CHAPTER 15

6.4K 78 0
                                    

11:35 am na ng itanong ko ang oras kay Ma'am Mayumi, Ilang oras din ang ginugol namin dito sa pamimili. Marami ring binili si ma'am Mayumi at ang iba ay para sa akin. Nahihiya na nga akong tanggapin pero ayaw ko namang magalit siya sa akin. Nasa sasakyan na ang pinamili namin dahil si Manong Jun na ang kumuha at nagdala sa sasakyan at palabas na rin kami, hindi ko nga alam kung ilang pera ang nagastos ni Yumi sa pinamili, pero bahala na muna kung magkano ang lahat.

Paalis na kami sa mall ng mapansin kong may apat na lalaking nagmamasid sa aming dalawa ni Ma'am Mayumi. Nakasuot silang lahat ng itim na mga damit at magkakasama. Mukhang hindi iyon napapansin ni Yumi dahil busy siya sa kakalikot ng selpon niya. Sino kaya sila? At kung makatingin sa amin ay parang may balak na masama. Napakagat ako ng labi ng nagsikilos silang lahat at parang papunta sa direksyon namin ni Yumi, nagbubulungan at mukhang may pinaplano base sa kilos nila. Hindi kaya! Mga magnanakaw sila!?

"M-maam Mayumi!" Tawag ko sa kanya habang nakatingin sa mga lalaking papalapit na sa amin.

"Yes ate Syn, bakit?" Mahinhin na sagot niya sa akin, napatingin ako sa kanya na busy pa rin sa kakadutdot sa selpon niya. Dali dali akong lumapit sa tabi niya at hinila ang kanyang braso dahilan para magulat siya.

"Heyy what's wrong ate? Ba't nagmamadali ka?" Nagtatakang tanong niya sa akin habang nakakunot ang nuo ng lingunin ko at sinulyapan ang apat na lalaki na sumusunod pa rin sa amin pero ngayon ay dalawa nalang ang nakikita ko mukhang nasa ibang lugar pumunta na dalawa.

"M-may mga nakasuot na itim na mga lalaki ang sumusunod sa atin" kinakabahang saad ko na nagpalaki sa kanyang mga mata.

"Huwag kang magpapahalata na napapansin mo sila, bilisan mo ang lakad kutob kong may balak silang masama" utos ko ng akmang lilingonin niya sana ang nasa likuran. Pero bigo pa rin ako sa pag-utos sa kanya dahil nilingon niya ito. Nagulat ako ng tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"S*hit, bilisan mo ang paglalakad ate Syn ng makarating tayo sa sasakyan" nagulat ako ng biglang nagseryoso ang kanyang mukha at malalaking hakbang ang ginawa niya na ginaya ko rin. Mabibilis ang lakad namin at malapit na kami sa pinto ng mall ng sabay naming lingunin ang sumusunod sa amin. Kung kanina ay dalawa ang nakita ko ngayon ay apat na sila at tumatakbo na rin.

"Takbo ate Syn!" Sigaw sa akin ni Yumi ng makalabas sa mall, natataranta naman ako dahil sa takot. Tumakbo na si Ma'am Mayumi kaya tumakbo na rin ako papunta kung saan nakalagay ang sasakyan.

"Habulin niyo sila! Huwag niyong hayaang makatakas" sigaw ng isa sa mga humahabol sa aming dalawa.

Napapatingin na rin sa amin ang ibang mga taong nasa labas ng mall at nagtataka. Kahit hirap na akong huminga ay binilisan ko ang takbo para makapunta lamang sa sasakyan kong nasaan naghihintay si Manong Jun. Hinahabol pa rin kami, muntik pa akong madapa sa pagtakbo buti nalang na balanse ko pa ang katawan.

Hingal na hingal kaming dalawa ni Mayumi ng makapasok sa kotse na ikinataka ni Manong Jun. Napahawak naman ako sa dibdib ko at kinuha ang inhaler na nasa bulsa ng suot kong damit at sininghot iyon. Buti nalang natakasan namin sila, kung natakasan nga ba namin?

"Anong nangyari-"

"Manong Jun h-hurry and drive, sa mansyon po tayo dumeretso" hinihingal pero seryosong utos ni Ma'am Mayumi kay Manong Jun.

"Hindi na po ba tayo pupunta sa kompanya ninyo?" Nagtatakang tanong ng matanda sa dalaga at ibinaling ang paningin kay Syntha na sumisinghot ng inhaler at tagaktak na ang pawis sa nuo.

"H-hindi na Manong, may kailangan akong makausap sa bahay. Dali na Manong Jun baka masundan pa nila tayo" parang nakuha naman ng matanda ang ibig-sabihin ng dalaga at inistart ng paandarin ang sasakyan. Sumilip pa si Mayumi sa bintana at nakitang palinga-linga ang apat na lalaki sa paligid. Inayos niya ang sarili at tumingin sa katabi.

"Ate ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sa dalaga, tango lamang ang naging tugon nito sa kanya.

Nang makahinga na ng maluwag si Syntha ay itinago nyang muli ang inhaler. Pagkatapos ay pinunasan ng palad ang kanyang pawis sa nuo at bumaling ng tingin sa katabi.

"S-sino kaya ang mga humahabol sa atin? Hindi kaya mga magnanakaw sila pero posible dahil maganda ang suot nila" kuryusidad kong tanong kay Ma'am Mayumi na busy rin sa pagpupunas ng pawis sa mukha. Napatigil naman siya sa ginagawa at ibinaba ang towel.

"H-hindi ko p-po alam ate baka isa sa mga k-kalaban ni Daddy sa company" sagot nito sa akin ng hindi tumitingin. Napakunot naman ako ng nuo at parang hindi sigurado sa aking natanggap na sagot galing sa kanya.

Paalis na sila ng makarinig ng putok ng baril sila Syntha dahilan para mapasigaw siya at nakatakip sa tainga. Nang silipin nila ang bintana nakita nila ang mga lalaking may dala-dala ng baril, nagkakagulo na rin ang mga tao sa labas.

"Sh*t Manong Jun hurry up!" Sigaw ni Mayumi sa Matanda ng makitang papunta na sa kanila ang mga kalalakihan, mabilis namang ginawa ng matanda.

Napahawak sa dibdib si Syntha ng muling may pumutok na baril habang si Mayumi ay Seryoso ang mukha at hindi man lang nababakasan ng takot.

"Mukhang sinusundan nila tayo" nasa highway na sila ng mapansin ng matanda ang mga itim na sasakyan sa side mirror. Napapakagat naman sa labi si Syntha dahil sa takot. Mabilis na rin ang takbo ng kanilang sasakyan at parang lilipad na.

Nilingon ko ang likod ng kotse, mukhang wala na sila ang bilis ba naman ng takbo ng sasakyan at parang lilipad na. Buong byahe ay tahimik lamang ang loob ng sasakyan. Buti na lang hindi na kami nasundan pa ng mga lalaking iyon at walang napahamak o nabaril sa amin na siyang ipinagpapasalamat ko sa Diyos

Hindi ko alam ang gagawin sa oras na may mangyaring masama kay Ma'am Mayumi, baka mapaalis ako sa trabaho at sayang ang 50,000 na sahod ko, ani ko sa isip ko at tumingin sa labas ng bintana.

Mga ilang minuto rin nakarating na kami sa mansyon. Pagkaparada ng kotse ay nagulat pa ako ng mabilis na lumabas si Ma'am Mayumi sa sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa Mansyon, siguro'y magsusumbong siya sa kanyang Ama sa nangyari kanina.

Mukhang nakalimutan niya yatang kasama niya ako sa loob. Dahil nauna na siya ay bumaba akong nanginginig ang buong katawan at tinulungan si Manong Jun na ilabas at buhatin ang mga pinamili namin.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon