CHAPTER 6

7.6K 90 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas at parang walang balak ang binata na palabasin ang dalaga sa punishment room. Hindi rin mahahalata sa mukha ang konsensya at pag-aalala sa dalaga. Walang siyang paki kung hindi iyon makakain o masinagan ng araw. Hangga't May nakikita siyang nahihirapan ay natutuwa siya, pero mag kung anong kirot din siyang naramdaman.

Sa dalawang araw ay wala siya sa mansyon dahil busy sa kanyang trabaho bilang CEO ng sariling kompanya.
Kailangan niyang magtrabaho dahil hindi porke't kakauwi niya lang galing Europe ay magpapahinga na siya ka agad. Marami siyang mga kailanganing tapusin.

Habang busy sa pagpirma ng mga papeles na nasa kanyang mesa ay bumukas ang pintuan ng kanyang office at iniluwa doon ang dalawang matalik na kaibigan. Ang unang lalaking pumasok ay si Andrie na nakangiti samantala ang sumunod ay Xyriel nanakasimangot.

"Nandito na pala ang workaholic naming kaibigan, kamusta ang bakasyon sa Europe kasama ang pamilya?" Ngiting tanong ng unang lalaking pumasok at walang hiyang umupo sa visitor chair.

"I think marami ka na namang chicks na naakit no?" Dugtong pa nito at kinuha ang Naka display na picture ng binata.

"Anong kailangan niyong dalawa? And also why is that bastard not in the mood?"malamig na tanong nito sa kaibigan.

"C'mon my friend, sino ba naman ang hindi sisimangot kung maaga palang ay sininghalan na ng maganda mong kapatid HAHAHHA" Natatawang ani ng kaibigan at tumingin sa isang pang kaibigan na nakaupo sa sofa na nakasimangot pa rin.

"I hate your sister so much dude, akala mo kung sino para pagalitan ako" inis na sagot naman ng kaibigang si Xyriel at sumandal sa sofa.

"Ayieee baka kayo talaga HAHHAHAHAHA" halakhak na ani ni Xyriel dito, may pahawak pa ng tyan. Napatahimik naman ito ng tingnan ng masama ng dalawang kaibigan at umayos ng upo.

"Ahm ahh sorry nakalimutan ko ayaw niyo nga pala ng ganon" saad nito sa dalawang kaibigan.

Bumalik sa pagpipirma si Mattheo at hinayaan na lamang ang dalawang kaibigan. Alam niyang pumunta lamang ito para istorbohin siya sa ginagawa.

"Hey Mattheo, humingi nga pala ng tulong sa akin ang kapatid mong babae" naagaw ang atensyon niya dahil sa narinig mula sa kaibigang si Xyriel. Nakadikwatro itong upo habang hawak ang cellphone.
Ibinaba niya ang ballpen at maingat na ibinaba ang salamin na mas lalong nagdagdag kagwapuhan sa kanya.

"What did she tell you?" Tanong nito.

"She said na baka pwedeng palabasin mo na ang babae sa punishment room mo kung hindi itatakwil ka niya raw bilang nakakatandang kapatid at hindi siya mag-aatubiling magpakasal sa akin" agarang sagot nito habang nababagot.

"Ohh my boss may pinarusahan ka na naman" kunwaring gulat ni Andrie kahit alam niya na kahapon pa. Sa lahat ng kaibigan niya si Andrie lang ang pinaka oa kung mag-react kahit alam na nito. Samantala, si Xyriel naman ay tahimik lang at masungit kaya laging na-aaway ng kapatid na babae.

"Tskk..." Tanging sagot niya lamang sa sinabi ng kaibigan. Alam talaga ng kapatid niya kung paano siya kunin. Ang laging panakot sa kanya ng babaeng kapatid at magpakasal sa kaibigan nito at ayaw niya iyon at alam niyang ayaw rin ng kaibigan niya.

"Umalis na kayo sa office ko at marami pa akong gagawin" malamig na ani nito at dumeretso sa isang cabinet.

"Awww... You are truly a ruthless boss wala ka na ngang pasalubong sa amin paalisin mo pa kami" parang nasasaktang saad ng kaibigang si Andrie.

"Parang hindi tayo nagkita kahapon ahh" malamig na sagot nito.

"Let's go Drie may gagawin pa pala ako" sabat ng isang kaibigan at itinayo na si Andrie.

"Bago ko nga pala makalimutan ang sadya ko dito, tumawag sa akin si Rafa ang sabi niya kumikilos na naman raw ang kabilang panig at kailangan nating maging handa" seryosong saad ni Andrie pero bigla ring bumalik ang dati nitong maaliwalas na mukha.

"Ohh siya aalis na kami dahil nasabi ko rin ang sadya ko" ngiting nitong dugtong at nauna ng umalis.

"Mukhang kailangan na naman nating maghanda boss" malamig na saad ni Xyriel na ikinangisi lang ng binata.

"Palagi tayong handa Xy" maiksing ani nito sa kaibigan.

Alas kwatro na ng hapon, nakaalis na rin ang dalawang kaibigan sa kanyang silid. Ilang meeting na rin ang napuntahan niya. Ngayon ay isang meeting nalang at mabilis niya iyong tinapos.

Hindi niya alam pero may kung ano sa pakiramdam siyang excited umuwi sa bahay ng magulang. Iniligpit niya na ang mga gamit at binilin na lamang sa sekretarya ang ibang mga gawain.

Pagkasakay ng kotse ay mabilis niya iyong pinaharurot pauwi ng bahay.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon