7 pm na, madilim na rin ang paligid pero ang Mansyon ng Consolacion ay puno ng ilaw dahil sa isang magarbong handaan, ngayon ang 30th birthday ng panganay na anak ng Don at Donya at kasabay ring ipagdiriwang ang Anniversary ng kompanya nila kaya ang lahat ng mga katulong ay busy sa pag-asikaso ng mga pagkain at mga guests. Maaga palang pero marami ng tao, sabagay mayaman ang Consolacion kaya hindi na nakapagtataka na mayayaman din ang dadalo.
"Ang daming mga gwapo sa swimming pool kanina, shemayy mamatay na ata ako kakatitig sa kanila" kinikilig na turan ni Mikaela ng makarating sa kusina na may dala-dalang tray na walang laman.
"Magtigil ka Mikaela, kanda ugaga na nga tayo sa trabaho mga gwapo pang lalaki iyang inuuna mo akala mo naman mapapansin ka nila" napasimangot naman si Mikaela habang si Syntha ay napatawa sa winika ni Raya. Sa kanilang tatlo si Raya talaga ang matured mag-isip.
Busy sa pagpunas ng babasaging baso Syntha habang si Raya naman sa mga tinidor at kutsara. Habang ang ibang katulong naman ay naka-assign sa mga pagkain at alak.
"Siya nga pala Syntha birthday ngayon ni sir Mattheo pero naka all black ka na suot" kuryusidad na tanong ni Mikaela sa kanya. Napatameme siya saglit at natigil ang pagpunas ng mga baso. Hindi niya alam ang isasagot dahil si Mattheo naman ang nagbigay nun sa kanya.
"Hayyy naku Mikaela, bumalik ka na nga sa trabaho mo pati ba naman suot ni Syntha pinapakialaman mo" masungit na ani ni Raya dahilan para makahinga ng maluwag si Syntha. Nagdadabog naman na umayos ng tayo si Mikaela.
"May regla ka siguro kaya ka ganyan hmpp aalis na nga" nakasimangot namang sagot ng babae sa kasama. Napatingin siya kay Raya ng bigla itong ngumiti ng maka-alis na si Mikaela sa pwesto nila.
"Ang kulit talaga ng babaeng yun" natatawang wika ni Raya at tinanaw pa ang kaibigan. Napangiti na rin siya dahil kahit minsan napakaseryoso ng kaibigang si Raya ay mabait ito at maalalahanin.
"Syntha ikaw na ang magdala nito sa mini-bar hah may gagawin pa ako si Mamang Fe kasi kailangan ng tulong" paalam sa kanya ni Raya habang tinuturo ang mga babasaging baso. Tumango naman siya bilang sagot.
Nang maka-alis na ang kaibigan ay maingat niyang inilagay ang napunasan ng babasaging baso sa tray. Pagkatapos ay maingat na naglakad palabas ng kusina para idala ang mga baso sa mini bar kung nasaan ang ibang mga bisita. Dumaan pa siya sa sala at marami ring mga tao ang naroon na mukhang mayayaman kaya hindi niya maiwasang mapayuko nalang.
Pagkalabas ay hinanap ng mata niya si Mattheo pero hindi niya iyon matagpuan dahil sa dami ng tao na naroon. Kaya napagpasyahan niya na lang na idala na lang muna ang mga babasaging baso sa mini bar.
"Hi Syntha!" Napatingin siya sa tumawag sa kanya ng makarating sa mini bar. Naibigay niya na rin ang mga babasaging baso sa bartender.
"Bakit po sir Andrie? May kailangan po ba kayo?" Tanong niya ng makalapit sa lalaking may hawak hawak na wine. Gwapong gwapo iyon lalo na sa suot nitong tuxedo pero kahit na ganon ay hindi man lang naakit si Syntha dito.
"Ahh wala naman, why are you wearing an all black dress?" Nagtatakang tanong sa kanya ng binata at pinasadahan ng tingin ang buo niyang suot pero hindi siya naiilang sa tingin ng lalaki dahil may kuryusidad iyon at hindi malagkit na tingin.
"Ahh w-wala po, g-gusto ko lang na ito ang suotin ko" nahihiya niyang sagot sa binata, tumango tango naman ang lalaki.
"Kung wala na po kayong kailangan, pwede na po ba akong umalis may gagawin pa po kasi ako" magalang na saad ng dalaga sa lalaki.
"Go ahead, ahh by the way anong pangalan ng isa mong kaibigan na babae?" Napakunot naman si Syntha ng nuo dahil sa tanong ng lalaki. Hindi niya alam kung sino sa dalawa niyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romans[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...