Totoo pala talaga ang sabi nila na kapag nagmahal ka huwag mong ibigay ang lahat ng meron ka, magtira ka rin para sa sarili mo dahil sa huli ikaw ang talo kapag nagkaroon ng problema ang relasyon niyo.
Umiiyak na inaayos ni Syntha ang mga gamit niya. Ngayon niya na naisipang umuwi sa kanila. Bahala na kung wala siyang masakyan ang gusto niya lang ay makauwi at makita ang mga magulang. Naisip niya palang na wala ng buhay ang ama ay halos madurog na ang puso niya, ano pa kaya kung makita niya na iyon baka hindi na kayanin ng kanyang puso.
Nang maayos ang magamit ay madali siyang lumabas ng silid nila. Nagulat pa siya ng madatnan sa pintuan si Mayumi na mukhang hinihintay siya. Nahagilap ng mata niya ang isang bagahe na dala ng dalaga.
Tiningnan niya ang mukha ng babae, may mga luha iyon sa mata. Umiwas iyon sa kanya ng tingin, alam niya ng sasama iyon sa kanya.
"Hindi ka sasama Mayumi, dito ka lang!" Madiin niyang saad sa babae, may galit siyang naramdaman dito. Naglakad siya at nilampasan ang babae
"S-sasama ako sayo ate, ayaw ko na dito!" sumunod sa kanya ang babae habang umiiyak. Nilingon niya iyon habang may mga luha rin ang mata.
"B-bakit? A-anong dahilan mo para s-sumama sa akin? D-dahil sa lintik na m-magandang tanawin na meron kami?" Galit na tanong ni Syntha sa babae. Umiyak iyon at umiling sa kanya.
"H-hindi iyon, g-gusto ko ng lumayo dito k-kung saan m-magiging payapa ang buhay ko! G-gusto kitang damayan d-dahil hindi ako tulad nila" mas lalong napaiyak si Syntha dahil sa narinig mula sa babae.
Wala na siyang nagawa at isinama niya na iyon sa kanyang pag-uwi. Ang sasakyan na rin ni Mayumi ang ginamit nila papunta sa airport. Gabi sila sumakay ng eroplano, hindi iyon eroplano lang kundi private airplane iyon ng Consolacion. Wala ng pakialam si Mayumi kung hanapin man siya ng magulang o ng mga kapatid niya, gusto niyang lumayo sa kanila.
Tahimik lang na humihikbi si Syntha habang sakay ng eroplano. Ayaw niyang makipag-usap kay Mayumi o kahit na sino. Pakiramdam niya wala na ring laman ang utak niya.
1 pm ng makarating na sila sa probinsya. Madilim pa ang paligid. Wala pa ring sasakyan sa airport ng probinsya nila Syntha. Wala silang choice kundi maghintay na mag-umaga.
"A-ate Syn, I'm sorry!" Tulala kong binalingan ng tingin si Mayumi na mahinang humihikbi sa tabi ko. Nandito kami sa waiting shed, naghihintay na mag-umaga.
Hindi ko siya sinagot, masakit ang loob ko. Hindi ko alam kong kaya ko pa bang ibuka ang mga bibig ko dahil sa bigat na nararamdaman. Ipinikit ko ang mata at isinadal ang likod at ulo sa sandigan na bakal.
Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko ayos pa ang lahat.Napamulat ako ng mata ng may mahinang tumapik sa aking balikat. Tiningnan ko iyon, si Mayumi na maga ang gilid ng mata.
Umayos ako ng upo, kinusot ko pa ang masakit kong mata. Umaga na, may mga tao na rin at sasakyan sa paligid. Ramdam ko na naman ang luha sa aking mata, hindi ito panaginip. Totoo na ito, wala na akong tatay na uuwian. Mahina akong humikbi at napahilamos ng kamay sa mukha. Naramdaman ko ang yakap ni Mayumi sa akin.
"H-halika na" mahinang usal ko sa kanya. Kahit masakit at mahirap kailangan kong tatagan ang loob ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumango.
Sa hospital kami ka agad dumeretso kung saan sila Inay dinala. Wala pa man kami nakapasok sa hospital ay tuloy tuloy na naman ang luha ko, para bang hindi na ako maubusan ng luha sa mata.
"Ijia S-syntha!" Nadatnan namin si Aling Rita at ang isa niyang anak na lalaki na nasa labas ng hospital. Halata sa mukha niya na katatapos lang iyon sa pag-iyak. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at sa balikat niya tahimik na humikbi.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...