Nag-aalalang tiningnan ni Brent si Syntha dahil sa pagdaing nito. Nagulat pa siya dahil wala naman siyang ginawa sa dalaga kundi hawakan lang ang braso para tulungang itayo.
"Aray! Masakit" nahihirapang saad ni Syntha at tiningnan ang sariling brasong may pasa.
Gulat naman si Brent ng makita ang namumulang braso ng dalaga.
"What the? Anong nangyari dito?" medyo galit na tanong ni Brent kay Syntha.
"Ahh w-wala iyan n-akuha ko lang iyan sa k-usina kanina" nahihirapang giit ng dalaga, dumilim naman ang mukha ni Brent.
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo" saad ng binata.
"Hah?"
"Tskk, anong ipapaliwanag mo sa bakat ng kamay na ito Syntha?" Galit na ani kay Syntha ng binata at ipinakita sa kanya, napayuko naman siya.
"Sinong may gawa sayo nito?" nanggagalaiting tanong ni Brent.
"Si Mattheo, pero hayaan mo na dahil rin naman sa akin kaya niya nagawa iyan" naiiyak na sagot ng dalaga.
"Pinagtanggol mo pa talaga, hindi pa talaga siya nagbabago" anang wika ng binata sa kanya.
"Let's go!" yaya sa kanya ni Brent habang sa kabilang braso na ang hawak nito.
"Pupuntahan mo ba si Mattheo? H-huwag na please b-baka lumala lang ang s-itwasyon" request ng dalaga dito, napatitig naman sa kanya ang binata pagkatapos ay napabuntong hininga.
"Fine! hindi na, gagamutin nalang natin yan" ani nito sa kanya, siguro'y naawa rin sa kanya at naisip na kapag sinugod ang kapatid tiyak na si Syntha ang maiipit.
Hinila siya nito pabalik sa Mansyon, nagpatianod na lamang siya siya sa lalaki.
Pagkarating sa Mansyon ay pinaupo siya sa sofa at iniwan saglit para kumuha ng mid kit ang binata. Ilang minuto rin ay bumalik na ito at dala dala ang mid kit.
"Akin na ang braso mo" saad ng kuya ni Mayumi habang naka-angat ang palad sakto lang para ilapag ko ang braso ko. Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan niya, hindi ko alam kung siya ba si Sir Dawn o Sir Brent, pareho kasing mga gwapo.
"Damn that man, hindi niya man lang naisip na babae ka" ani niya sa akin habang sinisimulang haplusan ng gamot, napalabi na lamang ako at sinusubaybayan ang ginagawa niya.
"Hayaan mo nalang siya sir-?" hindi naituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya.
"Brent" maikling saad niya at inaangat ang ulo para tingnan ako, nginitian ko naman siya.
Dalawang minuto rin ang ang ginawa niyang paggamot sa pasa ko pagkatapos ay tinalian ng puting benda.
"S-sir Brent, pwede bang gamutin mo rin itong paso ko sa daliri" nahihiyang ani ko at inilapit ang kabilang kamay sa kanya.
"W-what?" Gulat na usal niya.
"Sh*t anong pinanggagawa mo sa sarili mo?" Sermon niya sa akin habang nilalagyan ng ointment ang paso ko. Tinawanan ko lang ang sermon niya sa akin dahilan para mapairap siya.
"Go to your room at magpalit ka ng damit lalabas tayo" utos niya sakin ng matapos niyang gamutin ang pasa at paso ko. Ilang beses din ang pagpapasalamat ko sa kanya.
"Pero baka hindi ako payagan lumabas dahil marami pang gagawin" sagot ko dito, kumunot naman ang nuo niya.
"Don't worry about that ipapaalam kita kay Manang, para na rin matakasan mo ang mga gawain" natatawang saad niya. Akala ko mabuti may kalokohan din palang alam.
Agad naman akong tumayo at tumalima sa utos niya, dumeretso na ako sa silid namin. Pagkapasok ko'y naabutan ko doon si ate Mikay na bagong ligo.
"Ohh anong nangyari dyan sa braso mo at daliri?" Nagtatakang tanong nito sa akin at lumapit para matingnan pa ng maayos ang mga sugat.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...