Nagising ako sa may humahaplos ng aking mukha. Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni sir Mattheo bagong ligo pa ito at amoy ko rin ang pabango niya na masarap sa ilong, titig na titig sa akin ang asul niyang mga mata. Napaiwas naman ako tingin dahil hindi ko kayang tumagal sa mga titig na iyon. Tumaligid ako ng higa para hindi niya makita ang hitsura ko.
"Hey face on me baby" aniya at hinahawakan ang babà ko para iharap muli sa kanya pero umiling lang ako at kinuha ang unan na banda sa aking ulunan at itinabon iyon sa mukha. Ayaw kong makita niya ang pangit kong mukha kapag bagong gising.
"Hey! What's wrong? Are you still sleepy?" Tanong niya sa akin, hindi ko naman iyon sinagot at pinikit muli ang aking mga mata.
"It's already 4:12pm, bangon na hinahanap ka na nila Ma-" Halos pagbalikwas akong bumangon dahil sa sinabi niya pero nagsisisi rin ako dahil nauntog ang aking ulo sa nuo ni sir Mattheo. Parehas kaming napahawak sa aming mga ulo, parang umikot bigla ang aking paningin.
"S-sorry po sir Mattheo, nabigla lang po ako ng sabihin niyong alas kwatro na ng hapon" hinging paumanhin ko sa kanya habang hawak pa rin ang nauntok na ulo.
"I-it's ahh okay!" Aniya habang hinihimas ng kamay ang kanyang nuo, naawa naman ako sa kanya bakit kasi padalos-dalos ako sa pagbangon.
"P-patingin nga" saad ko at kinuha ang kamay niyang nakalagay sa nuo. Hindi ko maiwasang mas lalong hindi maawa sa kanya dahil ngayon ay pulang pula na ang nuo niya, mukhang masyadong malakas ang pagkauntugan ng aming mga ulo.
"Sorry t-talaga hindi ko sinasadya, ikaw kasi bakit hindi mo ako ginising kanina" anang wika ko at ngumuso sa kanya, tinitigan niya lang ako na parang hindi narinig ako sinabi ko.
"Sir ayos ka lang ba? Baka may masakit sa inyo? Bakit ganyan ka makatitig sa akin, may mali ba sa mukha ko? Alam ko namang pangit ako kaya hindi na ako magtataka ku- hmpppp"
Nabigla si Syntha ng sinunggaban siya ng halik ng binata. Hindi niya iyon inaasahan, akala niya kasi ay may kung ano sa mukha niya kung bakit ganon na lamang ang titig ng lalaki na parang kakainin na siya ng buhay.
"Hmmm Mat-theo!"ungol ni Syntha sa gitna ng malalim na halik sa kanya ni Mattheo. Napahawak pa siya sa balikat ng lalaki ng hapitin ang bewang niya sa katawan nito para mas lalong palalimin ang halik.
Nagpaigtad pa si Syntha ng maramdaman ang isang kamay ni Mattheo na sumapo sa kanyang dibdib, mas lalong nadagdagan ang init na nararamdaman niya sa kanyang katawan dahil sa ginagawa ni Mattheo dito.
Tumigil din sa paghawak ang lalaki sa dibdib niya at binuhat siya ng walang kahirap hirap pagkatapos ay ipinaupo sa hita nito, ipinulupot naman ni Syntha ang dalawa niyang kamay sa leeg ng lalaki dahilan para mas lalong lumalim ang halikan nilang dalawa.
Walang tigil sa pag-i-espadahan ang kanilang mga labi, bumaba rin ang mga halik ni Mattheo sa leeg ni Syntha, hindi rin niya maiwasang mailabas ang mga ungol na kumakawala sa kanyang bibig.
"Kuya! Kuya!? Kuya Mattheo are you there?" tawag ng kung sino sa labas ng kwarto ni Mattheo pero parang walang narinig ang dalawa at nagpatuloy sa paghahalikan.
"Hmmp M-Mattheo hmm may t-tao sa labas" nahihirapang saad ni Syntha sa lalaki, naramdaman ni Syntha na humigpit ang hawak ni Mattheo sa bewang niya.
"Kuya! Nakita mo ba si ate Syntha?" Anang wika sa labas, si Mayumi iyon.
"Mattheo!" Si Syntha na ang nagputol ng halikan nilang dalawa at umalis na rin siya sa pagkakandong. Nakasimangot naman na tumitig ang lalaki kay Syntha.
"L-lalabas na ako!" Mahinang saad ni Syntha sa lalaki at umiwas ng tingin. Bigla siyang tinubuan ng hiya dahil sa mahabang halikan nilang dalawa lalo na nu'ng hinawakan ng lalaki ang dibdib niya.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...