CHAPTER 57

4K 51 4
                                    

Pagkapasok ko sa guest room kung saan pinatulog ni Mayumi ang anak ko ay halos mawalan ako ng ulirat ng makitang wala ito sa kama, kumot na lamang ang naroon.

Dali dali ko siyang hinanap at baka nahulog na pero ng tingnan ko ay wala siya.

"Anak, saan ka ba pumunta?" Usal ko sa sarili pagkatapos ay nahagilap ng aking mata ang bukas na cr, nakasindi rin ang ilaw nun.

Naglakad ako palapit doon na baka nandoon ang anak ko pero pagbukas ko ay walang katao tao. Gusto ko ng maiyak, napaka-iresponsable kong nanay! Ni-lock ko ang kwarto para puntahan ang iba pang guest room na nasa taas pero hindi ko siya nakita.

"Nasaan ka na ba?" Naglakad lakad ako at palinga linga sa bawat sulok na makikita ko.

Kinuha ko ang cellphone na nasa aking bulsa at tawagan sana si Mayumi na nasa labas, pero hindi ko pa man napindot ang call ay may narinig na akong boses ng bata, humagikgik iyon. Napatingin ako sa katapat kong pinto na nasa kanang gilid. Napalunok ako, nasa pinto na pala ako ng kwarto ng anak ko. Tama, may sariling kwarto ang anak ko pero minsan tinatabi ko siya sa akin kaya hindi niya masyadong nagagamit ang kwarto niya, siguro kapag 4 or 5 years old nalang siya saka ko ipapagamit.

Ilang sandali ko pang tinitigan ang pinto ng marinig muli ang hagikgik ng bata na tiyak kong anak ko. Sobrang bilis na ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. Sinong kasama ng anak ko? Ayaw ko na sanang kunin ang anak ko pero baka mapano pa.

"Who's that?" Napantig ang tainga ko dahil sa boses ng sumagot nang kumatok ako sa pinto.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa doon ang taong matagal ko ng hinihintay habang buhat-buhat ang anak ko. Napahinga ako ng malalim bago sunod sunod na lumunok dahil sa kaba lalo na't nasa harapan ko na siya at nakakunot ang nuo.

"Mwama pwapa" nabaling ang paningin naming dalawa sa anak kong nagpapalakpak pero sa ibang direksiyon ang tingin.

"What are you doing here?" Malamig niyang tanong sa akin dahilan para sa kanya ko naman ibaling ang tingin ko. Napakagat ako sa labi ng makitang titig na titig siya sa akin.

"A-ang anak ko, k-kukunin k-ko na a-ang anak ko" kanda utal-utal kong sagot sa kanya dahilan para mas lalong kumunot ang nuo niya. Ilang segundo rin ang katahimikan na namalagi sa aming tatlo.

"A-ayan anak ko iyan" mahina kong turan sa kanya at tinuro pa ang batang karga niya, tiningnan niya ang anak ko na nilalaro ang kamay pagkatapos ay bumalik sa aking muli ang seryosong titig.

"Are you sure this is your son? Hindi mo kamukha" Napakunot ako ng nuo dahil sa tanong niya. Hindi ba siya sigurado na anak ko yan?

"Bakit? Akala mo ba hindi ko yan anak? Hindi ko lang kamukha pero ako ang nagluwal dyan" sagot ko sa kanya at inirapan siya. Palibhasa sa kanya nakuha ng anak ang mukha at ugali.

Hindi siya tumugon sa sagot ko at nagkibit balikat lang, binalingan ang anak ko at parang walang balak na ibigay sa akin dahil mas hinigpitan niya ang pagkarga doon.

"Wala ka bang balak na ibigay sa akin ang anak ko" suplada kong saad sa kanya.

"No! I'm not sure that you are the mother of this child, mas mukhang magkamukha pa nga kaming dalawa, Mayumi gave this baby to me and she said that I will take care of it because the mother of this birthday boy is busy" naiinis ko siyang tinitigan ng sabihin niya iyon. Kinurot niya pa ang pisngi at ilong ng anak namin na halatang pinanggigigilan.

"Malamang na busy ang nanay nyan dahil sa pag-aasikaso sa mga bisita sa kaarawan niya at ako iyon" sagot ko sa kanya.

"Eh ikaw nga walang ginawa at tinulong sa kaarawan ng anak mo, hindi mo na nga ako maalala, nagdala ka pa talaga ng babae mo dito" dugtong ko pa sa mahinang boses.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon