"Oh siya huwag na kayong magsitayo lang riyan, tulungan niyo ako sa pag-asikaso sa kanila" Ani ni Manang Fe na siyang sinunod naman namin. Ang iba naming kasamahan ay kinuha ang mga gamit ng mga Don at Donya maging ang gamit ng mga anak nito para idala sa kanilang silid. Samantalang ako ay isinama nila ate Mikay at Raya sa kusina.
"Oh ito Syntha dalhin mo roon sa hapag kainan, ingatan mong huwag kang papalpak" matapang na utos sa akin ni Regine at binigay ang ba-basaging pitsel na may lamang tubig. Kahit na kinakabahan ay sinusunod ko na lamang ang utos kesa pagalitan pa ako mamaya.
"Ohh Syntha bakit ikaw ang may hawak niyan?" Bungad na tanong sa akin ni Manang Fe ng masalubong ko ito sa bandana ng pintuan ng kusina.
"Po?" Sagot ko.
"Si Regine ang pinapadala ko sa hapag kainan niyan, pero sige na ikaw na ang magdala baka nauuhaw na sila, ingatan mong huwag magkamali" Wika nito at pumasok na kusina. Napabuntong hininga naman ako at dumeretso na sa hapag kainan.
Pagkarating ko sa kinaroroonan ng mga Don at Donya ay busy ang lahat sa pagkain, pero maya't maya ay nagkukuwentuhan din sila. Pero naagaw ng atensyon ko ang gwapong lalaking may asul na mata na nasa dulo ng mesa habang seryoso at tahimik na kumakain.
"Syn"
"Hah?" Nagtatakang tanong ko sa tumawag sa pangalan ko, si Ate Mikay lang pala. Lima silang nakapila sa gilid.
"Yung tubig lagyan mo yung mga baso nila" mahinang ani nito at tinuro ang mga baso. Tumango naman ako at pumunta na sa mesa.
"A-ahmm e-excuse po" napatingin naman sa akin lahat ng kumakain, napayuko naman ako dahil sa hiya.
"Yes, ijia?" Malambing na tanong ng matandang babae. Ang Donya, medyo matanda na ito pero mahahalataang maganda ito at may lahing Spanish.
"P-po, a-ahh l-lalagyan ko po ng b-baso yung tubig niyo" Utal-utal na sagot ko dito. Halos magulat ako ng tumawa ito maging ang asawa nitong lalaki, nagtataka naman akong tumingin sa iba pa na nasa hapag kainan maski kina ate Mikay na pinipigilang tumawa pero maliban sa lalaking may asul na mata na malamig lamang na nakatingin sa akin at bumalik sa pagkain.
"Naku ijia, mukhang baguhan ka palang kaya ka marahil kinabahan at nagkabaliktad na ang sinabi mo" May tawang wika ng Don sa akin.
Halos lumaki ang mata ko dahil ngayon ko lang din nakuha ang ibig-sabihin nito. Nakakahiya, lahat sila nakatingin sa akin. Napakagat na lamang ako sa labi at nahihiyang itinuloy ang pagsasalin ng tubig sa mga baso nila.
"Ahmm pasensya na po talaga" Hinging paumanhin ko pagkatapos kong lagyan ng tubig ang baso ng Don at Donya.
"Ayos lang ijia, nakakatuwa ka nga eh, Oh siya lagyan mo na ang mga baso nila" sagot sa akin ng Donya.
Ginawa ko naman ang inuutos sa akin. Halos pigil hininga ako habang naglalagay ng tubig sa mga baso ng mga anak nila. Napasinghot pa ako dahil sa pabango na ginamit nila, sigurado akong mamahalin ang mga gamit nila. Samantalang sa akin, wala nga akong gamit natural lang ang amoy ko.
"Thank you po ate" Ngiting ani sa akin ng magandang babae sa akin. Ito ang babaeng anak ng Don at Donya, mukhang bata pa ito at natitiyak kong mas matanda ako ng dalawa o isang taon dito. Nginitian ko na lamang ito.
Kung kanina kinakabahan ako ngayon naman ay doble pa ang kabang naramdaman ko ng makalapit sa pwesto ng lalaking may asul na mata, nanginginig na sinalinan ko ng tubig ang baso nito.
"F*ck.. Sh*t"Malamig na ani nito sa akin.
"H-halaaa s-orry p-po Sir, hindi ko po sinasadya" mahinang sagot ko dito. Naramihan kasi ang buhos ng tubig kaya umawas at nabasa ang damit at pants niya. Buti nalang busy sa pagkain ang lahat.
Kinuha ko ang panyo na nasa aking bulsa para ipamunas sa nabasa. Kahit nanginginig na sa takot ay walang ano-anong pinunasan ko ang damit at pants na ikinagulat niya at tumingin sa akin na madilim ang mata.
"S-stop, I can handle this" napalunok ito at nag-iwas ng tingin sa akin. Napakagat naman ako sa labi at binitawan ang panyo. Kinuha ko na ang Pitsel at bumalik sa kusina.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...