CHAPTER 58

6.4K 64 1
                                    

Nagising ako sa mainit na hiningang lumalapat sa aking leeg. Idagdag pa ang mabigat na bagay ang nakatanday sa aking binti at ang kamay na nakayapos sa aking bewang. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata habang kinakapa ang bagay na nakatanday sa akin.

"Ang bigat! Ano ba-" napakagat ako sa labi ng mapagtanto kung ano iyon. Kanino na namang binti ito?

"Mayumi, dito ka na naman natulog sa kwarto namin. May kwarto ka naman ang hilig hilig mong makitulog dito, nag-away na naman ba kayo ni Xyriel?" Asik ko sa katabi na tiyak kong si Mayumi. Hirap akong dumilat ng mata dahil sa pag-iyak.

Dito na naman natulog ang babaeng ito. Nasanay na rin akong dito ito natutulog tuwing nag-aaway sila ni Xyriel.

"Mayumi, bakit parang ang bigat ng binti mo? Tapos yung kamay mo parang lumaki?" Takang tanong ko pero ilang segundo na ay hindi ito sumagot kaya nagmulat ako ng mata para tingnan siya.

"Ahhhhhhhhh!"

"Hey, stop shouting!"

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa kaba at gulat.
Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito ang taong ito?

Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin, maging ang binti niyang nakatanday sa akin. Mabilis pa ako sa alas-kwatrong umupo sa kama at tinitigan siya ng masama.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Sleeping" antok niyang sagot habang ang mga mata ay nakapikit. Kapal naman ng lalaki na ito dito matulog pagkatapos niya akong paiyakin.

"Bumangon ka riyan, baka nagkamali ka lang ng tinulugan mo, hindi ito kwarto ng babae mo!" Hinampas ko ng unan ang balikat niya. Binalingan ko ang anak kong nakadapa na natutulog sa gilid, pagkatapos ay binalik muli ang tingin sa lalaki na mukhang walang balak na bumangon.

"Hoy! umalis ka nga rito, kapal ng mukha mong dito matulog" Naiinis kong saad sa kanya at hinampas muli ng unan ang katawan niya.

"Hmmm" tanging sagot niya sa akin at umayos ng pagkakahiga. Inangat ko sa ere ang unan para hampasin siyang muli pero nanigas ako ng imulat niya ang mata at seryoso akong titigan.

"Try to hit me again, mabubusog ka ng siyam na buwan" Napalaki ako ng mata sa sinabi niya at hindi na pigilang hampasin siya ng unan pero mabilis niya rin iyong nasangga at nakuha.

"Bastos!"

"Yeah I know" sagot niya. Lumayo ako sa kanya ng bumangon siya sa pagkakahiga at umupo katulad ng ginawa ko. Sinuklay niya pa ang sariling buhok pagkatapos ay ginulong muli.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"This is my room, meaning may karapatan ako ditong matulog" sagot niya dahilan mapalunok ako. Ramdam ko ang pawis na sa aking nuo. Bakit ba ako pinagpapawisan kahit may aircon naman dito sa loob?

Parang lalabas na ang puso ko sa gulat ng hilain niya ang kamay ko dahilan para mapalapit ako sa kanya. Napasinghap ako ng mabilis niyang pinulupot ang kamay sa aking bewang at isiniksik ang ulo sa aking leeg.

"M-mattheo, a-anong ginagawa mo?" Nahihirapan kong tanong sa kanya. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga sa aking leeg.

"I miss you, I miss you so much. I missed your smell, your smile, your face and everything about you baby" malambing niyang sagot sa akin. Natahimik ako at hindi alam ang isasagot.

"I'm sorry to hurt you again, hindi ko pala kayang nakikita kang umiiyak ng dahil sa akin. Akala ko kaya kong tapusin ang planong subukin ka pero hindi ko na kaya. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag gawin mo ang sabi mong iiwan mo na talaga ako" napapitlag ako ng maramdamang may basa na ang aking leeg.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon