CHAPTER 54

5.3K 62 1
                                    


"S-syntha are you okay?" Mahinang tanong sa akin ni Mattheo ng bumitaw kami sa pagkakayakap ni Mayumi. Nandoon pa rin sa akin ang takot at pangamba lalo na ng pinatay mismo ni Mattheo ng tatlong lalaki sa harap namin.

Nanginginig akong tumango sa kanya at pinipigilang huwag ng umiyak pero hindi ko talaga kayang pigilan ang luha ko.

"I'm sorry, h-hindi ko n-nasabi sayo ang l-lahat!" anang wika niya sa akin at malamlam na tumitig. Akmang kukunin niya ang aking kamay ng lumayo ako sa kanya dahilan para magulat siya. Takot pa rin ako kahit na iniligtas niya ang buhay ko. Takot akong baka mamaya patayin niya rin ako tulad ng ginawa niya sa tatlong lalaki.

"A-are you scared?" may panginginig na tanong niya sa akin, kita ko sa asul niyang mata ang nagdaang sakit.

"H-hayaan mo na muna si ate Syn kuya, m-marami na siyang pinagdaanan lalo pa't ngayong w-wala na ang anak niya. S-saka mo na lamang siya k-kausapin kapag maayos na ang lahat" singit ni Mayumi.

Tama, wala akong ganang makipag-usap at tumanggap ng paliwanag, gusto ko munang magpahinga baka kung hindi tuluyan na akong mabaliw.

Tumango tango siya sa narinig mula sa kapatid at naging seryoso ang mukha. Narinig ko pa siyang nagmura pero hinayaan ko na lamang.

"Tara na, ano mang oras pasasabugin na ni Rafael ang lugar na ito!" Malamig na turan ni Mattheo at paika-ikang nilagpasan ang dalawang babae.

"P-paano ang katawan nila Lance dito?" Napatigil si Mattheo sa paglalakad at madilim niyang pinukulan ng tingin ang kapatid.

"What do you want, ang dalhin pa sila sa labas para hindi masunog? Patay na sila Mayumi, ano pang gusto mong gawin? Hindi man sila mabubulok sa kulungan masusunog naman ang katawan nila!" Naiinis na singhal sa kanya ng kuya. Napalabi naman si Mayumi at tumingin sa aking may lungkot sa mga mata, pilit naman akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya.


Malapit na kaming makalabas sa abandonadong bahay,  kita na rin namin ang mga nakapalibot na itim na sasakyan. Napabuntong hininga ako, siguro pagkatapos nito magpakalayo layo na muna ako lalo na kay Mattheo. Bubuin ko na muna ang sarili kong nadurog ng maraming beses.

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Mayumi habang nasa unahan si Mattheo. Malapit na kami sa labas ng biglang may kung sino ang bumaril sa balikat ni Mattheo. Kitang kita namin iyon ni Mayumi dahil nasa hulihan kami. Napalinga kaming dalawa sa paligid pero hindi namin nakita kahit anino ng bumaril sa kanya.

"T-theo!" Napahawak siya sa balikat niya at tumingin sa paligid. Binitawan ko si Mayumi at hindi natakot na lapitan si Mattheo.

"Theo" hinawakan ko ang braso niya at tinitigan ang nabaril na balikat, maraming dugo ang umaawas doon kaya hindi ko mapigilang maiyak. Kahit na marami ang nangyari sa amin hindi ko pa rin maawa sa kalagayan niya.

"G-gamutin natin ang tamà mo, h-halika na!" naiiyak kong aya sa kanya.

"N-no, you should go now! Hahanapin ko lang ang bumaril sa akin" seryoso niyang utos sa akin pero umiling iling ako.

"M-mayumi halika tulungan mo akong alalayan ang kuya mo" agad namang lumapit si Mayumi sa pwesto naming dalawa, takot na takot ang mukha niya.

"No!" Winaksi ni Mattheo ang mga kamay namin ni Mayumi na nakahawak sa kanyang braso.

"K-kuya let's go na hayaan mo na sila!" Naiiyak na kumbinsi ni Mayumi dito.

"You two should go first, may lilinisin lang ako"

"But-"

"Huwag ng matigas ang ulo Mayumi, isama mo na si Syntha" pagalit niyang utos kaya napayuko ako. Tumalikod siya sa amin at paika-ikang bumalik. Ayaw ko siyang iwan dito! Galit ako sa kanya pero ayaw ko siyang maiwan sa lugar na ito.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon