Hapon na rin ng makarating kami sa mansyon nila sir Brent, hindi na ako nagpalit ng suot kong damit dahil tutulong pa ako sa pagluluto ng pananggabihan.
Si sir Brent ay umalis din ka agad dito sa mansyon ng maihatid kami ni ate mikay dahil may importante pa siyang lalakarin. Wala rin dito ang Don at Donya maging si Ma'am Mayumi at Sir Dawn dahil may mga trabaho. Kami lang talagang mga katulong ang nandito ngayon.
Ang ibang katulong ay nagpapahinga dahil wala naman na masyadong lilinisin.
"Oyy kakauwi lang nila Donya Erina at Don Jacob galing sa trabaho" saad ni ate Raya ng makalapit na puwesto ko nahihiwa kasi ako ng sibuyas at bawang para sa lulutuing ulam na adobo.
"Ganon ba, eh si ma'am Mayumi kasama ba nila?" tanong ko sa kanya habang naghihiwa ng sibuyas. Gusto ko sanang tanungin kong nakauwi na rin si sir Mattheo pero baka magtaka siya bigla.
"Hmm wala pa baka mamaya pa iyon darating, oh siya bilisan mo sa paghiwa niyan ako na ang magluluto ng adobo para makapagpahinga ka muna" malumanay na ani niya sa akin at kinuha ang karneng manok para hugasan.
Natapos ko na ang paghihiwa ng sibuyas at iniwan ko na rin siya sa kusina. Dumeretso ako sa sala at pumunta sa bandana ng pintuan, nagpalinga-linga baka sakaling makita ko si Mattheong pauwi. Pero ilang minuto na akong naghihintay dito wala pa ring kotseng pumapasok sa malaking gate, bigla akong nawalan ng pag-asa sa iisiping hindi niya tutuparin ang sinabi niya.
"Ano ka ba Syntha, bakit niya naman tutuparin ang sinabi niya sayo kanina, ano ka ba niya? Saka baka busy pa siya sa trabaho" saad ko sa aking sarili, sinabunutan ko pa ang aking buhok dahil kung ano-ano ang gumugulo sa aking isipan.
"Hay, baka bukas pa siya uuwi!" Kumbinsi ko sa aking sarili at bumuntong hininga.
"Ijia, bakit ka nag-iisa riyan, may hinihintay ka ba?" Napalingon ako sa nagsalita, si Ma'am Erina nagtataka ang mukha nito sa akin.
"A-ahm wala po ma'am hinihintay ko lang si ma'am Mayumi na umuwi" palusot ko kahit na ang totoo ang panganay niyang anak ang hinihintay ko.
"Ganon ba, naku tumawag siya sa akin kani-kanina lang na hindi siya makakauwi ngayon nasa bahay siya ng isa niyang kaibigan, gagawa raw sila ng business proposal" mahabang lintaya niya sa akin at ngumiti.
"Halika na, kumain na kayo nila Manang Fe para makapagpahinga na kayo isa pa malamig na ang hangin" ani niya sa akin, ngumiti naman ako at sumunod.
Gaya nga ng sinabi ni ma'am Erina ay kumain na kaming lahat na mga katulong. Susunod nalang raw sila Ma'am Erina at Don Jacob.
"Manang Fe, baka pwedeng pagbawalan mo munang pumunta sa labas ang iba dyan hindi na kasi minsan nakakatulong dito sa gawaing bahay" naagaw ng atensyon naming lahat ang winika ni Regine, parang na pantig naman ang tainga ko sa sinabi niya.
"Oo nga Manang, kami na lang ang gumagawa ng dapat na sa kanilang trabaho" sang-ayon ni Lydia sa winika ni Regine. Tahimik naman ang matanda at mukhang nag-iisip ng isasagot.
Tahimik lang akong nakayuko habang kumakain at hindi na pinansin ang sinabi ng mga babae, alam ko naman na ako iyong pinaparinggan nila, pero ilang sandali pa ay nakarinig ng kalansing ng kutsara.
"Pinaparinggan mo ba kaming dalawa ni Syntha?" Napa-angat ako ng tingin at tiningnan ang katabi kong nakataas ang kilay at seryosong nakatitig kila Regine.
"Bakit natamaan ka ba Mikay?" Malditang tanong ni Regine saka inirapan si ate Mikay na katabi ko lang.
"Oo, magre-react ba ako kung hindi b*bo! Paki mo ba Regine kung pumupunta kami ng labas ang mga amo naman natin ang nagpapasama sa amin" tumaas na ang boses ni ate Mikay, hinawakan ko naman ang braso niya dahilan para tingnan niya ako. Inilingan ko siya na huwag niya ng patulan pero parang hindi niya ata naintindihan.
"Malamang may pake talaga ako, ano kayo lang ang nagpapakasaya sa labas samantalang kami dito magkandaugaga na sa trabahong iniwan niyo" malakas na singhal ni Regine sa amin.
"H-hindi kaya naiinggit ka lang Regine kasi kami isinasama nila Sir Brent sa labas" hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi sa kanya na ikinabigla niya at ikinasinghap ng mga kasama namin.
"Ako maiinggit? bakit naman ako maiinggit sayo hah? Eh mukhang inaakit mo lang naman sila para mapalapit sila sayo lalo na si sir Mattheo baka nga sinadya mo talagang buhusan ng tubig ang damit ni sir Mattheo noon para mapansin ka niya, malandi!" Sigaw sa akin ni Regine at tumayo sa pagkakaupo, napakuyom ako ng kamao lalo na sa huli niyang sinabi. Ako? Malandi?
"Ang kapal mo namang sabihan ang kaibigan naming malandi baka ikaw ang malandi Regine?" Singhal ni ate Raya tumayo na rin siya, nakisali na ito sa usapan namin.
"Aba aba sumasali kana sa usapan namin ah papansin! Totoo naman ang sinasabi ko na malandi iyang kaibigan niyo, ano Syntha sarap na sarap ka ba nung hinalikan ka ni sir Mattheo?" Nagulat ako sa huling tanong ni Regine sa akin, malakas pa ang pagkakasabi niya na tiyak kong narinig ng lahat.
"Syn!" Mahinang ani ni ate
"N-nakita mo?" timang kong tanong sa kanya, ngumisi naman siya sakin."Oo, may kati ka rin palang tinatago Syntha akala ko anghel ka!" sarkastikong ani niya sa'kin, ramdam kong ano mang oras ay tutulo na ang luha ko pero pinipigilan ko lang.
"Tama na Regine! Nasa harap kayo ng hapag kainan, ganyan ba ang tinuro sa inyo ng mga magulang niyo ang magbangayan sa oras ng pagkain?" Galit na ani ni Manang Fe dahilan para matahimik kaming lahat. Napayuko na ako, ano ang ihaharap ko sa ibang katulong baka isipin nilang malandi talaga ako kahit hindi naman totoo.
"Tapusin niyo ang pagkain niyo pagkatapos ay matulog na. Subukan niyong magbangayang muli kung ayaw niyong mapaaga ang alis niyo dito!" Dugtong pa ni Manang pagkatapos ay umalis sa aming harapang lahat. Tahimik naman kaming bumalik sa pagkain pero nandoon pa rin ang tensyon sa bawat isa.
Tapos na kaming kumain lahat at kami nila ate Raya ang pinaghugas ng pinagkainan.
"Syn, hindi naman siguro totoo ang sinabi ni Regine hindi ba?" Napatigil ako sa pagpupunas ng plato dahil sa tanong ni ate Raya, ayaw kong magsinungaling sa kanila kaya sasabihin ko ang totoo.
"T-totoo pa ang sinabi niya h-hinalikan po ako ni sir Mattheo pero h-hindi po ako m-malanding babae" lumaki ang bilog ng mata dahil sa hindi inaaasahang sagot ko.
"Omgggg totoo!? As in totoo?"
"Shalaa grabi ang karisma ni Syntha!"
Mukhang ako ang nagulat sa inusal nilang dalawa. Napakunot na rin ako ng nuo dahil sa reaksiyon nila.
"B-bakit ganyan ang reaksyon niyo? Hindi ba dapat magalit kayo o magtampo?" Naguguluhang tanong ko sa kanila, sinundot naman ni ate Mikay ang tagiliran ko.
"Bakit naman kami magagalit sayo aber?" Nakataas na kilay ni ate Raya sa akin, napanguso naman ako.
"Naku bagay nga kayo ni sir Mattheo eh, isipin mo nagsimula ang lahat sa punishment room tapos isang araw nagising siyang gusto ka niya pala" kinikilig na ani ni ate Mikay kahit may sabon pa ang kamay.
"Omgggg!! siguro may something na kayo ni sir Mattheo dahil nakita namin kayong magkasama sa mall kanina omygoshhh" mas lalo pang kinilig si ate mikay sa sinabi niya samantalang si ate Raya ay malawak ang ngiti.
"H-hindi iyon ganon nagkit-
"Huwag ka ng magpaliwanag naiintindihan namin Syntha, basta kapag kayo na sabihan mo kami!" Ngiting saad ni ate Raya at nagpatuloy sa ginagawa niya.
"Hindi nga ganon yun!? Walang namamagitan sa aming dalawa!" Depensa ko pa pero tinawanan lang ako ng loko.
"Asuss syempre ngayon wala pero ilang araw meron na yan" saad ni ate mikay habang nagsasabon.
Napakamot naman ako ng ulo at napanguso dahil sa dalawa kong kaibigan. Masuwerte pa rin pala ako dahil nagkaroon ako ng ganito kabait at maiintindihing mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...