"Anong flavor ang gusto mo sa ice cream?" tanong ni sir Mattheo sa akin ng makarating kami sa isang bilihan ng ice cream na nandito sa loob ng mall.
"Chocolate nalang" ani ko, nasa gilid niya lang ako at magkahawak pa rin ang aming kamay ayaw niya pa kasing tanggalin.
"Two chocolate ice cream in a cone" malamig na saad niya sa tinderang babae.
"Ahh okay po sir, just wait lang po!" Napataas ako ng kilay ng pinakyut pa ng babae ang boses niya, pinadausdos niya pa ang daliri sa kamay ni Mattheo ng kunin ang bayad.
"Ehemm, baby nagugutom na talaga ako matagal pa ba yan!" Nakangusong ani ko kay Mattheo, gulat naman ito sa sinabi ko hindi niya ata inaasahan na tatawagin ko siyang baby. Tumingin ako sa babaeng tindera at tinaasan ng kilay dali dali niya namang kinuha ang pera na nasa kamay ni Mattheo at padabog na umalis sa harap namin.
Napahagikgik naman ako, ang sarap mang asar ng tao ngayon.
Napapitlag ako ng maramdaman ang malaking kamay ni Mattheo na pumulupot sa bewang ko at hinapit ang katawan ko palapit sa kanya. Tiyak kong namumula na ngayon ang pisngi ko.
"Here's your ice cream ma'am and sir, enjoy eating!" Ani ng babae, ngumiti siya kay Mattheo pero inisnaban niya lang ako.
"Let's go!" Aya sa akin ni Mattheo ngumiti naman ako sa kanya pagkatapos ay sabay na umalis doon.
Naglalakad lakad lang kami dito sa mall na magkahawak ang kamay habang kumakain ng ice cream.Hindi ko alam kung anong namamagitan sa aming dalawa, kung may kami ba o wala? Hinahalikan niya ako, napapamula niya ang pisngi ko, may kung ano ring kuryente ang dumadaloy sa akin tuwing nagtatama ang aming mga mata, tapos ngayon ay magkasiklop ang aming mga kamay, gusto ko mang magtanong pero nakakatakot na baka sabihin niyang wala lang itong lahat ng ginagawa niya sa akin, saka ko nalang iisipin ang bagay na iyon kapag siya na mismo ang nagsabi sa akin, sa ngayon i-enjoy ko na lamang ang oras na kasama ko siya na hindi niya ako binubulyawan o sinasaktan.
"Syntha!"napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko, nakita kong si ate Mikay iyon kasama si sir Brent. Dali dali ko namang tinanggal ang kamay naming dalawa ni Mattheo, buti nalang nasa malayo pa sila sana hindi nila nakita ang kamay naming magkahawak ni sir Mattheo.
"Ate Mikay!" tawag ko rin dito, lumapit ako sa kinaroroonan nila habang hawak ang icecream cone.
"Saan ka ba nagpunta?, kanina pa kita hinahanap binalikan kita sa puwesto mo kung saan kita iniwan pero wala kana" nag-aalalang ani ni ate Mikay pagkatapos ay tumingin sa likod ko.
"S-sir Mattheo kayo po pala!" nahihiyang ani ni ate Mikay sa taong nasa likod ko. Lumapit naman si sir Brent sa amin, nakapamulsa itong naglakad habang seryoso ang mukha habang si sir Mattheo ay nasa tabi ko pero medyo malayo ang katawan namin sa isa't isa.
"Why are the two of you together?"masungit ng tanong ni sir Brent, hindi ko alam kung sa akin ba siya nagtatanong o kay sir Mattheo, napakagat ako sa labi dahil hindi ko naman ang isasagot.
"You don't need to know why we are together" supladong sagot ni Mattheo sa kapatid at kumain ng ice cream.
"Tskk, let's go Syntha and Mikaela uuwi na tayo!" malamig na ani ni sir Brent sa amin, sabay naman kaming tumango ni ate Mikay. Tumalikod na rin si sir Brent at nagsimulang maglakad.
"No! Syntha will come to me" anang lalaki dahilan para balingan siya ng kapatid ng tingin, nakakunot na ang nuo nito.
Pabalik balik ang tingin namin ni ate Mikay sa dalawang magkapatid na ngayon ay nagtitigan at parang walang balak magpatalo sa tinginan nilang dalawa.
"No, sa amin sasabay si Syntha! Kami ang kasama niyang pumunta dito kaya kami rin ang kasama niyang uuwi!" Seryoso at madiing ani ni sir Brent sa kuya, nagkatinginan naman kami ni ate Mikay sa isa't isa at nagkibit balikat nalang sa nangyayari ngayon.
"I don't care kung kayo ang kasama niyang pumunta dito sa akin sasakay si Syntha at maghahatid sa mansyon" malamig na saad ni sir Mattheo at kinuha ang kamay kong walang paso.
"Mattheo!" Madiing saad ni sir Brent, hindi ko na nakita ang hitsura niya dahil nagsimula na kaming maglakad pero di pa man kami nakakailang hakbang ay biglang tumunog ang cellphone ni sir Mattheo.
"F*ck this phone!" Asik niya, huminto kami sa paglalakad at binitawan ang kamay kong kanina ay hawak niya. Kinuha niya ang cellphone at sinagot iyon, tiningnan niya pa ako bago lumayo ng kunti para makausap ang nasa kabilang linya.
Nilingon ko sila ate Mikay at sir Brent nandoon pa rin sila sa pwesto nila kanina at nakatingin sa amin. Ilang minuto lang ay lumapit sa akin si Mattheo at hinawakang muli ang kamay ko, akala ko ay aalis na kami pero mali ako. Bumalik kaming muli kung nasaan ang kinaroroonan nila sir Brent. Nagtataka ko namang tiningnan si sir Mattheo na seryoso ang mukha.
"I have some important things to do, hindi ko masasabay si Syntha!" Aning seryoso ni sir Mattheo kay sir Brent, tumawa naman ng pagak ang lalaki dahil sa narinig tahimik lang din si ate Mikay na nakikinig.
"Hindi mo naman pala kayang ihatid!" Supladong sagot ni sir Brent sa kuya, tinaasan lang siya ng kilay ng kuya pagkatapos ay bumaling sa akin ng tingin.
"Sa kanila ka na muna sumabay may emergency kasing nangyari sa kompanya at kailangan kong ayusin ka agad, don't worry uuwi ako mamaya" mahina ani niya sakto lang para marinig ko, tumango naman ako at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"I'll go first now, ayusin mo ang pagmamaneho Brent!" malamig na saad ni Mattheo sa kapatid pagkatapos ay bumaling ng tingin sa akin at ngumiti pagkatapos naglakad at iniwan niya na kaming tatlo, iba ang direksyon ng lakad niya at hindi iyon palabas sa mall hindi ko alam kung saan siya dadaan.
"Tama ba iyong nakita ko? Ngumiti si sir Mattheo!?" rinig kong tanong ni ate Mikay habang ako naman ay nakatingin lang sa papalayong bulto ng lalaki.
"Let's go! Uuwi na tayo" saad ni sir Brent dahilan para lingunin ko sila, napabuntong hininga naman ako pagkatapos ay lumapit sa gawi ni ate Mikay hawak hawak ko pa rin ang ice cream na malapit ng matunaw.
Hindi ko alam pero nanghihinayang ako na hindi kami magkasabay na uuwi ni sir Mattheo pero sabi niya ay uuwi naman siya mamaya, inubos ko nalang ang ice cream ko habang palabas kami ng mall.
Bumabyahe na kami pauwi at tahimik lang kaming tatlo, nandito pa rin ako umupo sa backseat at si ate Mikay ay sa passenger seat. May dala dala ring pink teady bear si ate Mikay katulad ng ready bear sa machine na nilaro namin kanina.
Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagbubuntong hininga, ibinaling ko nalang ang paningin sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...