CHAPTER 52

5K 53 0
                                    

"Gising! Babae gising!" napamulat ng mata si Syntha ng  maramdaman na may sumampal sa kanyang pisngi. Hirap na hirap siyang idilat ang mga mata dahil sa pag-iyak.

"Kumain na kayo!" Utos sa kanila ng dalawang lalaki at inilapag sa harapan nila ang tray na may lamang pagkain. Tinitigan niya lang ang pagkain, nagugutom na siya pero paano siya makakain kung nakatali ang mga kamay at paa niya.

"K-kuya baka p-pwedeng tanggalin niyo naman itong tali na nasa kamay namin!" Napabaling ako ng tingin kay Mayumi na katabi ko. Awang awa na ako sa kalagayan naming dalawa.

"Hindi pwede! Gumawa kayo ng paraan kung paano kumain" Maoturidad na utos ng isang lalaki, pagkatapos ay iniwan na sila. Napayuko si Mayumi at tahimik na humikbi.

Nasa isang na silid silang dalawa na nakatali ang buong katawan. Kanina lang ay halos mamatay silang dalawa sa latigo. May mga pasa na rin ang buo nilang katawan, sobrang sakit nun. Putok din ang labi ni Syntha na sinampal. Gabi na rin pero parang walang balak na may tumulong sa kanila.

"P-pagod na a-ako!" Mahinang kong usal sa kawalan. Napaangat ng tingin si Mayumi sa akin na may luha sa mata.

"Ang a-anak ko!" Tulala ako habang ramdam ang mga patak ng luha. Hindi ko alam kung buhay pa ba ang baby ko o kung may anak pa ba ako! Nawalan ako ng malay kanina pagkatapos nila akong hagupitin ng latigo, pagkagising ko may mga dugo na ang puting bestida ko, alam kong dinugo na rin ako.

"W-wala na a-akong baby!"

"W-wala na ring saysay ang b-buhay ko!" Durog durog na ako pero mas lalo akong nadurog ng isiping wala na akong anak.

"Sana pinatay nalang nila ako, ano bang ginawa kong kasalanan sa kanila para gawin to? Durog na durog na ako pero mas lalo nila akong dinurog at winasak, sinong bubuo sa akin?" Napasigaw na ako sa sakit at bigat ng dibdib. Gusto kong magwala, pagod na akong umiyak sa sakit, pagod na akong umasa, pagod na akong masaktan.

"A-ate Syn h-huwag kang mawalan ng pag-asa alam kong b-buhay pa ang baby mo, D-don't worry baka papunta na sila kuya Mattheo dito para iligtas tayo!" Tiningnan ko siya ng masama.

"P-paano mo nasasabi yan Mayumi? p-pag-asa? pag-asang buhay pa ang anak ko? Hindi mo ba nakita dinugo na ako!" Hindi ko mapigilang maging emosyonal.

"W-walang tutulong sa atin, k-kung papunta na ang kuya mo sana kanina pa siya nandito! Pero wala! Wala siyang balak na iligtas ka! Wala na ang anak ko pero wala pa rin siya kaya huwag ka ng umasa" Galit kong singhal sa kanya at napatingala dahil sa sunod sunod na agos ng luha. Narinig kong humihikbi na rin siya.

Baby sorry, patawarin mo si mama hindi kita naligtas sa latigo nila sa akin. Patawarin mo si mama kong hiniling ko na ipalaglag ka anak pero ngayon wala ka na sa akin, ang sakit sakit! K-kung kailan handa na akong magpaka-ina saka ka naman kinuha sa akin. A-anak susunod si mama dyan, hintayin mo ako!

Hindi man lang ginalaw ng dalawang dalaga ang pagkain. Wala na ring pumapasok sa isip ni Syntha at tulala na lang sa kawalan. Si Mayumi naman ay umiiyak pa rin. Ilang oras na pero parang walang balak na may sumagip sa buhay nila.

"K-kuya w-where are you? Bakit ang tagal mo?" Garagal na tanong ni Mayumi sa sarili. Napabaling ng tingin si Syntha sa babae. Kaunti na lang ay mawawalan na iyon ng pag-asang may magliligtas sa kanila.

Isa lang ang puno't dulo ng lahat kung bakit nasa ganoong sitwasyon silang dalawa. Si Mattheo ang may gawa ng lahat ng iyon. Poot at pagkamuhi ang nararamdaman niya tuwing naiisip ang lalaki. Kanina pa sinasabi ni Mayumi na ililigtas sila ng kuya nito pero wala pa rin ito.

Sabay kaming napa-angat ng ulo ni Mayumi ng bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok doon ang lalaking si Lance, iyon ang tawag sa kanya ni Mayumi. Bigla akong nakaramdam ng takot ng makitang may dala-dala siyang baril at ang awra ng mukha niya ay madilim at ano mang oras ay papatayin kaming dalawa.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon