PHOTO IS NOT MINE.
PHOTO: PINTEREST"Magsikilos na kayo, darating na maya-maya ang Don at Donya Consolacion at ang apat nilang anak" Maoturidad na utos ng mayordoma ng mansyon.
Dali dali namang nagsikilos ang lahat, pumunta na sa kanya kanyang gawain. Samantala, ang dalagang babae ay hindi alam kung saan magsisimula sa trabaho. Baguhan pa lamang ito sa mansion kaya hindi pa alam ang gagawin.
"Syntha, halika ka na ano pang ginagawa mo riyan" Tawag sa akin ni Manang Fe, siya ang mayordoma ng malaking mansyon na ito. Sumunod naman ako sa kanya, baguhan palang ako dito at hindi pa kabisado ang lahat ng dapat gawin. Ito nga at kukupag kupag ako sa dapat gawin dahil pauwi na raw ang may ari ng mansiyon.
Galing akong probinsiya, simple lang ang buhay ko doon kasama ang Tatay at Nanay ko, ngunit nagkasakit si Itay kaya ngayon ay nandito ako at nagtatrabaho kahit hindi sanay sa syudad para lang may maipambili ng gamot ni Itay. Si Inay naman ay nagtitinda laang ng mga gulay, iyon kasi talaga ang pangunahing hanapbuhay namin sa bukid pero hindi pa rin iyon sapat para sa amin. Kaya ng malaman kong naghahanap ng isang tao para magtrabaho sa syudad ay hindi ako nag-atubiling kunin, kaya ito ako ngayon nakasuot ng pang-maid na damit.
"Syntha" nabalik ako sa wisyo ng tinawag ulit ang pangalan ko.
"P-pasenya na po" yukong paumanhin ko dito.
"Doon tayo sa kusina, kanina pa kita tinatawag paano nalang kung nandito na sila Sir at Madam aaliga-aliga ka sa trabaho mo" Sermon nito sa akin habang papunta sa malawak na kusina.
"Pasensya na po talaga manang, kinabahan po ako talaga ng sinabi niyong darating na ang May-ari" Sagot ko dito.
"Oh siya, hayaan mo na basta ang bilin ko sayo huwag mong kakalimutan ayos ba" Ani nito at dumeretso sa niluluto niya. Tango lang ang naging sagot ko at inayos na ang mga lulutuin.
Kinakabahan ako para sa sarili ko, hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko dito pero sana maging maganda. Bilin kasi sa akin ni Manang Fe na mag-iingat ako sa mga anak ng Don at Donya Consolacion, nakakatakot raw sila lalong lalo na ang Panganay na anak. Tatlong lalaki at isang babae ang anak ng Don at Donya. Pero ang sabi ni manang mababait naman raw ang ibang anak pero ang panganay raw talaga ang medyo nakakatakot, lahat raw ng mga katulong ay takot sa kanya.
This is my first story, kaya pasensya na kung medyo pangit huhuhu
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...