CHAPTER 23

4.2K 58 0
                                    

"Syntha bakit ang tagal mo dyan? Kanina ka pa hinahanap ni Manang Fe" rinig kong tawag sa akin at alam kong si Regine iyon, mabilis kong pinunasan ang luha na nasa aking pisngi.

"Papunta na rin aayusin ko lang ito" ani ko, hindi niya nakikita ang mukha ko dahil naka-talikod ako sa kanya.

"Bilisan mo dyan, ang bagal mong kumilos ayan nalang nga ang gagawin mo" madiing saad niya sa akin, narinig ko ang yapak niyang papaalis na.
Malalim ang buntong hininga ko at inayos ang sarili, nilagyan kong muli ng sabaw ang mangkok pagkatapos malagyan ay tinakpan ko na ang kaldero gumamit na rin ako ng pamunas para di na muling mapaso.

Kahit masakit ang braso ko at tiniis ko lang, pagkarating ko sa labas maganang kumakain ang lahat nandoon rin si sir Mattheo pero naagaw ng pansin ko ang katabi nitong magandang babae pero parang halos lumuwa na ang dibdib nito dahil sa damit na ang liit ng tela. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng inis sa babae, sinasagi pa nito ang dibdib sa braso ni Mattheo. Walang emosyon lamang akong tiningnan ni Mattheo pagkatapos ay ibinaling ang atensyon sa kasamang babae.

Naglakad na ako dala-dala ang sabaw na gusto ni ma'am Mayumi papunta sa gawi niya.

"Ma'am Mayumi ito na po ang sabaw na gusto niyo" tawag pansin ko sa kanya para lingunin niya ako. Inilapag ko iyon sa tabi niya, alam kong may mga matang nakamasid sa aking ginagawa pero hindi ko na iyon pinansin pa. Sana hindi nila mapansin ang braso kong may pasa.

"Ow thank you ate Syn, here maupo ka dito at sumabay ka na sa pagkain" nagulat naman ako sa sinabi niya maging ang mga kasama niya sa hapag. May bakante pa kasing mga upuan ang nandito at mga plato ring nakataob.

"N-naku hindi na po, nakakahiya katulong lang po ako dito" nahihiyang sagot ko sa kanya, sinimangutan niya naman ako.

"I know but kaibigan na kita so pwede kang sumabay sa akin sa pagkain, come on ate Syn" napakamot naman ako sa aking ulo kahit hindi ito makati.

"Sige na maupo ka na dito sa tabi ko" utos niya sa akin wala na man akong magawa. Akmang uupo na sana ako sa tabi niya ng may magsalita.

"She said na katulong lang siya Mayumi, bakit ka nagpapasabay kumain sa hindi mo kamag-anak o kadugo. Ang katulong ay katulong lang and also this lunch is for us, for CONSOLACION family only" galit at may diin na saad ni Mattheo habang naghihiwa ng karne durog na iyon sa kakahiwa niya, tumingin siya sa akin ng masama bago binaling ang paningin kay Mayumi.

"Mattheo!" Galit na ani ni Don Jacob sa kanya pero nginisian niya lamang ang ama.

"Why? Tama naman ako diba, minsan kasi kapag sinasanay mo ang isang tao nagiging abuso rin" dugtong niya pa saka binaling ulit ang tingin sa akin.

Parang sinampal naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya lalo na ang una, ito ba ang ganti niya sa akin dahil sa nangyari kanina sa kusina.

"O-oo nga po ma'am Mayumi, h-hindi po ako parte ng pamilya niyo at katulong lang po ako dito" sang-ayon ko sa sinabi ni Mattheo, tama naman siya katulong lang ako sa pamamahay na ito at doon lang iyon.

Malungkot naman akong tiningnan ni Mayumi pagkatapos ay pilit na ngumiti. Umalis na ako sa pwesto nila hindi na rin ako nakilinya kila manang dahil baka bigla akong umiyak sa harapan nila at ayaw ko ring makita ang babaeng katabi ni Mattheo.

Lumabas ako ng Mansyon at dumeretso sa garden kung saan kami pumunta ni Mayumi. Hindi pa man ako nakakaupo ay kusa ng tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit sa dibdib, ang bigat-bigat bakit ganito ang nararamdaman ko?

Kung sa loob ng dalawang linggo ay namiss ko siya ngayon ay puno ng galit ang dibdib ko dahil sa kanya.
Tiningnan ko ang braso kong may pasa at ang paso ko sa aking daliri. Anong karapatan niyang saktan ako?Tama naman ang sinabi ko sa kanya ahh ruthless siyang tao.

Pero napakagat ako ng labi sa naisip, baka kaya siya nagalit bigla dahil sumobra ang nasabi ko? Sumobra ba? Argghhh hindi ko alam, basta nakakasakit na siya.
Sinabunutan ko ang sarili ko habang pinapadyak ang mga paa, gusto ko siyang sapakin para makaganti ako kainis.

"Ehem, are you okay Ms?"

"Ayy gwapong palaka!" napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita, sapo-sapo ko rin ang aking dibdib at kinokontrol na huwag atakin sa puso.

"Yes gwapo ako pero hindi ako palaka" saad pa ng kung sino, tiningnan ko naman kung sino ang nagsalita isa sa mga kuya ni Mayumi ang nakasalubong ko nakaraan noong kagagaling ko lang sa hospital. Seryoso lang ang mukha nitong nakatingin sa akin, umayos naman ako ng tayo. Lumayo ako ng bigla itong lumapit sa akin.

"Tskk napakamatatakutin mo naman, uupo lang ako dito!" Ani niya at umupo na sa inuupuan ko kanina.

"Sit down" utos niya sa akin at itinuro ang gilid niya, napakagat naman ako sa labi at sinunod ang utos niya.

"Bakit ka nandito?" tanong niya ng makaupo ako sa tabi niya, malayo ang tanaw niya.

"Eh ikaw bakit ka nandito?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Ako ang unang nagtanong tapos tatanong ka rin" nilingon niya ako pagkatapos ay inismidan, parehas lang sila ng kuya niya.

"Sorry!" Hinging paumanhin ko.

"I hear you crying, are you okay?" anang wika niya sa akin, tinitigan ko lamang siya na malayo pa rin ang tanaw, nagulat ako ng lingunin niya ako kaya nagtama ang mga mata namin.

"Stop staring at me I know how handsome I am" saad niya habang nakatingin pa rin sa akin at isinuklay ang buhok.

"So bakit ka umiiyak?" Ani niyang muli na nakatingin pa rin sa akin, ako na naman ang umiwas ng tingin sa kanya.

"Ahh wala, masama ba ang umiyak at ilabas ang sama ng loob" sagot ko dito.

"Yeah wala namang masama but now I'm here you can tell me kung ano ang hinanakit mo" aniya sa akin, napangiti naman ako sa kanya. Sana ganito rin si Mattheo katulad ng mga kapatid niya.

"Hindi kaya ko na to, pwede bang magtanong sayo?" Kagat labing saad ko sa kanya tumingin naman siya sa akin pero biglang umiwas ng tingin.

"Ahh s-sure, but first i-itigil mo iyang pagkagat mo ng labi baka bigla kitang mahalikan ng wala sa oras" nahihiyang ani niya sa'kin na ikinagulat ko. Ginawa ko naman ang gusto niya at ayaw ko ring mahalikan niya ako noh.

"Ahm, sino iyong babaeng katabi ni Mattheo sa pagkain kanina?" tanong ko sa kanya.

"Why? Nagseselos ka? Oww I know na kaya ka nandito kasi nagseselos ka" lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya, iling-iling naman ang ginawa ko.

"Hoyy hindi bakit ako magseselos aber?" Hinampas oo pa ang braso niya, hindi ko alam pero habang tumatagal naging komportable na ako sa kanya.

"Arayy bat nanghahampas?" Saad niya at inirapan ako.

"Pasensya na hehe, sagutin mo nalang ang tanong ko" ani ko sa kanya.

"She's Jessica, the b*cth girlfriend ni kuya Mattheo" walang emosyong sagot niya sa akin. Jessica pala ang pangalan niya.

"Maganda siya" ani ko sa kawalan.

"Anong maganda? Eh mas maganda ka pa doon, maganda ba ang babaeng sumusuot ng damit na ubos na ang tela at lumuwa na ang kaluluwa?" Ani niya sa akin na nakataas ng kilay. Napangiti naman sa sinabi niya.

"Huwag na nga nating pag-usapan yung babaeng iyon, I hate her for my brother" Dugtong niya para mapatingin ako sa kanya na nakatingin din pala siya sa akin.

"Let's go, gusto kong samahan mo ako sa mall" saad niya at tumayo sa pagkakaupo.

Akmang tatayo na sana ako ng siya na mismo ang tumayo sa akin pero maling braso ata ang nahawakan niya. Marahas niya ng napiga ang pasa ko dahilan para mapahiyaw ako sa sakit.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon