CHAPTER 8

5.3K 69 0
                                    

"K-kuya!" Ulit pa ni Mayumi na ikinataka ng dalawa sa labas ng pinto, hindi kasi sila sumunod sa loob.

"Kuya help, si ate wala ng malay" naiiyak na saad ng dalaga. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Mattheo.

Dali dali siyang pumasok sa loob at hinanap ang kinaroroonan ng kapatid kahit madilim.

"Sh*ittt!!!" Tanging nasabi niya ng mahawakan ang dalagang walang malay na nakahiga sa malamig na sahig. Akala niya hindi ito mangyayari dahil ang mga taong pinapahirapan niya at inilalagay dito ay may malay pa kapag bumabalik siya ng dalawa o tatlong araw.

"K-kuya dalhin na natin siya sa hospital baka ano pang mangyari sa kanya. Kasalanan mo ang lahat ng ito kuya!" Saad ng kapatid habang humihikbi. Hinawakan niya ang palapusuan, may tibok pa ito pero mahina na.
Walang anu-ano'y binuhat niya ito at inilabas sa silid. Sumunod naman si Mayumi.

"Brent, prepare the car pupunta tayong hospital ikaw ang magmaneho" aniya sa kapatid na lalaki na mabilis namang tumalima.

"Sasama ako kuya!" Wika ng kapatid habang hawak ang litrato na nasa tabi kanina ni Syntha ng makita niya. Tiningnan niya lamang ang kapatid at naglakad
para dalhin ang walang malay na dalaga sa hospital

Pagkarating nila sa sala ay nandoon ang magulang nila at may pinag-uusapan. Naagaw ang kanilang atensyon at hindi niya masisisi ang gulat sa mga mata ng magulang sa nakita. Maging ang mga makatulong ay napasinghap rin sa nakita.

Awa at pagkadismaya ang makikita sa kanila lalo na sa magulang ng binata. Sinong hindi maaawa kung hindi man lamang nakakain ang dalaga ng dalawang araw at hindi man lamang nasinagan ng araw.

Hindi niya pinansin ang mga magulang kahit tinatawag na siya. Ang nasa isip lang ngayon ng binata ay maidala at magamot ang dalaga. Huminto ang magandang sasakyan sa harapan nilang dalawang magkapatid at dali dali namang binuksan ni Mayumi ang back seat para makasakay siya. Pagkatapos ay sumakay na si Mayumi sa passenger seat.

"Hurry Brent, dalhin natin siya sa Hospital ni Dawn" May galit na utos niya sa kapatid.

"It's all your fault kuya, I already told you before eh na might something happen to her" iyak naman ng kapatid na ikinainis niya. Ayaw niyang sinisisi siya sa isang bagay kahit na siya ang may gawa.

"Shut up dear sister kung ayaw mong magalit yan" seryosong saad ng kuyang si Brent.

Napatingin naman si Mattheo sa mukha ng dalaga. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib ng makita ang kaawa-awa nitong mukha. Putla na ito at maitim na rin ang labi. Buti na lamang ay may pulso pa ito na ipinagpapasalamat niya. Hindi siya marunong magpasalamat at magdasal pero ngayon ito siya't humihingi ng tulong sa taas.

Hinaplos niya ang mukha ng dalaga at inayos ang nagkalat na buhok sa mukha. Kinuha niya ang kamay at mahigpit itong hinawakan.

Nang makarating sa hospital ng kapatid ay mabilis niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at binuhat ang dalaga.

"Sir, anong nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse na sumalubong sa kanya pero hindi niya man lamang iyon pinansin at inilagay ang dalaga sa stretcher na dala-dala ng mga nurse.

"Where's Ms. Ramirez?, gusto kong siya ang mag-asikaso sa babaeng ito" aniya.

"Ahm Sir, may operation pa po si Doctora Ramirez pero si Doc Nielsen nalang po ang mag-aasikaso" sagot ng babaeng nurse. Dumilim naman ang paningin niya at naikuyom ang kamao.

"No!!! Kung ano ang sinabi ko iyon ang gawin niyo!" Galit na sigaw niya sa mga nurse. Dinaluhan naman siya ng babaeng kapatid.

Sakto naman at kalalabas lang ng kapatid niyang si Dawn at nakita sila.

"Hey, hey, what's happening here?" Takang tanong ng binata.

"Where's Doc Ramirez?" Malamig niyang tanong dito.

"At bakit mo hinahanap ang fiance ko?" Biglang seryosong balik na tanong ng kapatid sa kanya.

" Just f*cking find her! and check up this young lady" galit na sigaw niya sa kapatid na siyang ikinagulat nito maging ng dalawang kapatid na nasa likod niya, sinong hindi magugulat sa kanya kung ganoon na lamang ang pag-aalala niya para sa babae. Sa Dinami dami ng pinarusahan niya ngayon lamang siya nakita ng mga kapatid na nag-aalala. Naagaw tuloy ng ibang tao ang pagsigaw niya sa kapatid.

"A-ahmm yeah yeah I'll find her. Nurse Rey dalhin niyo ang pasyente sa private room at hahanapin ko si Doc Ramirez" ani nito at dali dali umalis.

Dinala naman nila ang dalaga sa private room.

"Ahh Sir, hanggang dito na lamang po kayo. Kami at si Doc Ramirez na po ang bahala sa kanya, hintayin niyo na lamang po ang resulta" ani ng babaeng doctor sa kanila.

"K-kuya maupo ka na muna!" Aya ng kapatid sa kanya. Umupo naman siya at napahilamos sa mukha.

"F*ck , sh*ttt!!!" Galit na bulong niya sabay sabunot sa buhok habang nakayuko. Napatingin naman sa isa't isa ang dalawa niyang kasama.

Ilang minuto lamang ay dumating na rin si Doctora Ramirez kasama ang kapatid nilang si Dawn. Nginitian lamang sila ng babae at pumasok na ng silid.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon