CHAPTER 47

5K 60 1
                                    

Nagtataka at naguguluhang naiwan si Syntha sa kanyang pwesto. Pakiwari niya'y totoo ang sinabi ng babae pero may bahagi sa kanyang isipan na magtiwala sa lalaki gaya ng pinangako nito noon.

Nilingon niya ang tatlong babaeng naglalakad palayo sa kanya at ang mga taong nagsasaya. Tama bang magtiwala siya? Pakiramdam niya ang bigat bigat ng loob niya pero hindi niya malaman ang dahilan. Pilit niyang hinahanap sa kanyang isipan kong ano ang dahilan ng pagsikip ng kanyang dibdib, pero wala siyang makapa.

"S-syntha!" Napalingon siya sa tumawag ng pangalan niya. Si Mikaela iyon na may pag-aalala ang mukha at parang natatakot.

"Bakit ate Mikay? Bakit parang kinakabahan ka? May problema ba?" Nang makalapit at daluhan ito.

"M-may kailangan kang m-malaman, sa kusina tayo!" nagulat siya ng umiyak na iyon sa harapan niya.

Kinuha ng babae ang kamay niya at hinila siya sa kusina kung nasaan nadatnan niya si Raya na may hawak ng cellphone at nakalagay sa tainga. Katulad ni Mikaela may mga luha na iyon sa mata.

"S-syn" mahinang hikbi ni Raya dito. Tumingin muna siya kay Mikaela bago naglakad palapit kay Raya. Naguguluhan man sa reaksiyon ng mga kaibigan ay pinilit niyang ngumiti.

"Bakit ate Raya anong meron?" Natatawa niya pang tanong dito.

"T-tumawag yung isa sa kapitbahay niyo, siya na lang ang m-magsabi sayo" naiyak na iyon at iniabot sa kanya ang cellphone nito. Nanginginig niya iyong kinuha, naalala niya ang inay at itay niya.

"Hello" simula niya sa kabilang linya.

"S-syntha ijia, Diyos ko buti naman n-nandyan kana ako ito si Aling Rita mo. A-ang I-Inay at I-Itay mo Syntha!" Hikbing saad sa kabilang linya. Ramdam niya na ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa narinig lalo na ng binanggit nito ang magulang niya.

"A-ano pong nangyari sa kanila?" Kinakabahang tanong niya, napahawak na rin siya sa dibdib.

"P-patawad ijia, wala kaming n-nagawa para t-tulungan ang Inay at Itay mo. M-may sumugod sa bahay niyo, mga a-armadong lalaki. B-binaril nila ang I-itay mo, p-pinatay nila ang Itay mo ng walang kalaban laban. Si Inay mo t-tinamaan ng bala sa binti, Syntha umuwi ka na kailangan ka nila" humagulgol na iyon.

Tulala si Syntha dahil sa narinig, parang nabingi ang mga tainga niya, nanghina rin ang tuhod niya dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. Kusa ng tumulo ang mga luha niya, tuloy tuloy iyon. Naramdaman niya ang yakap ng dalawang kaibigan sa kanyang balikat.

"S-sino? S-sinong may gawa aling Rita? s-sino?" Iyak niyang tanong sa kabilang linya.

"B-bago m-mawalan ng malay ang Inay mo, ang sabi daw sa k-kanya ng mga armadong lalaki ay t-tauhan sila ng amo mong l-lalaki" mas lalo siyang nabingi dahil sa narinig. Isa tao lang ang pumasok sa isip niya.

Naiiba niya ang cellphone sa semento, tinatawag pa siya sa kabilang linya pero parang hindi niya na iyon naririnig. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala.

"I-Itaaayyy, Inaaayyyyyyyy" sigaw niya habang humahagulgol ng iyak.

"S-syntha shhhhhh!" Pag-aalo ng dalawang kaibigan sa kanya, pero hindi iyon sapat.

Wala na siyang makita dahil puro luha na ang mga mata niya. Sumisikip na rin ang dibdib niya dahil sa hindi makapaniwalang wala na ang ama ng ganon na lang kadali.

Biglang pumasok sa kanyang isipan ang lahat-lahat ng mga alaala niya tungkol sa sinabi ni Jessica. Si Mattheo, ito lang ang pwedeng gumawa nun sa kanya. Ngayon puno ng galit at poot ang dibdib niya sa lalaki, gusto niyang pumatay ng tao.

Tumayo siya sa pagkakaupo at pinunasan ang mga luha sa mukha.

"Syntha saan ka pupunta?" Tarantang tanong ni Raya pero hindi niya na iyon sinagot at naglakad palabas ng kusina.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon