CHAPTER 10

5.4K 71 0
                                    

Tapos na akong kumain, pina-inom na rin ako ng gamit ni Mayumi. Alam ko na ang pangalan niya dahil nagpakilala rin siya sa akin ganon din ako sa kanya kahit naiilang. Hindi rin nalalayo ang edad namin, dahil 22 na ako at siya ay 21 kaya madali rin kaming nagkasundo pero mas ginusto kong tawagin siyang ma'am kesa sa pangalan niya, isa pa rin kasi siya sa pinagtatrabahuhan ko.

Pinagpahinga niya na muna ako at kapag kaya ko na ay pwede na kaming umalis. Nalaman ko rin na siya pala ang nagbantay sa akin ng dalawang araw at hindi niya ako iniwan. Humingi rin siya ng tawad sa nangyari sa akin at sa ginawa ng kuya niya. Nalungkot naman ako dahil napaka bait niya samantala ang kuya niya'y hindi.
Binilinan niya rin akong iwasan ang kuya niya dahil delikado ito.

"Ate Syn okay na po ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mayumi sa akin habang nakaupo sa upuan malapit sa tabi ko.

"Ahh oo maayos na, pwede na tayong umuwi nakakahiya na rin kasi baka malaki na ang babayaran ko dito" nahihiyang saad ko, ngumiti naman siya sa akin at tumayo.

"Ano ka ba ate Syn huwag kang mahiya, libre ang lahat ng paggamot sayo at wala kang babayaran kahit isa pero siguro si kuya Mattheo ang mag babayad" sagot nito, pagkatapos ay inayos niya na ang dala niyang bag na may lamang mga damit niya, natatameme naman ako.

"Tatawagan ko lang po si Manong Jun para sunduin tayo, hindi kasi tayo masusundo ngayon ni kuya Brent at kuya Mattheo dahil busy sila" ngiting ani nito at lumabas dala ang selpon.

Napabuntong hininga naman ako at sumandal sa ulunan ng kama. Ano na kaya ang nangyayari sa mansyon? Kamusta na rin kaya sila Inay at Itay? Wala pa akong naipapadala sa kanilang pera tapos ito na agad ang nangyari sa akin.

Mga ilang minuto ay bumukas ang pinto at pumasok si Mayumi na may ngiti sa labi.

"Okay na po ate, nasa labas na po si Manong Jun" ani nito at kinuha ang bag niya.

Bumangon naman ako at bumaba sa kama. Nakabihis na rin ako ng damit, isang puting t-shirt na may tatak na Chanel at jeans na itim lamang ang suot ko, pinarisan ito ng kulay puti na manipis na sandals. Mukhang mamahalin at bagong bili pa ito ng ibigay sa akin ni Mayumi dahil may nakalagay pa na tag, pero hindi ko nakita ang presyo dahil tinanggal.

Inalalayan naman ako ni Mayumi hanggang sa makalabas ng kwarto. Siya na rin ang nagsarado ng pinto. Pagkatapos ay naglakad na kami sa mahabang daanan.

Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at lawak ng lugar na ito. Tiyak kong sobrang yaman ng may-ari na ito. Ngayon ko lang din napansin na nasa ikaapat na palapag palang kami. Maraming mga tao, ang iba ay pasyente at nurse. Naunang naglalakad si Mayumi habang ako ay nakasunod lamang sa kanya at nahihiwagaan sa ganda ng lugar.

"Halika na ate, sa elevator na tayo dumaan" nagtataka ko naman siyang tiningnan. Ano yung evator? Ilevator?

"Hah? Ano yung ilevator? Wala kaming ganyan sa probinsya" Sagot ko sa kanya, mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya natawa siya.

"Basta doon tayo dadaan pababa" tango na lamang ang naging sagot ko at sumunod sa kanya.

Napapangiti naman ako tuwing may tumitingin sa akin. Likas na talaga sa akin ang ngumiti sa iba kahit noong ako'y maliit pa lamang. Maraming nagsasabi na maayos daw akong napalaki nila Inay at Itay dahil sa pagiging palangiti ko. Pero minsan pinapagalitan ako ni Inay na ngumiti sa hindi ko kakilala lalo na sa mga lalaki. Baka raw mapahamak pa ako lalo't maganda ang mukha ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil nais lamang nila akong protektahan.


Nakarating kami sa parang pintuan, nakita kong mag pinindot sa gilid si Mayumi. Halos mamangha ako ng bumukas ang pinto, agad namang pumasok si Mayumi.

"Come here ate Syn, baka naghihintay na si Manong Jun sa baba" ani niya habang natatawang tumingin sa akin. Mabilis naman akong sumunod at pumasok.

"Ahmm Ma'am Yumi, pagpasensyahan muna ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong klaseng pintuan at kwarto ang nasa loob. Wala kasi sa probinsya namin ang ganito at wala rin sa probinsya namin ang ganito kalaking hospital" saad ko sa kanya habang tinitingnan ang bawat sulok ng kwarto.

"Ayos lang po ate naiintindihan kita, hindi pa kasi talaga masyadong high tech ang mga probinsya" ngiting sagot nito sa akin na nginitian ko rin.

Mga ilang minuto ay bumukas na ang pinto, naunang lumabas si Mayumi at sumunod ako. Pagkalabas namin ay nasa baba na kami ng hospital. Napatingala naman ako, grabi ang laki talaga ng hospital na ito. Malawak dito at marami ring mga pasyente, nurse at doctor.

Mas lalo akong namangha ng makalabas na talaga kami ng Hospital. Hindi ko alam kung ilang palapag ba mayroon ang hospital na ito at ilang kwarto lahat.

May nabasa pa akong pangalan na nakatatak sa taas, D.C HOSPITAL.

"Ma'am Mayumi! Dito po!" Tawag ng kung sino kaya napabaling ako. Si Manong Jun lang pala.

"Opo Manong papunta na riyan" sagot naman niya. Nagmadali naman akong naglakad para masabayan si Yumi.

Pagkarating sa sasakyan ay agad na rin niyang binuksan ang pangalawang pintuan ng sasakyan para makasakay kami. Kinuha na rin ni Manong ang bag na dala ni ma'am at inilagay sa passenger seat.


Habang nasa byahe ay mahigpit kong hawak ang aking damit. Kinakabahan ako sa pagbalik ko, sana hindi ko siya makita doon. Gusto ko lang naman magtrabaho ng matiwasay at walang pinapasok na gulo.

"Are you okay ate?" Nagtatakang tanong sa akin ng dalaga.

"Ahh oo naman po ma'am Yumi" pilit na sagot ko dito habang mahigpit pa rin ang hawak sa aking damit.

"Kanina mo pa kasi mahigpit na hawak iyang damit mo baka mapunit na, si kuya Mattheo pa naman ang bumili niyan" saad niya para mabitawan ko ang damit.

Ang lalaking iyon ang bumili ng mga damit na ito, ano bang gusto niyang mangyari? Hindi na nga siya humingi ng tawad sa ginawa niyang pagkulong sa akin tapos ito ang ginagawa niya. Ito ba ang paraan niya para humingi ng tawad. Pwes nagkakamali siya, hinding hindi ko siya mapapatawad.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon