa pa nilang kasama.

"Back off Montemayor, do you want to die now!" usal ng kasama, tinapunan niya ako ng masamang tingin at naglakad na palabas mukang suplado.

"Ayy, huwag mo ng pansinin ang sinabi ni Rafael wala kasi yang lovelife" napangiti ako ng malakas at may diin niya sinabi ang huli para pukulan siya ng masamang tingin ng naunang naglakad na lalaki, si Rafael?.

"You're smilin-"

"Let's go Montemayor, boss will kill us kapag nakita niya pa tayong nandito" ani ng lalaking may dalang envelope at hinila na si Andrei palabas. Kumaway pa ito at ngumiti sa akin. Nahihiya ko namang tinaas ang kanang kamay at ginaya ang ginawa niya.

Nang maka-alis ng ang tatlo ay naglakad na ako para hanapin si Manang Fe para tanungin kung nasaan ang kwarto ni ma'am Mayumi dadalhin ko nalang sa taas ang mga pinamili niya pero nakasalubong ko sila ate Raya at Mikay.

"Oyy Syntha nakauwi na kayo ni ma'am Mayumi" ngiting saad ni ate Mikay sa akin, tumango naman ako dito.

"Pasensya na kayo dahil hindi na po ako nakapaalam sa inyo, sinama na kasi ako kaagad ni ma'am Yumi eh" hinging paumanhin ko ng makalapit sa gawi nila.

"Naku ayos lang yun Syn, siya nga pala saan ka ngayon papunta?" tanong ni ate Raya sa akin, hindi ko alam pero nagagandahan talaga ko sa taglay nitong karisma hindi rin mahahalata na mahirap lang siya, sabi niya kasi sa akin na katulad ko rin siyang nanggaling sa mahirap na pamilya.

"Kay Manang po sana, itatanong ko kung nasaan banda ang kwarto ni Ma'am Yumi ihahatid ko lang iyong pinamili niya pero kayo na ang nakita ko pwede niyo po ba akong samahan sa paghatid" usal ko sa kanila at nagpakyut pa, hindi ko kasi talaga kayang dalhin yun lahat.

"Ohh siya itigil mo na yang pagpapakyut mo, alam naman naming kyut ka eh" natatawang ani ni ate Raya sa akin kaya natawa na rin ako.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon