"Ate Syn, can you tell me your life in the province" English na saad ni Mayumi kay Syntha. Kahit papaano ay naunawaan niya ang sinabi ng dalaga dahil sa life at province na salita.
Nasa byahe palang sila at magkatabi ng upo, kasama rin nila si Manong Jun na nagmamaneho.
"Ahh sige po" nahihiyang sagot ni Syntha sa dalaga na nakangiti paharap sa kanya. Huminga siya ng malalim, inayos ang upo at sinimulang magkuwento.
"A-ang buhay ko po sa probinsya ay simple lang kasama ko sila Inay at Itay, kahit mahirap ang buhay namin ay masaya ako at kuntento sa kung anong meron at kung ano ang ihain sa mesa. Grade 7 lang ang natapos ko dahil mahirap ang buhay kahit ako lang ang nag-aaral, mahina rin ang utak ko at idagdag pa na minsan inaatake ako sa puso kaya pasensya na po kayo kung minsan natatahimik ako kapag nagsasalita kayo ng English kunti lang po kasi ang alam ko" Nahihiyang kuwento ni Syntha sa katabing dalaga na tahimik lamang na nakikinig.
"Ayy I'm really sorry ate Syn akala ko naiintindihan mo, sorry wag kang mag-alala magtatagalog na lang ako pero hindi ako magaling sa malalalim na salita eh" ani nito sa kanya at tumawa.
"Sige na po ituloy mo na ang buhay mo sa probinsya gusto kong malaman" dugtong pa nito sa sinabi, tumango naman siya bilang tugon.
" May sarili kaming Lupa pero maliit lamang iyon, nasa gitna iyon ng malawak na palayan, nakikisaka lang rin si Itay sa may-ari. Maraming pagkakautang si Itay sa may kayang kabaryo namin para sa pang-araw-araw na iininom kung gamot sa puso at hindi niya na alam kung paano babayaran kaya tumigil na lang ako sa pag-aaral para makatulong sa kanila. Natatandaan ko pa noong pinagalitan ako ni Inay dahil ayaw ko ng mag-aral at mas gusto kong tumulong sa pagtitinda ng mga gulay. Hanggang sa nagdalaga na ako ay pagtitinda ang ginagawa ko pero nagkasakit si Itay sa atay at kailangan ipagamot, hindi sapat ang perang nanggaling sa pagtitinda namin kaya ng malaman kong naghahanap ng mamasukan bilang kasambahay dito sa Maynila ay kinuha ko na ang pagkakataon para makatulong sa pagkakayod at nandito na nga po ako" mahabang kuwento ni Syntha at habang tumatagal ay naging komportable na siya sa presensya ng kasamang dalaga at parang ayos lang sa kanya na ikuwento ang buhay niya.
"Ang sipag at bait mo namang anak ate Syn, sana gumaling na ang papa mo sa sakit niya at maging ikaw rin" saad ng dalaga sa kanya at hinawakan ang kamay, napangiti naman siya.
"Pwede niyo po bang ikuwento ang mga tanawin sa probinsya niyo, isang beses palang kasi akong nakapunta sa probinsya noong maliit pa ako at hindi na nasundan dahil pabalik balik ako sa Europe para mag-aral eh" hiling sa kanya ng dalaga at mukhang excited. Halata naman kasing mukhang hindi pa ito nakakapunta base sa pinapakita nitong reaksyon.
"Aba oo naman, magaganda ang tanawin sa probinsya masarap rin sa pakiramdam ang simoy ng hangin hindi katulad dito sa Maynila. Walang masyadong ng malalaking gusali sa lugar namin, meron naman pero hindi katulad ng dito. Marami ring mga puno sa paligid, gaya nga ng sabi ko ang bahay namin ay nasa gitna ng palayan kaya maganda talaga ang tanawin. Medyo malaki lang din ang aming palengke kaya kapag nagtitinda ako ng gulay ay siksikan ang mga tao. Masaya sa probinsya lalo na sa lugar namin" Masayang kuwento ko sa kanya na nakangiti.
"Hayy, I really like talaga na tumira sa province but dad ayaw niyang pumayag, masyado silang protective ni Mommy" malungkot na ani nito sa kanya kaya maging siya ay nalungkot din.
"Pero pwede ba akong sumama sayo once na nagbakasyon o bumalik ka sa lugar niyo" masayang saad sa kanya ni Mayumi at hinawakan ang kamay. Nagdadalawang isip naman siya sa isasagot, kung isasama ba o hindi. Pero nakakahiya naman kung hindi siya papayag, kaya tumango na lamang siya dito.
"Yeheyy!! Thank you ate!" Pasasalamat nito at niyakap siya na ikinangiti niya.
Pagkatapos ng pag-uusap ay katahimikan ang namayani sa kanila pero may mga ngiti sa labi ang bawat isa, lalo na si Mayumi na mukhang excited talaga na isama niya sa lugar nila. Ilang sandali pa ay huminto na ang kanilang sasakyan sa malaki at tatlong palapag na gusali. Ito na siguro ang mall, ani sa isip ni Syntha. Lumabas na sila at dali dali naman siyang pumunta kay Mayumi baka kasi mawala siya.
"Let's go ate Syn, we're gonna buy a lot of clothes" gigil na ani ng dalaga sa kanya at nagsimula ng naglakas papasok sa loob ng mall, sinundan niya naman ito.
Laglag ang panga ni Syntha ng makapasok sa loob ng mall, sobrang laki ba naman at daming mga gamit marami ring mga tao ang bumibili. Nagpaikot ikot pa siya habang naglalakad para matingnan talaga lahat.
"Grabi naman ang mall na ito, ang daming pwedeng puntahan, ang daming mga gamit at pwedeng bilhin" saad ko sa aking sarili. Gusto kong bumili pero wala naman akong dalang pera, siguro'y sa susunod nalang.
Nakangiti namang huminto sa paglalakad si Mayumi at hinintay si Syntha na manghang mangha sa mga nakikita sa paligid. Mukhang nakita siya ng babae na naghihintay kaya dali dali itong naglakad papunta sa kanya.
"Pasensya na Ma'am Mayumi, ang gaganda kasi at ang daming pwedeng bilhin walang ganito sa amin eh" ani ko kay Ma'am Yumi ng makarating sa pwesto niya. Nginitian lamang siya ng dalaga at sinabing tumabi sa kanyang paglalakad at baka siya ay mawala.
Dumaan sila sa escalator at nandoon pa rin sa mukha ni Syntha ang pagkamangha sa mga nakikita. Nang makarating sa Second floor ng mall ay pumunta sila sa isang botika ng mga bestida. Nalaman niya ka-agad ng botika iyon ng mga bestida dahil may naka-display na magagandang floral dress sa wall na salamin.
Napatutup ako ng bibig ng makita ang nakalagay na pangalan sa taas ng salamin na pinto, "CHANEL" ang nakalagay roon, naalala ko na ganon ang damit na sinuot ko noong ako'y nasa hospital, itinago ko iyon para hindi mawala. Ang sabi ni ate Mikay na mahal raw ang presyo nito, sabagay kaya naman itong bilhin ni Ma'am Mayumi dahil mayaman siya.
Sumunod na ako sa loob at hinanap ng mata ko si Ma'am Mayumi. Buti nalang nakita ko siya ka-agad na tumitingin sa mga bestida. Ang akala ko mga bestida lang ang nandito mayroon din palang mga sandals, sapatos, bag at marami pang iba.
"Ate come here, let me see kung bagay sayo itong dress" tawag sa akin ni Mayumi, lumapit naman ako at inilapit niya sa akin ang bestida.
"Perfect! Bagay, bibilhin natin para sayo" na siyang ikinalaki ng mata ko.
"N-naku Ma'am Yumi wag na po nakakahiya may bestida pa rin naman ako roon" nahihiyang saad ko sa kanya. Pero nagulat ako ng ibinigay niya sa akin ang dress at ngumiti.
" Ayy naku ate Syn bibilhan kita sa ayaw at gusto and for advance gift na rin para sayo" ngiting ani nito at naglakad ng muli.
Napabuntong hininga naman ako, ano pa nga bang magagawa ko. Inayos ko ang pagkakahawak sa bestida at saktong nahawakan ko ang tag. Tiningnan ko ang presyo at halos manlumo ako sa nakita, walang hiya 20,000 ang isa nito ang mahal naman, pwede na itong pambili ng alagang baka at bigas sa probinsya.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...