CHAPTER 30

4.3K 51 1
                                    

Maaga nagising si Syntha ngayong araw, ayaw niya kasing makita siya ng mga kasamahan. Alam niyang simula pa kagabi ay pinag-uusapan na siya. Dumeretso siya sa likod bahay at nagsimulang walisin ang mga nahulog na dahon.

"Lord ano na kayang mangyayari sa buhay kong ito? Sana wag niyo akong iwanan hah, kayo lang talaga ang makakapitan ko lagi niyo rin po sanang gabayan sila Inay at Itay, miss na miss ko na po sila" saad niya habang nakatingala sa kalangitan. Kapag mag-isa lang talaga siya sa trabaho ay ito ang ginagawa niya ang humingi ng gabay at tulong sa Diyos.

Isang oras na rin siyang nasa likod bahay malawak na rin ang nawalisan niya. Masakit na rin sa balat ang init kaya naisipan niya na munang bumalik sa loob ng mansyon at doon maglinis.

"Hoy Syn!" Nagtaka siya sa paraan ng pagtawag sa kanya ni Mikay, nakasalubong niya kasi ito at mukhang kinikilig.

"Kanina pa kita hinahanap, pinapatawag ka ng babylove mo sa taas" kinikilig na ani ng kaibigan dahilan para magulat siya.

Pinapatawag siya ni Mattheo? Bakit kaya!?,' tanong niya sa sarili.

"Akin na iyang walis na hawak mo, pumunta kana doon mamaya pagalitan ka pa pinapatimpla ka ng kape" dugtong pa ng babae.

"B-baka pwedeng ikaw nalang ang magtimpla ng kape niya at magdala na rin" hinging pabor ni Syntha sa kaibigan na sinimangutan naman siya.

"Galing na ako doon, nakatimpla na rin ako ng kape pero pinabalik niya rin gusto atang ikaw ang magdala at magtimpla para sa kanya hayy ang arte niya talaga" nakasimangot na wika ni Mikay, wala naman siyang nagawa kundi pumunta sa kusina at pagtimplahan ng kape ang lalaki.

"Kainis ano bang trip ng lalaking iyon, pwede naman siyang bumaba nalang dito para magtimpla ng sarili niyang kape mayaman nga naman" kausap ni Syntha sa sarili habang hinahalo ang kapeng kagagawa niya lamang, tinikman niya pa iyon saglit kung sakto na ba ang lasa pagkatapos ay inilapag niya na sa isang itim na tray at nagsimulang maglakad papunta sa silid ng lalaki.

"Dapat kasi si ate Mikay nalang ang nagdala nito, lalo ako nitong pag-uusapan ng mga katulong eh" inis niyang ani sa sarili ng makarating na harap ng pintuan ng kwarto ng lalaki.

Huminga na muna ako ng malalim bago naisipang katukin ang pinto ni sir Mattheo. Ilang segundo pero wala akong narinig na nagsalita kaya kinatok kung muli. Kainis tagal buksan ng lalaking ito, mamaya may makakita sa akin dito.

"Sir Mattheo ako po ito si Syntha!" Medyo nilakasan ko ang boses baka sakaling marinig niya at hindi nga ako nagsisi.

"Come in!" Paos at pagod na rinig kong boses niya. Mukhang pagod na pagod siya base sa boses na narinig ko. Pinihit ko na ang doorknob buti hindi iyon naka-lock.

Pagkapasok ko ay sinarado ko rin ang pinto. Nakita kong nakahiga pa ang lalaki at nakadapa nakasubsob rin ang mukha niya sa unan dahilan para hindi niya ako makita.

Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin ng makitang wala siyang suot na pang-itaas na damit at hindi ko rin alam kung may suot ba siyang short o pajama dahil may kumot ang kalahating katawan niya.

Inilapag ko na lang sa maliit niyang mesa ang kape. Lumapit ako sa puwesto niya at umupo sa kama para gisingin siya pero nagdadalawang isip ako kung yuyugyugin ko ba ang balikat niya. Napanguso naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin pero wala akong magawa kaya napilitan nalang akong tapikin ang balikat niya.

"S-sir Mattheo gising! nandito na po ang kape niyo. Inumin niyo na baka lumamig pa sayang naman ang pagtimpla ko kung hindi niyo iinumin" saad ko sa kanya at tinapik ang maskuladong niyang braso pero wala atang balik bumangon ang lalaking ito.

"Sige po lalabas na lang ako baka nahihiya kayong bumangon" anang wika ko sa kanya.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo para umalis ng may isang malaking kamay ang pumulupot sa aking bewang dahilan para mapangiti ako. Babangon ka rin pala eh.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon