Pagkarating sa mansyon ng magulang ay ipinarada niya ang sasakyan.
Nakita niya ang ibang mga katulong na padaka-dakay sinusulyapan siya ng tingin ang iba'y kinikilig pa at nagbubulungan. Malamig niya na lamang itong tiningnan.
Pagkabukas ng malaking pinto ay bumungad sa kanya ang Inang nakataas ang kilay.
"Buti naman at naisipan mong maagang umuwi ngayon, nagawa mo pang uminom kahapon samantala hindi mo man lang naisip ang kalagayan ng dalagang kinulong mo" May galit sa tonong wika ng ginang. Nginisian niya lamang ito at nag deretso lang ng lakad.
"Mattheo! Kinakausap pa kita, hindi kita pinalaking ganyan ang manakit ng babaeng inosente" sigaw na ng ginang sa kanya. Napahinto naman siya at ikinuyom ang kamao.
"Buksan mo na ang pinto ng punishment room o ako na mismo ang gagawa" malamig na ani ng Ina sa kanya. Nilingon niya lamang iyon at umalis.
Inis naman ang naramdaman ng ginang, nang malaman kasi nito sa anak na babae na may ikinulong na naman ang anak na panganay ay hindi alam ang gagawin. Gusto niya mang tulungan ang dalaga pero hindi siya pwedeng manghimasok sa anak dahil mag-aaway na naman sila.
Pabagsak na itinapon ni Mattheo ang brief case sa kama. Tinanggal niya na ang coat at sinimulang i-unbotton ang white long sleeve. Sinunod yang tanggalin ang sapatos at maayos na inilagay sa isang lalagyan. Mabilis niya ring natanggal ang black slacks pants niya, pagkatapos ay kinuha ang tuwalya na nakasabit at dumeretso sa banyo para maligo.
Ilang minuto rin ay natapos na siya sa pagliligo, nagsuot lamang siya ng white t-shirt at pinarisan ng black short. Nagsuklay lang siya ng buhok, pagkatapos ay ginulo ulit. Kinuha niya sa mesa niya ang pabango at ini-spray sa katawan.
Nang makitang ayos na ang sarili ay kinuha niya na ang cellphone at isang maliit na susi.
Pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang dalawang kapatid, si Mayumi at Brent. Naka-cross arm ang dalaga habang nakataas ang kilay samantala ang isa ay simple lang at seryoso ang mukha.
"What do you need?" Malamig na tanong niya at isinara ang kwarto.
"Buksan mo na raw ang punishment room" bored na sagot ng kapatid na lalaki. 24 na ito samantalang ang kapatid na babae ay 21, si dawn naman ay 26 at siya ay 29. Hindi nagkakalayo ang edad nilang apat pero minsan hindi sila magkasundo.
Parang wala naman siyang narinig at naglakad lang.
Sinundan naman siya ng kapatid na babae at sinabayan sa paglalakad habang ang isa ay nakasunod lamang sa kanila."Kuya, stop being ruthless I know maraming kang karanasan but please let her go" nagmamakaawang ani ng kapatid na hindi niya man lamang pinansin.
"Kuya naman eh, What if may nangyari ng masama sa kanya? Lalo pa't hindi mo man lang siya pinakain at dalawang araw na ngayon" May pag-aalalang dugtong pa ng dalaga. Narindi naman siya sa boses ng kapatid.
"Shut up Mayumi, I don't care if something happened to her" walang pusong ani niya.
Pero ganoon na lamang ang tuwa ng babaeng kapatid ng makita kung saan papunta ang kuya. Papunta ito sa punishment room. Sumama na lang din siya at nanahimik sa tabi pero may ngiti sa labi dahil alam niyang bubuksan na ng kuya ang pinto.
"Thank you kuya!" Saad ng kapatid na babae ng makarating sa bandana ng pintuan ng punishment room.
"Tskk" inismidan ng dalaga ang kapatid na si Brent na nasa likod nila.
Binuksan naman ni Mattheo ang pinto pagkatapos ay walang takot na pumasok si Mayumi.
"K-kuya...." Kinakabahang wika ng dalaga ng makapasok sa loob.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romansa[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...