Alas kwatro palang ay nagising na ako. Hindi na ako kumain kagabi at wala naman akong balak kumain. Nakita kong tulog pa ang iba kong kasamahan pero si manang Fe mukhang gising na dahil wala na ito sa kanyang kama.
Inayos ko na muna ang hinigaan, pagkatapos ay kinuha ang tuwalya't dumeretso sa aming banyo para maligo. Habang naliligo bigla kong naalala, ang litrato namin ni Inay at Itay. Hindi ko alam kung na saan na, hindi kaya naiwan sa kwartong iyon. Pero saka ko na hahanapin, ang gagawin ko na muna ngayon ay magtrabaho para makapadala ng pera kila Inay. Natapos na akong maligo at isinuot ang pangkatulong na damit.
Isinuklay ko lang ang buhok at lumabas na rin ng aming silid. Madilim pa ang paligid at wala pang katao tao. Sa kusina ang deretso ko dahil tiyak kong naroon si Manang Fe dahil may nakita akong nakabukas na ilaw.
"Manang Fe!" Tawag ko sa matanda baka kasi magkagulatan kami bigla. Hindi siya mahagilap ng mata ko pero isang lalaki ang nakita ko na nasa kusina, umiinom ito ng alak.
Tiim bagang itong tumingin sa akin ng marinig ang pagtawag ko kay Manang, kinabahan ako sa paraan ng pagtitig ng kanyang asul na mata ramdam ko na rin ang pagkarera ng aking puso dahil sa takot. Gusto kong umalis sa pwesto ko pero ayaw lumakad ng mga paa ko. Ngumisi ito ng nakakaloko at ibinaba ang iniinom. Lumakad ito ng pasuray suray papunta sa akin na siyang ikinabahala ko.
"H-huwag k-kang lalapit, dyan kalang" matapang na utos ko sa kanya at itinuro ang pwesto niya. Kahit natatakot ay mas pinapatatag ko ang loob.
Tumawa lamang ito ng malakas sa sinabi ko na para bang nakakatawa. Hindi niya sinunod ang sinabi ko bagkus lumapit pa siya sa akin na nagpanginig sa buo kong katawan.
Akmang tatakbo na ako pero isang marahas na kamay ang humila sa braso ko at ang isa niyang kamay ay nasa maliit kong bewang, napasubsob naman ako sa matigas nitong dibdib. Nasinghot ko na rin ang pabango nito.
"Hmmm... Why you smell so good?" Bulong nito sa aking tainga, na-amoy ko ang hininga niyang pinaghalong alak at mint. Medyo nakayuko siya sa akin dahil matangkad siya at ako'y hanggang balikat niya lang.
"B-bitawan mo ako, a-ano ba?" Pagpupumiglas ko sa kanya pero hinigpitan niya lamang ang hawak sa aking braso at bewang para makaramdam ako ng sakit.
"Awwww arayy! M-masakit" naluluhang turan ko sa kanya dahil sa paghigpit niya sa aking braso, tiyak kong magkakasapa iyon.
Tumingin naman siya sa aking mukha na may luha, ngumisi lamang siya sa akin at parang walang pakialam sa nararamdaman ko.
"You know what I love seeing you crying and suffering from me honey" malamig na aniya habang hinahaplos ang aking mukha na iniwas ko naman.
"H-hindi kita m-maintindihan" inis kong saad na nagpangiti sa kanya at dumagdag sa kagwapuhan niya.
"P-pwedeng bang b-bitawan mo na ako S-sir, nasasaktan na po ako. Nandito po ako para m-magtrabaho hindi p-para makipaglaro sa inyo" galit na ani ko sa kanya pero siya'y parang timang lamang na nakatitig sa akin.
"Ano ba magsalita nga kayo at h-huwag niyo akong t-titigan n-"
Isang malambot na labi ang dumampi sa aking labi na nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ng magsimula siyang gumalaw sa aking labi, mulat lamang ang aking mata. Naramdaman ko ring lumuwag na ang pagkakahawak niya sa aking braso at bewang naging marahan na iyon. Napasinghap ako ng kinagat niya ang ibabang labi ko. Hindi ko alam ang gagawin ng tumigil siya habang nakapikit at ipinagdikit ang aming noo.
"You're lips so sweet, it's taste like strawberry" ani nito, sasampalin ko na sana siya pero nahulog na ang ulo niya sa aking balikat.
Ilang segundo pa bago ako bumalik sa wisyo, unang halik ko iyon at kinuha lamang ng lalaking ito. Napansin kong tulog na ito sa aking balikat.
"S-sir M-Mattheo, gising ano ba ang bigat mo" niyugyog ko ang katawan niya pero wala itong tugon sa akin.
"Oh Syn, anong nangyari?" Nahihirapan naman akong lumingon sa nagtanong sa akin niyon dahil sa akin napunta ang bigat ng lalaki.
"Ayy halaa anong nangyari sa Señorito?" Si manang Fe pala.
"M-manang tulong po, ang bigat. N-nakita ko po siyang umiinom ng alak dito kanina" saad ko, wala akong balak sabihin kay manang na ninakaw ng hangal na lalaking ito ang unang halik ko.
" Oh siya't tutulungan kita, alalayan mo akong dalhin siya sa kwarto niya" wika ni manang at kinuha ang isang kamay ni Sir Mattheo at pinagtulungan naming buhatin.
"Hay napaka pasaway talagang batang ito, alas kwatro na ng umaga nagawa pa ring uminom, kahapon uminom rin sila ng mga kaibigan niya. Walang kasawaan sa inom, mga bata nga naman!" Mahabang lintaya ni Manang Fe habang naglalakad kami sa hagdan para ihatid ang lalaking ito.
Nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto ng lalaki at si Manang mismo ang bumukas noon pagkatapos ay inihiga namin si Sir Mattheo sa kanyang kama. Nang maihiga na naman ay lumikot ang aking mata sa loob ng kanyang kwarto.
Hindi ko mapigilang mamangha, ang laki ng kanyang kwarto, siguro ang kwarto niya ay kalahati na ng bahay namin sa probinsya.
"Oh siya bantayan mo na muna siya at kukuha ako ng mainit na tubig para mapunasan siya" usal ng matanda sa akin.
"Ahh manang saglit, tanong ko lang po saan kayo kanina? Hindi ko kasi kayo nakita sa kusina" tanong ko sa kanya.
"Nasa likod ako ng mansyon kanina kasama si Joey dahil may narinig kaming nahulog ng tingnan namin isang bulaklak na nakapaso at nabasag, kaya hindi ako kaagad naka deretso sa kusina dahil inayos ko pa ang nasira" mahabang paliwanag nito sa akin.
"Ganon po ba, sige po Manang" sagot ko na lamang sa kanya at binalingan si Sir Mattheo na mahimbing na natutulog.
"Oh siya dito ka na muna at kukuha ako ng mainit na tubig, huwag kang mag-alala tiyak ko namang walang gagawin iyang alaga ko sayo dahil sa kalasingan niya" ani nito habang nakatingin sa binata, pagkatapos ay lumabas na rin at naiwan ako sa loob kasama ang lalaking ito.
Inayos ko na lamang ng higa ang lalaki at tinanggal ang suot niyang sapatos. Pagkatapos ay umupo sa kanyang tabi habang ang aking mata ay naglilibot sa sulok ng kanyang kwarto.
Simple lamang ang kwarto ni Sir Mattheo, itim, puti at gray ang kulay ng kanyang kwarto na masasabing panlalaki talaga. Malaki rin ang kama niya at panlalaki ang amoy ng loob. Natitiyak kong malinis siya dahil maganda ang pagkaka-ayos ng lahat. Pero naagaw ng atensyon ko ang picture na nakapatong sa kanyang mesa.
Tumayo ako't kinuha iyon, isang medyo matanda na lalaki at isang binatang lalaki ang nasa litrato. Napatingin ako kay Sir Mattheo at bumalik sa hitsura ng binatang nasa litrato, mukhang siya ang lalaking ito natitiyak kong 15 o nasa 17 palang siya dito. Pero sino naman ang matandang ito? Baka lolo niya. Hindi ko namalayang na nakangiti ako habang tinititigan ang ibang litrato nilang masayang magkasama, ang iba ay maliit pa siya at katabi ang matanda.
Bakit kaya siya ganyan? Bakit ang samasama niya sa'kin? Bakit bawal kang tawagin sa pangalang Theo? Anong dahilan mo?
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...