Puno ng galit ang dibdib niya, galit siya sa lalaki, galit siya kila Jessica at Regine. Gusto niya ng umuwi sa probinsya nila, wala na siyang pakialam kung hindi na siya makapagtrabaho pa.
"Manang Fe nasaan po si Donya Erina?" Tanong niya sa Matanda ng makarating sa kusina. Gulat naman ang matanda pagkakita sa kanya.
"Syntha bakit bumangon ka na agad, baka magkasakit ka lalo, magpahinga ka na muna" nag-aalalang saad at utos sa kanya ng matanda ng makalapit ito sa gawi niya.
"G-gusto ko na pong umuwi sa amin, kakausapin ko po si ma'am Erina at kukunin ko na rin ang sahod ko sa kanya" madiing sigaw niya dahilan para mapatahimik ang matanda at titigan siya nito sa mga mata.
"Syntha huminahon ka maupo ka nga muna, Raya kumuha ka ng tubig para kay Syntha" ani ng matanda at iginaya siya sa isang upuan na naroon malapit sa kanila. Inabutan din siya ng tubig ni Raya, ininom niya naman iyon dahil na rin sa uhaw.
"Manang gusto ko na pong umuwi sa amin ayaw ko na po dito" iyak niyang ani pagkatapos inumin ang tubig. Awa naman ang makikita sa matanda at kay Raya na nandoon.
"Oh siya kung ayan ang gusto mo, hintayin mo na lang muna sila Donya Erina wala pa sila dito kaka-alis lang nila papunta sa trabaho" saad ng matanda na at hinaplos ang buhok niya.
"Okay lang ba muna na hintayin mo sila?" Tanong sa kanya ni Raya, napatango naman siya. Kailangan niya iyong hintayin at kunin ang sahod isa pa na nakakahiya naman kung bigla na lang siyang aalis sa mansyon ng walang magandang paalam sa mag-asawa na tinatanggap siya sa pamamahay na iyon.
"Pumunta ka na muna sa silid mo, tatawagin na lang kita mamaya kapag nakauwi na sila Don at Donya" utos sa kanya ng Matanda at tumango naman siya dito.
"Raya samahan mo na muna siya doon at tulungan sa pag-empake ng mga gamit niya" saad ng matanda kay Raya.
Sinamahan siya ni Raya sa kwarto nila. Hindi niya na rin nakita si Mayumi, pero tiyak niyang hinahanap na siya ngayon ng babae pero wala siyang ganang makipag-usap dito.
Pagkarating nila sa silid ay umupo siya ka agad sa kanyang kama na maliit.
"A-ate Raya mas masakit pala sa dibdib kapag yung taong mahal mo na ang nanakit sayo!" Ani niya sa babae, ramdam niya na rin ang luha na dumadaloy sa kanyang mukha pero agad niya rin iyong pinunasan.
"Mahal mo na ba talaga Syntha?" Tanong sa kanya ni Raya at nilapitan siya, tumingin siya ditong umiiyak at tumango.
"Shhh tahan na, kalimutan mo nalang siya Syn natitiyak kong masasaktan ka lang" ani sa kanya ng babae at niyakap siya nito.
Ala-una na hapon at halos apat na oras na akong nandito sa loob ng kwarto namin at wala akong balak na lumabas, masakit pa rin ang ulo at katawan ko. Umalis na rin si ate Raya ng matapos niya akong tulungan sa pag-empake ng mga damit ko pero bumalik din siya ng may dalang pagkain pagkatapos kung kumain ay bumalik na rin siya sa labas.
Buo na ang desisyon kong uuwi sa amin, aalis na ako dito ayaw ko ng saktan ng gag*ng lalaking yun. Wala rin siyang karapatan na idamay at pagbintangan si Itay na pinatay ang lolo niya. Wala pa sila Donya at Don dahil hindi pa rin pumupunta si Manang Fe dito para tawagin ako.
Inayos kong muli ang mga gamit ko ng biglang may maalala.
"Nasaan na pala yung picture namin ni Inay at Itay? Sabi ko pa naman hahanapin ko iyon eh" anang wika ko sa sarili at ngumuso. Bahala na magpapa-picture nalang kami ulit nila Inay at Itay ng bago kapag nakauwi na ako sa amin.
Naisip kong lumabas na lang muna saglit para makapagpaalam ng maayos kila ate Mikay at Raya. Madali ko lang silang natagpuan dahil nasa likod bahay lang sila ay busy sa paglalaba at pagkukuwentuhan na rin.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...