Nasa garden pa rin sila Syntha at Mayumi, nag-i-sketch pa kasi si Mayumi ng mga gown habang pinapanood lamang ni Syntha ang ginagawa ng dalaga. Fashionista kasi ang babaeng amo at iyon din ang gawain sa kompanya ang gumawa at magdesenyo ng mga gown.
"Ma'am Mayumi, tanong ko lang po bakit hindi pwedeng tawagin ang kuya mo na Theo?" hindi na napigilang tanong ni Syntha sa katabi dahilan para mapatigil ito sa pagdo-drawing at iangat ang mukha.
Napabuntong hininga naman ang si Mayumi pagkatapos ay ibinaba ang lapis.
"Mahabang kuwento ate Syntha, kuya was 18 years old at that time ng mangyari ang isang bagay na nagpagulo sa sistema ng buhay niya. We have a lolo, lolo Matthew and paborito niya talagang apo si kuya Mattheo at mahal na mahal siya ni kuya kaya nga same sila ng pangalan eh, lumaki si kuya Mattheo sa puder ni lolo kaya hindi siya naging malapit kila Daddy and Mommy. But something bad happens to lolo, pinatay siya ng di kilalang tao and ang huli niyang binanggit na pangalan ay Theo, he want kuya Mattheo that day para kahit sa huling sandali makita niya man lang ang mukha ng paboritong apo but it's to late kuya was in school busy studying and that day kuya blame his self na sana sumama na lang siya kay lolo kahit hindi siya pinayagan sumama. Every time we call him by his nickname he hurts one of us, he becomes a ruthless man. Hate niya talaga ang pangalang Theo at kung sino man ang tumatawag sa kanya ng ganon ay pinaparusahan niya, naalaala niya kasi ang pagkamatay ni lolo at hindi niya man lang mahuli huli ang pumatay." Malungkot na kuwento ni Mayumi kay Syntha na tahimik lamang na nakikinig.
"P-pasenya sana hindi ko na lang pala tinanong sayo" saad ni Syntha dito nginitian lang siya ng dalaga.
"Ayos lang po ate, sana nga may taong makapagpabago kay kuya eh and I think nakita ko na kung sino" makahulugang ani niya dito napayuko naman siya sa sinabi.
Sana nga may isang taong makapagpabago kay Mattheo ani ni Syntha sa sarili at alam niyang hindi siya ang tinutukoy ni Mayumi dahil imposible.
"Tara na ate Syn baka hinahanap na tayo sa Mansyon" aya sa kanya ni Mayumi at naunang tumayo, sumunod na rin siya.
Pagkarating sa Mansyon ay dumeretso na si Syntha sa kusina para tumulong sa paghahain ng pagkain sa hapag tanghali na rin kasi, samantalang si Mayumi ay dumeretso na sa sariling kwarto para ibalik ang sketch pad pero sabi niya'y bababa rin siya para kumain.
Busy ang lahat sa pag-asikaso ng mga pagkain, nasa mahabang mesa na rin sila Don Jacob at Donya Erina at ang isang anak na lalaki, wala ang isa dahil busy sa trabaho.
Mga ilang minuto rin ay ayos na ang hapag kainin kaya nagsimula na ring kumain sila Don at Donya sakto naman ang pagbaba ni Mayumi.
"Syntha pwede bang kumuha ka ng ekstrang mangkok para kay ma'am Mayumi nakalagay iyon sa cabinet sa taas, lagyan mo na rin ng sabaw doon sa kaldero, nakalimutan ko gusto niya pala ng sabaw" utos sa akin ni Manang Fe, nakalinya silang lima nila Regine, Lydia at ang dalawa pang katulong.
Nasa ibang lugar ang katulong para ipagpatuloy ang paglilinis kahit wala namang masyadong lilinisin.
Sinunod ko naman ang utos ni Manang Fe at bumalik sa kusina. Pagkapasok ko, hinanap ko ka agad ang cabinet nasa taas iyon. Binuksan ko na iyon pero tiningala ko ang laman nasa dulo pa ang mga mangkok, kainis sino pa ba kasi ang naglagay dito sa taas nito pwede namang sa baba nalang. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko maabot, bakit kasi ang liit liit ko?
Pilit kong inaabot ang mga mangkok pero hindi talaga abot ng kamay ko.
"Kahit isa lang sana ang makuh-"
"Tskk bakit kasi hindi ka humingi ng tulong sa iba kung hindi mo kayang abutin" ani sa likod ko at hinawakan ang bewang ko para maistatwa ako sa aking pwesto at makaramdam ng kuryente para bumilis ang tibok ng aking puso, kilala ko na kung sino ito ang ilang linggo ko ng hinihintay. Nanuot sa ilong ko ang pabango niya dahil sa pag-angat ng kanyang kamay para kumuha ng mangkok.
"Here!" Malamig na ani niya sa akin para mapatingala ako sa kanya habang siya ay medyo nakayuko sa akin.
Tumama ang mga mata naming dalawa nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha."Kukunin mo ba o hindi?" Taas niyang kilay sa akin para mabalik ako sa wisyo, agad ko namang kinuha ang mangkok at dumistansya sa katawan niya.
"B-bumalik na po pala kayo sir the- M-mattheo, ahh s-salamat po sa pagkuha nito b-balik na po ako sa trabaho" putol putol na saad ko at akmang aalis na ng hinawakan niya ang braso ko para mapatingin ako dito.
"Hindi ba't lalagyan mo pa iyan ng sabaw para kay Mayumi" ani niya pero hindi nakatingin sa akin, paano niya nalaman?
"Ahh oo nga po, kaya bitawan mo na ang braso ko" sagot ko dito.
"Kung ganoon bakit palabas ka ng kusina" saad niya at nilingon ako, papatayin ba ako ng mga mata niya kung makatitig akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"S-sabi ko nga po nandoon ang sabaw" kagat labing sagot ko at kinuha ang braso sa kanya, bumalik ako sa pwesto ko kanina at tumalikod sa kanya't naglakad papunta sa mga ulam na nakalagay pa rin sa kaldero.
Nang makalapit na sa kaldero ay walang ano-anong binuksan ko ang takip na mainit pala dahilan para mahiyaw ako sa sakit dulot ng paso.
"Heyyyy are you okay? Let me see!" Nag-aalalang ani ng lalaking akala ko umalis na.
"Sa tingin mo, may ayos bang napaso?" Sarkastikong saad sa kanya habang hawak hawak ko ang kamay buti nalang daliri lang ang napaso.
"Pilosopo, Tskk hindi kasi nag-iingat" supladong saad niya at kinuha sa akin ang napasong kamay para tingnan, namumula na iyon. Sinuri niya iyon gamit ang mga mata samantalang ako ay nakatingin lang sa kanya, sana ganito nalang siya palaging kalmado.
"Let's go!" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Bakit, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya
"Gagamutin natin ang paso mo" walang emosyong saad niya. Napakunot naman ang nuo ko, kailan pa to naging mabait sa akin. Hinablot ko ang kamay na napaso na siyang ikinagulat niya.
"H-huwag na kaya ko na to, syaka baka magtaka si Manang kung ba't ang tanggal kong bumalik" ani ko at kinuhang muli ang mangkok at ibinaba sa tapat ng kaldero.
"Damn! Ba't ang tigas ng ulo mo? Hahayaan mo nalang iyang ganyan?" Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya at madilim na rin ang hilata ng hitsura niya, ano bang problema ng lalaking ito.
"Halika ka na!" Ulit niya pa, tinaasan ko lang siya ng kilay at bumalik sa ginagawa ko para kumuha ng sabaw kinuha ko na rin ang sandok, bahala ka sa buhay mo!
"Ano ba!? Nakita mo dibang may ginagawa ako!" Inis na singhal ko sa kanya na ikinagulat ng gwapo niyang mukha, kinuha niya kasi ang braso ko."I said gamutin natin yang sugat mo" naging malumanay ang sagot niya.
"Eh kung ayaw ko nga, ako na ang bahala sa paso ko wag mo na akong pakialaman pa eh diba ruthless kang tao kaya dapat hindi ka marunong maawa at isa pa bakit mo ako tutulungan kung laruan mo ako diba?" Hindi ko alam bakit ko iyon nasabi sa kanya bigla nalang lumabas sa bibig ko.
Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya at dumaan ang galit doon.
"Ahhhhhhh!" hiyaw ko ng mahigpit niyang piniga ang braso kong hawak niya pa rin parang doon niya inilalabas ang galit, nabitawan ko ang hawak na sandok at hinawakan ang kamay niyang pumipiga doon para tanggalin pero masyado siyang malakas.
Ramdam ko na ang naglalandasang mga luha sa aking mata habang siya ay galit pa rin ang mukha.
"F*ck you!" madiing saad niya sa akin pagkatapos ay binitawan ang braso ko at umalis na sa harap ko.
Napaiyak naman ako sa sakit, tiningnan ko ang braso kong piniga niya at mapula na iyon ngayon.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...