CHAPTER 49

3.8K 40 0
                                    

Dalawang araw na rin ng mailibing si Itay pero yung sakit nandito pa rin sa dibdib ko. Halos wala akong gana sa lahat ng bagay, kahit sa pagligo at pagkain ay nawawalan ako ng gana. Palagi lang din akong nagmukmuk sa kwarto ko. Ayaw kong lumabas at makipag-usap sa iba kahit pa kay Inay.

"Ate syn, baka pwedeng l-lumabas ka naman kahit pansamantala lang" Rinig ko ang boses ni Mayumi sa pintuan ng kwarto ko. Nandito pa rin siya, kahit nasa loob ako ng kwartong ito alam kong siya ang tumutulong kay Inay sa pag-aasikaso ng lahat.

"Kahit kainin mo lang itong luto kong pagkain, alam mo bang pinaghirapan ko ito, napaso pa nga ako eh hahaha buti nalang tinulungan ako ni Nanay Seil" dugtong niya pa sa masayang boses. Kinuha ko ang kumot at nagtalukbong. Pinikit ko ang mata at nagpabingibingihan sa tawag niya.

Sa kabilang banda, halos basagin at sirain na ni Mattheo ang mga gamit sa loob ng sariling pamamahay niya dahil sa galit. Ilang araw na rin siyang lulong sa alak, kasama niya ang tatlong kaibigan na hindi siya iniwan.

Pagkatapos ng senaryong nangyari sa kanyang kaarawan. Nang gabing iyon ay umalis din siya para hanapin ang babae ng malamang umuwi iyon ng ganoong oras ng gabi. Halos sabunutan niya ang sariling buhok habang nagmamaneho kakahanap sa babae pero hindi niya natagpuan.

Naabutan pa siya ng umaga ng araw na iyon kakahanap sa babae hanggang sa tumawag ang kapatid niyang lalaki na nawawala si Mayumi. Wala siyang choice kundi bumalik sa mansiyon. Sa pagbalik niya'y isang malakas na sampal ang natanggap niya sa ina. Galit ka galit iyon sa kanya lalo pa't nawawala ang kaisa-isa nitong anak na babae. Maging ang kanyang ama ay disappointed sa kanya. Wala siyang choice kundi hanapin ang dalawang babae, hanggang sa nalaman niya sa pilotong kaibigan na sumama iyon sa probinsya nila Syntha.

"Damn bro, tama na yan kagabi ka pa umiinom" napabaling siya ng tingin sa kaibigan hindi niya iyon sinagot at uminom muli ng alak. Nasa bar sila at nagpapakalasing siya. Sila lang din ang naroon dahil isa sa pagmamay-ari ni Andrie kaya pwedeng kahit sila lang ang naroon.

"Paano ka niya mapapatawad kung hindi ka kumikilos, alam mo bang kumikilos na ang mga kalaban para patumbahin tayo" naiinis na asik sa kanya ng kaibigan na si Rafael. Ibinaba niya ang baso na nasa kamay at napabuntong hininga.

"F*ck! wala sa plano ko ang saktan si Syntha pero ganito ang nangyari" para na siyang maiiyak habang sinasabi iyon.

"Boss alam mo yan sa sarili mo na sa simula't sapol kasalanan mo, bakit mo pa kasi pinapatay iyang tatay niya? sigurado ka na ba talagang ang tatay niya ang pumatay sa grandpa mo, paano kung nautusan lang din siya katulad ng iba?" Mahigpit niyang hinawakan ang baso dahilan para mabasag iyon dahil sa narinig mula kay Andrie na katabi niya lang.

"Talaga bang iniinis mo ako Montemayor?" madilim niyang tanong sa kaibigan. Tumayo siya at hinarap ito.

"Sinasabi ko lang ang totoo Consolacion na sa simula't sapol kasalanan mo naman talaga ang lahat. Ako na ang naaawa kay Syntha sa pinanggagawa mo sa kanya, kung kaya ko lang siyang protektahan sayo ginawa ko na pero hindi eh alam ko ang boundary na meron ako!" Nakaramdam siya ng insulto dahil sa narinig mula sa kaibigan. Mabilis niya iyong kinuwelyuhan at suntok sa mukha dahilan para mapa-atras iyon.

"Hey hey! Stop fighting!" Pag-aawat sa kanila ni Rafael na nasa gitna na nilang dalawa ng akmang susugod na sana si Andrie sa kanya.

"Just f*cking tell me kung gusto mo si Syntha g*go ka? Dahil mapapatay talaga kita" Galit na sigaw ni Mattheo kay Andrie. Parang ayaw rin niyong magpatalo sa kanya.

" Go Consolacion kill me! P*tang-ina, parang hindi ka tunay na lalaki kung makatrato sa babae, wala akong gusto kay Syntha pero matagal na akong naaawa sa kanya simula sa lintik mong mga plano! Lalaki ka ba talaga Mattheo? F*ck you, bakit hindi ka pa nakakaalis dyan sa nakaraan mo? Alam mo naman pala sa sarili mong mahal mo na ang babae bakit mo pa tinuloy ang plano mong patayin ang tatay niya tapos ngayon magpapakalulung ka sa alak!" Madiing sigaw sa kanya ni Andrie, napatahimik siya at walang maisagot sa lalaki. Ngayon niya lang nakita ang kaibigan na galit sa kanya at naglabas ng sama ng loob.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon