CHAPTER 35

5.1K 59 1
                                    

Napaigik si Syntha sa sakit ng maramdamang may humila ng braso niya. Tiningnan niya iyon at si Mattheo na galit ang mukha. Marahas siya nitong hinila paalis sa maraming mga tao na naroon.

"Theo nasasaktan ako!" Naiiyak niyang saad sa binata, nahihirapan din siyang maglakad dahil sa mabilis nitong pangangaladkad sa kanya.

"Theo!" Tawag niya lang muli dito.

"Stop calling me that walang tatawag sa akin ng ganyan wala! naiintindihan mo!" Sigaw nito sa kanya, napayuko na lamang siya at tiniis ang sakit sa braso.

"Kanina ang saya saya lang natin pero ngayon ito na naman tayo!" Mahinang ani niya sa lalaki pero parang wala itong narinig.

Nakarating sila sa punishment room. Lalong tumambol ang puso ni Syntha dahil sa kaba. Ilalagay na naman siya doon muli, tuloy tuloy ang buhos ng luha niya sa mata.

"Dito ka nababagay, parehas kayo ng tatay mo kung siya mamatay tao ikaw magnanakaw at uto-uto!" Madiing saad sa kanya ng binata.

"S-sir M-Mattheo huwag naman p-pong ganito! W-wala po akong ninakaw at hindi mamamatay tao si Itay, walang pinatay si Itay" iyak niya sa binata pero hinigpitan lang nito ang hawak sa braso niya.

"Walang pinatay? O baka hindi niya lang sinabi sayo" nanggagalaiting saad ng binata, tumawa pa ito at tumitig sa mga mata niya.

"Sabi ko na talagang mangyayari to eh, hinihintay ko lang na ikaw mismo ang gumawa ng bagay na ikakapahamak mo" dugtong pa ng lalaki habang siya ay umiiyak lang na nakatitig dito.

"Walang pinatay si Tatay at hindi ako magnanakaw!" Sigaw niya sa lalaki at sinubukang tanggalin ang kamay nito sa braso niya pero malakas ito.

"Mamatay tao ang tatay mo, pinatay niya ang lolo ko!" Sigaw ng lalaki pabalik sa kanya na hawak na ang babà niya  dahilan para matigilan siya.

"Pinatay niya ang nag-iisa kong lolo naiintindihan mo!? kaya dapat sayo ikulong dito" Madiing saad ng binata at binuksan ang pinto ng kwarto. Nataranta naman si Syntha at hindi alam ang gagawin.

"H-hindi, wag Theo a-ayaw ko na dito natatakot ako!" Napahagulgol na siya sa iyak pero parang bingi lang ang lalaki at inilagay siya doon ng walang kahirap hirap.

"H-hindi ayaw ko na dito, palabasin mo ako dito maawa ka sa akin!" Sigaw niya ng malakas siyang pagsarhan ng pinto. Naririnig niya pa ang paglock ng pinto ng kwarto.

"Sir Mattheo buksan mo to wala akong kasalanan, wala akong ninakaw" sigaw niyang muli at pinukpok ang pinto.

"Ahhhhhhhhhh" sigaw niya habang umiiyak, napaupo na rin siya sa semento.

"Kanina lang umiiyak ako at ito ngayon umiiyak na naman pero sa kwartong ito na ngayon. Kailan ba ako pahihirapan ng mundo? Pagod na ako!" Sigaw niya sa sarili habang hinahampas ang dibdib.

"Gusto ko ng mamatayyyyyy!! ahhhhhhhh" aniya at sinabunutan ang buhok, pinukpok niya na rin ang ulo dahil sa sakit ng dibdib.

"Anong ginawa kong kasalanan at pagkukulang para maranasan ko to? Sa lahat sila ayaw sa akin, wala akong kakampi" hagulgol niya sa sarili.

"G-gusto ko ng umuwi!" Mahinang saad niya sa sarili.

"Theo, buksan mo na ang pinto ayaw ko na dito, takot ako sa dilim" ani niya at habang hawak ang doorknob ng pinto. Napasandal na lamang siya at mahinang humikbi.

"K-kahapon ang s-saya pa natin, ang l-lambing lambing mo pa sa akin pero a-anong nangyari?" Natatawang tanong niya sa sarili, para na tuloy siyang baliw na tumatawa pagkatapos ay iiyak.

Napatingala na lamang siya habang pinikit ang mga mata dahil ayaw niyang makita ang dilim ng paligid.
Ramdam niya pa din ang mga luha na naroon, unti unti niyang naramdaman ang pagsikip ng dibdib at lamunin ang isipan niya ng dilim at matumba sa pagkakaupo.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon