Napahinga ako ng maluwag ng makarating sa malawak na kusina. Dalawang katulong lang ang naabutan ko na nasa kusina, baka busy ang lahat sa paglilinis. Inilapag ko muna ang ba-basaging pitsel sa mesa at dumeretso sa malaking ref nila para kumuha ulit ng tubig. Naituro na rin sa akin ni Manang ang mga gagawin noong bagong dating ko palang dito kaya alam ko na rin ang gagawin. Isang linggo na rin ako dito kaya kilala ko na ang iba pang katulong.
"Hayy nakuu, mukhang magiging busy na naman tayong lahat lalo pa't umuwi na ang mga anak nila Madam" rinig kong kuwentuhan ng dalawa kong kasamahan na naghuhugas ng mga ginamit sa pagluluto kanina.
"Oo nga, wala na naman tayong pahinga pero ayos lang gwapo naman ang mga anak nila Don at Donya kaya sulit ang pag seserve natin sa kanila" may halong kilig na usal ng kasama. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nila at inilabas ang malamig na tubig.
Halos mapatalon ako sa gulat ng pagharap ko ay isang matipunong katawan ang nabangga ko. Kaya ang nangyari ay nabuhos ang dala kong tubig sa aming mga damit.
"S-sir M-Mattheo k-kayo po pala" rinig kong ani ng kasamahan kong nagkukuwentuhan kanina. Napatingin naman ako sa mga mata niya, nakatitig ito ng matalim sa akin pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa damit niyang puting polo na basa na ngayon dahil sa kagagawan ko.
"P-pasenya na po ulit, hindi ko po sinasadya hindi ko naman alam na nandyan kayo sa l-likod ko" hinging paumanhin ko na nakayuko.
"Lalabhan ko na lamang po ang damit niyo" dugtong ko pa habang hawak hawak ang maliit na pitsel na may laman pang kaunting tubig.
"Tskk stupid how irresponsible you are? I was here talking to your back to give me at least wine" madiin at malakas na ani nito sa akin kahit di ko naman naintindihan. Sana hindi marinig ang sigaw niya.
"S-sorry po" ani ko at napatingin sa mga kasamahan ko na ngayo'y para ng maiihi sa puwesto nila. Halos maiyak na ako sa kalagayan ko ngayon at gusto ko ng umalis sa pwesto ko
"Na-ah I will give you a punishment later, so be ready" malamig na ani nito at nakipag titigan sa akin ang mga asul niyang mga mata na siyang dahilan para manginig ang tuhod at mahulog ang ba-basaging maliit ng pitsel at mabasag sa harapan naming dalawa.
Napatingin kaming dalawa sa nabasag, pagkatapos ay tumingin siya sa aking may ngisi sa labi.
"Scared hah?" Hindi ko naintindihan ang winika niya dahil hindi naman talaga ako magaling sa mga English na salita. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa harapan ko.
Napaupo naman ako sa kaba, buti nalang dinaluhan ako ka agad ng dalawa kong kasama at itinayo.
"Syntha, ayos ka lang ba? Namumutla ka" tanong ni Soria sa akin at pinaupo ako sa malapit na upuan.
"Ako ng lilinis nitong nabasag, baka makita pa nila manang at mapagalitan tayo" si Jane.
"Oh uminom ka muna ng tubig, namumutla ka na" sabay bigay sa akin ng tubig ni Soria na siyang ininom ko naman. Pagkatapos kong uminom ay napahawak ako sa dibdib ko na sumisikip. Ganito talaga ako kapag nakakaramdam ng takot. Sabi nila Inay na may sakit ako sa puso kaya nga halos hindi nila ako pagtrabahuhin at hindi rin nila ako sinisigawan at sinasaktan masyadong madamdamin ang puso ko. Pero ito ako ngayon nagtatrabaho dahil kailangan.
"Sana hindi narinig ni Sir Mattheo ang sinabi natin kanina" kinakabahang usal ni Jane, katatapos niya lang linisan ang nabasag na pitsel.
"Hayy oo nga, kasalanan mo iyan kung ano ano kasi ang kinukuwento mo ayan tuloy hindi natin namalayan na nandito pala siya" sermon sa kanya ni Soria. Inismidan lamang siya ng babae at lumapit sa akin.
"Ayos ka na ba? Lagot tayo nito Syntha kailangan mong tanggapin ang parusang ibibigay nya sayo mamaya" malungkot na ani nito. Napatigil naman ako, anong klaseng parusa? Rerape-in ba ako? Lalatiguhin? O baka papatayin nila ako? Mga tanong sa isipan ko. Pero ayaw ko pang mamatay, kailangan ko pang ipagamot si Itay.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...